"Lunch is serve!" Sabi ni Johann.

"Ang dami!" Sabi naman ni Colette.

"Ngayon lang ulit ako makakain ng inihaw!" Excited na sabi ni Kayden.

Nagsimula na kami kumain ng lunch. After ko kumain ay may hinahanap pa ako na gustong kainin. Dessert.

"May nag-order po ba ng ice cream sa inyo?" Tanong ng waiter at umiling kaming lahat. Napansin naman ni Dusk iyong waiter kaya tumango siya.

"Yes. Palagay na lang sa harap ng babaeng naka-yellow dress." Sabi niya at nilagay sa harapan ko ang isang bowl ng ice cream.

"Eat well ma'am." Sabi niya at umalis na.

"Wow naman! May pa-ice cream si Dusk para lang kay Celeste? Paano naman kami?" Tanong ni Colette.

"Eh 'di mag-order din tayo!" Sabi naman ni Kayden.

Dahil tapos na naman sila kumain ay umalis silang lahat sa table maliban sa aming dalawa ni Dusk. Tumabi sa akin si Dusk.

"Naghahanap ka ng dessert kanina ano?" Tanong sa akin ni Dusk. Tumango ako.

"Buko flavor iyang in-order ko. Best seller daw nila na ice cream flavor dito." Sabi niya.

"Masarap!" Sabi ko.

"Sige kain ka lang dyan." Sabi niya.

Habang nakain ako ay tiningnan ko naman iyong anim na taong iniwan kami. Mga masasaya ang mukha habang nakain ng ice cream.

"Gusto mo?" Tanong ko kay Dusk.

"Ayaw ko. Kumain na ako nyan kahapon." Sabi niya. Tumango ako.

Bumalik na silang anim sa table namin habang nakain pa rin ng ice cream.

"Dahil tuloy kay Celeste, napabili kami ng dessert." Sabi ni Brielle.

"Oo nga! Ang sweet kasi noong isa dyan pero hindi man lang kami dinamay." Sabi naman ni Johann.

"Ano ba kayo! Dumadamoves si Dusk kay Celeste! If I know balak na niyang tanungin si Celeste anytime about sa pan---" Hindi na natapos ni Paisley ang sasabihin niya nang biglang nilagay ni Johann ang spoon sa bibig ni Paisley.

"Ang daldal mo talaga! Kumain ka na lang dyan!" Sabi ni Johann at natawa kaming lahat.

Nang matapos na kami kumain ay naisipan naming pumunta sa ibang destination na malapit lang sa Boracay.

"Kaya mo bang mag-travel pa?" Tanong sa akin ni Dusk.

"Oo naman! May dala naman akong you know in case na tagusan." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Since two days na tayong nagswi-swimming, pumunta naman tayo sa different location pero around Boracay. What do you think?" Tanong ni Paisley.

"Sure! Saan ba?" Tanong naman ni Brielle.

Nag-search muna kami sa mga phone namin kung anong pwedeng puntahan.

"Ito may nakita ako! Motag Living Museum. Based sa mga pictures ay farm ito. Pwede siguro tayo magka-experience na magtanim dito or makasakay ng kalabaw." Sabi ni Johann. Tiningnan naman namin ang phone niya.

"How about dito sa D'Mall? Hindi pa kami nakakabili ng souvenirs tapos mukhang mas magandang maggala ngayon." Sabi naman ni Paisley at pinakita sa amin ang pictures.

"Mukhang maganda dyan." Sabi naman ni Brielle.

"Hindi siya iyong typical mall na makikita natin sa Manila na airconditioned. Tapos marami pang kainan." Comment naman ni Brielle.

Once Upon A Bookजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें