“psst.. sumabay kana sa'kin ashley ng buhay ko. Ililibre kita.” ani ni robert nang makalapit ito sa puwesto ko at sumabay ng lakad sa'kin.

“ahh paumanhin robert at hindi kita masasabayan.” pagpapa-umanhin ko sa lalake, “may pupuntahan kasi ako e” dagdag na sambit ko at ginawaran siya ng maliit na ngiti.

“oh sige pero may tanong ako sa'yo” sambit ng lalake, “ano 'yon? Baka masagutan ko” nakangiting ani ko, “may pag-asa ba ako sa'yo, ash? Promise magiging matino ako bilang boyfriend mo. Legal ka naman na ash e” sambit nito at hinawakan pa ang kamay ko habang sinasayaw sa hangin.

“paumanhin robert, pero hindi ko masasabi sa'yo ang sagot ng iyong tanong dahil kahit ako ay naguguluhan rin sa aking sarili” natatawang ani ko.

“bakit ng lalim mo magsalita ng tagalog?” naguguluhang tanong nito, “hindi ko rin alam e” nakangiting ani ko.

“HAHAHA” halakhak ng kung sino sa likod namin kaya sabay kaming lumingon ni robert sa likod.

“ano ngayon, bert? Hindi ka nakadali 'no? Sabi ko naman sayo mahirap pilitin si ashley! Naku brad out kana.” natatawang ani ni roger.

“maghintay kalang!” palabang sambit ni robert.

“hey, ash my labs. Halika na kakain na tayo” sambit ni roger at hinawakan ang braso ko at akmang hihigitin na ako nang hawakan rin ni robert ang kaliwang braso ko. Ano bang problema ng dalawang 'to? May plano ba silang hatiin ako sa dalawa?

“maari bang bitawan niyo ang braso ko?” agaw ko sa atensiyon nila pero wala man lang isa sa kanila ang pumansin sa'kin.

“hi, hello? May naririnig ba kayo?” sambit ko ulit pero nakatitig parin sila ng masama sa isa't isa na nagbibigay ng mainit na tensyon sa paligid.

Nagpupumiglas na ako pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nila.

Gusto ko ng sumabog. Gustong-gusto ko na talaga pero pilit kong pinipigilan ang sarili kahit nasasaktan na ako. Ako kasi iyong klase ng tao na mataas ang pasensya pero ngayon ay hindi ko na kayang magpigil pa.

Hindi kami hinahayaan ng mga magulang naming masaktan kahit man lang ng sariling kamay nila at lalong lalo nang hindi nila kami hahayaan na masaktan ng ibang tao kaya bakit ko hahayaan 'tong dalawang walang modong mga lalakeng 'to na hawakan ako ng marahas?

“ano baa! Bitawan niyo na ang braso ko, paki-usap!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Sisubukan nila ang aking pasensya.

Sabay binitawan ng dalawa lalake ang braso kaya hinimas-himas ko muna ito. Ang sakit talaga, pakiramdam ko ay lumakra ang kamay nila doon.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni robert at walang emosyon naman ang mukha ni roger.

Pilit kong kinalma ang loob ko baka kasi anong magawa ko sa dalawang 'to, siguradong hindi nila magugustuhan ang maari kong magawa dahil miski ako ay hindi gusto ang nagagawa ko kapag galit ako.

“sorry ash, sorry talaga hindi ko sinasadya” aligagang ani ni robert at sinubukan pang hawakan ang markang ginawa nila sa braso ko pero agad kong hinarang ang kamay niya.

“huwag na, okay lang ako. Aalis na'ko” sambit ko at tumakbong umalis sa lugar na'yon.

Napatingin ako sa mga praso kong ngayon ay namumula at ramdam ko rin na namamanhid ang mga 'to.

“aalis kana ash?” tanong ni manong guard. Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa destinasyon ko.

“opo, manong. Paniguradong hinihintay na niya ako sa paborito naming karenderya” nakangiting tugon ko, “wala ata kayong pera dalawa at sa karenderya lang kayo kakain ngayon?” pagbibiro ni manong, “parang ganoon na nga po manong” natatawang ani ko.

Love that Last Until EternityDär berättelser lever. Upptäck nu