Kung makapag salita ka naman parang hindi mo kaibigan si Craye. -Leonardo da Vinci

Kaibigan ko sya pero best friend ko si Justine na lagi nya na lang sinasaktan, so sino sya? -3 blind Maice

Maice, hayaan mo na. Kung yun yung ikakapanatag nang loob nya at andun sya kay Kylie ngayon it's okay baka nga kailangan ni Kylie ngayon nang makakasama. Wala namang bago kasi ako naman ang 'last choice' nya palagi diba? -Justine Bibe

Anyway, para sa ating walo may nabuo na nga pala kaming desisyon ni Justine. Actually plan na talaga namin to before pero hindi natuloy. Lilipat na kami nang university doon sa dati kong school and yes isasama ko sya. -3 blind Maice

What? Grabe ka naman, Maice. -Kerubin

Teka lang pagusapan natin to sa personal. -Silly Sally

Oo nga hindi yung dito sa GC. -Mabuhangin

Okay lang, sinabi ko lang dito para aware na kayo. -3 blind Maice

Sorry Guy's, baka nga kailangan ko na. This time baka sarili ko naman muna. -Justine Bibe

Intindihin natin ang desisyon nila. -Gianne Apuli

----------------

Habang binabasa ko ang nasa GC namin ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak, totoo naman lahat pero ang sinabi ni Justine ang nagdulot sa akin ng sobrang sakit.

Baka nga tama sya na piliin na muna nya ang sarili nya bago ang iba, bago ako. Kung lilipat sya nang school ay wala akong magagawa dahil tamang desisyon yun para hindi ko na sya malimit na  nasasaktan.

Sa kabilang banda ay sobrang sakit para sakin na aalis sya sa university at ang pagalis nya din ang hindi ko inaasahan talaga, habang unti unti syang lumalayo ay ganon na lang din ang pangamba ko na magtuloy-tuloy ito.

Nasa sitwasyon ako nang hindi ko pwedeng Iwan si Kylie at hindi ko pwedeng pigilan si Justine.

Binasa kong muli yung nasa GC namin.

--------------GC

Paano naman yung best friend ko? -Leonardo da Vinci

Iisipin ko pa ba sya? Ano sa palagay mo Mon? -3 blind Maice

Sana alam nyo din kung gaano kasakit kay Craye lahat, mahal naman nya si Justine. -Leonardo da Vinci

Tama na Mon, okay na yon. Kung mahal nya ko sana pinagtanggol nya ko, sana ako yung pinili nya. Sana alam mo kung gaano kasakit sakin na kasama nya ngayon si Kylie pero lagi nyang sinasabi sakin na mahal nya ko. Ang sabihin nya sakin mahal nya ko ay hindi ko na kailangan pa, ang kailangan ko mismo ay sya pero wag na kasi mas kailangan sya ni Kylie. -Justine Bibe

Ayan kana naman pinamimigay mo na naman sya. Diba sobra mo syang mahal, kwento mo pa sakin? Bakit ayaw mong ipaglaban? -Mabuhangin

Dapat ko pa bang ilaban pa to Sands? Mahal ko pero paano naman ako? -Justine Bibe

Nasayangan lang din kasi ako. -Mabuhangin

Hayaan na lang natin na sila muna ang magdisisyon. Wag na muna tayong makisali pa. -Silly Sally

Hindi din naman na ibigsabihin na aalis kami ni Justine dito ay hindi na tayo magkakaibigan. -3 blind Maice

Wag kayong aalis sa GC na to ha, makakasakit talaga ako. -Gianne Apuli

Oo na, basta pagusapan na lang natin to sa mga susunod na araw sa ngayon ay gusto ko na munang mag-isa at magkapag isip isip. -Justine Bibe

------------------GC end

Hindi na lang ako sumagot sa usapan dahil baka pag sumagot pa ko doon ay baka mas lalong magalit si Maice at masaktan ko pa si Justine kung sasabihin ko pa yung part ko.

Ayoko na ding ipaalam pa sa kanila kung paano ako nasasaktan, pakiramdam ko din na si Mon lang ang kakampi ko. Sabagay, sa sitwasyon ay ako talaga ang may kasalanan nang lahat kaya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ay baka deserve ko naman.

Wala namang ibang nakakaintindi sakin kundi si Mon lang, walang may alam pag nasasaktan ako. Pero sana alam nila na Ang sakit sakit na.

Hindi mapigilan ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko, galit ako sa sarili ko na baka tuluyan nang mawala sakin si Justine pero wala akong ginagawa, ayoko namang pakelaman pa sya kasi nasaktan ko na at need nya nang pahinga.

Sana pag naging maayos na ang lahat, I begging her! Lahat gagawin ko para sa kanya, kung pwedeng ako naman ang maghabol ay gagawin ko. Sana ay maintay nya pa ako, sana ay bigyan nya pa ko nang chance, sana sa pagsuyo ko sa kanya ay ako pa, sana ako pa din.

"Craye! Craye! Gising na si Kylie please call the doctor." Sigaw ni Tita mula sa loob kaya agad ko namang pinunasan ang luha ko at pumunta sa info desk para maassist kami.

Mabuti na lang at anjan lang ang doctor ni Kylie kaya agad nitong pinuntahan si Kylie.

Pag pasok ko sa room ay nakita kong gising na sya, kinakausap nya ang Mom nya. Agad din syang dinaluhan ni Doc para tingnan sya pero hindi din nakaligtas ang tingin na ipinukol nya sa akin.

Hindi ko alam pero nakangiting Kylie ang nakita ko, it's a genuine smile from her and I felt relieved.

Wala akong nagawa kundi ang ngitiian din sya nang malawak, nawala nang konti ang mga pangamba ko.

Masasabi kong mabait sya, sa lahat nang ginawa ko ay nakuha nya pa din akong ngitian.

Ngayon, hindi ko masisisi ang sarili ko na kung bakit ayoko syang Iwan na lang at saktan, kasi alam ko na hindi nya deserve na masaktan.

-----------------

Super late ang ud kaya sorry na. Hahaha. Pero eto na!

Please, vote and Follow. 😍😍


Once in a lifetimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя