"Love?" , mahinang tawag ko sa kanya pero sapat na para marinig nya.

"What?!" , iritadong tanung nya sakin. Napatigil naman ako doon sa way ng pananalita nya. May nagawa ba kong hindi nya gusto? Kung tungkol kay Kleo naman yun, alam nya naman na nasa condo ko nagstay si Kleo at pumayag sya dun.

"Kung wala kang sasabihin pwede ka nang umalis at madami pa kong gagawin." , cold na sabi nya. Hindi na ako nakapagsalita pa at yung paa ko parang nagkaroon ng sariling utak na kusang naglakad patungo sa pintuan.

"Bat ka umiiyak sis? Nag-away ba kayo?" , nag-aalalang tanung ni Paula sakin sabay niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Ang cold nya sakin. Galit sya sakin pero di ko alam kung bakit. Ano ba nagawa ko?"

==

Lunch time...

Sabi nila sakin na i-confront ko daw si Bryan para daw mapag-usapan daw naming dalawa ng maayos kung ano man yung problema. Kaya hindi na ko nagdalawang isip na puntahan sya sa opisina nya.

Kumatok na ako ng tatlong beses pero walang nasagot kaya naman pumasok nalang ako agad.

At...

"Teka! A-anong ibig sa-sabi-hin ne-neto?!" , nauutal kong wika.

Si Bryan at Nikki, naghahalikan! Pinaglalaruan ba ako ng lalaking to?! Anong ka bwisitan to?!

"Bryan! Anong ibig sabihin neto?!" , muntikan na akong mapiyok sa pagkasigaw ko. "Are you just toying me?!" , inis na sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Nikki at nakita ko naman na bigla syang nagpakawala ng smirk kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko. Lumapit ako sa kanya at hinila ko sya sa buhok nya!

"Bwisit kang haliparot ka!" , sigaw ko sa kanya. Nakadagan ako ngayon sa kanya habang sinasampal ko sya ng sobrang lakas sa magkabila nyang pisngi. "Napaka-kati mong babae ka! Pati kuya ni Bryan tinira mo! Hindi ka pa nakuntento! Napaka gamol mong babae ka!" , sunod-sunod na sigaw ko sa kanya at sinuntok ko sya sa mukha nya. Hindi na sya makapagsalita dahil sa ginagawa ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Bryan sa braso ko. At yung pagkakahawak nya, sobrang higpit. Sigurado akong magpapasa to mamaya! Pinipilit kong pumiglas pero kada piglas ko eh mas lalo lang nyang hinihigpitan yung pagkakahawak nya.

"Ano ba?! Nasasaktan ako! Ano ba to Bryan?! Gaguhan?! Footspa naman! Pinaglalaruan mo lang ba ko?!"

"OO! Pinaglalaruan lang kita! At ikaw naman tong si shunga na nagpadala sa bawat eksena!" , napako ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko yung mga salitang binitawan nya.

"Pe-pero —" , hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng tumawa sya ng pagkalakas.

"Did you like the game Angela?!" , natatawang sabi nya. "Ang dali mo lang palang paikutin. I never loved you!" , and it hit me like a stroke of lightning. Nasampal ko sya ng pagkalakas.

"Lalaki ako Angela, I have needs. Ginamit lang kita para masatify yung needs ko. Pero sad to say, sawa na ko sayo!" , sabi nya at dahil sa tindi ng galit ko ngayon naisampal ko sa kanya yung heels ng sapatos ko.

"Get out biatch!" , sabi ni Nikki at ibinato ko sa kanya yung picture frame na nakapatong doon sa desk ni Bryan na may picture naming dalawa.

Di ako makakita ng maayos. Everything is so damn blurry!

"Angela!" , boses ni Kevin yun ah.

"Sissy!" , narinig ko na sigaw ni Kiara. Natakbo yung kambal papalapit sa akin. Then everything went black.

==

"Nasaan ako?" , tanung ko dun sa kambal na busy parehas sa pagtitig sa sahig.

"Oh! Thank goodness na ok kana!" , sabi ni Kiara. "Ano ba nangyare sayo pinsan?" , alalang tanung ni Kevin sa akin.

"Wala to guys. Bad vibes lang plus headache." , pagsisinungaling ko.

"On the way na sila Paula at Kleo. Nasa clinic ka lang don't worry." , sagot naman ni Kev sakin.

"Sis I know what happened." , tipid na sabi ni Kiara pero halata sa mata nya na naiinis sya.

"Angela!" , sigaw nung dalawa. Nandito na pala tong magpinsan. Lakas makasigaw akala mo naman mamamatay na ako.

"Ano ba nangyare?" , inis na tanung ni Kleo. At silang apat ayun nagusap-usap ng di ako kasama. Lechugas! Ako pa yung na-OP!

"Kaya mo bang pumasok sa subject natin ngayon? Sya yung prof." , seryosong tanung ni Kleo sa akin. Oo nga pala! Dalawang beses ko nga pala syang prof ngayon. Bwisit naman! Nag-isip muna ako saglit, pero pumayag na din ako dahil baka ibagsak nya pa ko.

Nandito na kaming dalawa ni Kleo sa room, pero hindi kami nakaupo sa usual seats naming dalawa. Lagi kasi kaming nakaupo na dalawa sa harap since 'you may sit anywhere you like' naman kaya no permanent seats kami. Nandito kami sa pinakadulo naka pwesto na dalawa.

"Good afternoon class." , plain na sabi nya. At halatang-halata sa mukha nya yung pasang nagawa ko sa kanya. Huh! He deserved it! Damn him!

"Good afternoon sir." , bati nilang lahat pero kami ni Kleo hindi man lang umimik ni hindi nga kami tumayo na dalawa eh.

"Ok class. Free cut." , nakangiting sabi nya.

"YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHEEEEEEEEEEEEEEEY!" , sigawan ng mga classmates ko.

Naunang lumabas si Kleo sakin dahil hinahanap daw sya ni Kiara. Ang loko binitbit ang gamit ko! Wala akong dalang pera at ang wallet ko nasa bag ko pa. Nagugutom pa naman ako!

Akmang lalabas na sana ako ng may hayop na humawak sa kamay ko.

"I made you this." , sabi nya sabay abot sakin noong container na may laman na fries. Mas lalo akong nakaramdam ng gutom.

"No thanks! Baka may lason pa yan! Ibigay mo nalang dun sa impakta mong Nikki!' , gigil na sabi ko tsaka ko maharas na hinablot yung kamay ko pabalik sa akin.

Ano sya baliw?! Matapos nya kong saktan aarte lang sya na parang walang nangyare?! The fudge with him!

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Where stories live. Discover now