Akala ko ba hindi niya tipo at gusto si Aiden? Pero ganito sila kung mag-usap?

Tinatanong ko siya sa bagay na 'yon na may halong pang-aasar. Ang linyahan niya lagi ay mas'yado akong ma-issue, eh, obvious naman sa mga galawan niya. She's just in denial with her own feelings towards Aiden.

Pagkarating sa tapat ng classroom ay nakasabay namin ang grupo nila Amadeus. I smiled genuinely at him and he did the same. Napawi ang pangamba sa sistema ko sa pag-aakalang iignorahin niya ulit ako.

Naghiwalay na kami ng direksyon ni Cassie na hanggang ngayon ay ang buong atensyon ay nasa cellphone niya lang. Walang pumasok na teacher sa classroom namin kaya ang mga kaklase ko ay may kanya-kanyang ginagawa tulad ng chess game. Naglalaro ng uno cards. May mga magkarelasyon na nasa gilid at magkahawak ang kamay at marami pang iba. Nanatili naman ako sa upuan ko at nakikinig lang ng music sa cellphone.

I'm bored. That's the truth. Hindi rin naman kasi puwedeng um-absent dahil may clearance kaming kinakaharap ngayon. Tumingin ako sa unahan kung saan nakaupo si Amadeus. Angel and him are talking... again. Hindi ba sila nauubusan ng usapan at talagang balak nilang mag-usap lang buong maghapon.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na huwag silang lapitan lalo't kinausap at pinansin na ulit ako ni Amadeus. Baka nagiging clingy ako sa kanya kahit wala namang kami. But I don't remember being clingy to him. Bigla na lang talaga siyang hindi namansin.

I know that he has a reason why he did it. But still, I'm thankful that he talk to me again like what we do on our normal days.

Hindi ko alam na ang tagal ko na pa lang nakatingin sa kanila kung hindi lang humarang sa harap ko si Cassie na may malaking ngisi sa labi. Tamad akong tumingala sa kanya.

"Why?" umiling siya at naghila ng isang upuan at nilagay sa tabi ko.

Napatingin kaming lahat ng may pumasok sa classroom namin. It's Aiden and the other student council. Tumayo si Angel at Amadeus para sumama sa mga iyon sa harapan. Nilingon ko ang isang singhap sa gilid. It's Cassie and her grin.

"Kaya ka ba lumipat dito kasi alam mong dadating si Aiden?" she shrugged her shoulder at hindi sinagot ang tanong ko.

They announced that we will be having a bonfire on the last week of March. Everyone is happy and I was one with them. Ang student council ang nagplano ng lahat and I can't help but to admire more Amadeus because he's the one who suggested it.

Gaganapin 'yon sa Tagaytay. And I hope that everyone of my classmates can go. Agad ko 'yon ibinalita kay Tita Kilari. Alam ko naman na papayag siya. Pero wala akong nakuhang mensahe sa kanya at isinawalang bahala ko na lang dahil baka busy sa ginagawa.

Nang mag-uwian ay hindi sa akin sumabay si Cassie. Ang tatlong lalaki naman ay hindi ko alam kung nasaan. I didn't bother to text them. Dumaan muna ako sa restroom bago tuluyang umuwi. Pagpasok ko ay nandoon si Angel sa loob. Nilibot ko ang tingin dahil baka nandito ang mga bubuyog niya. Pero wala.

She's putting a nude lipstick on her lips just to make it a natural color. Mahilig din ako sa nude lipstick at sa akin, bagay 'yon. Sa kanya... well, I have no comment with that.

"I'm gonna confessed to Amadeus on our bonfire. I'll try again if I can get a chance." Gulat ko siyang nilingon pero agad din na nakabawi.

"Bakit mo sinasabi sa'kin?" balewala kong sabi kahit ang totoo ay kinabahan ako sa sinabi niya.

"I know that Amadeus likes me. He's just in denial because of you! How stupid!" I gritted my teeth.

"How do you say that when he's not even saying anything to you? Sigurado ka bang gusto ka niya? O baka naman... assuming ka lang?" pang-uuyam ko.

Operation: Secret GlancesМесто, где живут истории. Откройте их для себя