FIL-AM, Half Filingera, Half Ambisyosa Part 2

26 0 0
                                    

CHAPTER 2: FIL-AM, Half Filingera, Half Ambisyosa Part 2

Since elementary, laging sa academics ang competition eh, laging ang labanan ay kung sino ang Top 1 kada grading at higit sa lahat kung sino talaga ang Top 1 pagdating ng recognition. Bukod pa dun ay ang mga Best Best, yung Best in Science, in Math at kung saang saang subject pa. Siguro naman naiintindihan niyo ako kasi nung elementary naman eh hindi pa masyado uso yung mga extracurricular clubs dahil puro academic clubs din.

Kahit nung kinder pa ako, nakitaan na daw nila ako ng kagalingan sa mga talento ko, isa doon ay yung pagsasayaw. Basta ang natatandaan ko, I'm A Barbie Girl yung tugtog na sinayaw namin nun, naaalala ko pa tuloy yung mga panahong tinitingnan ko yung pictures na kinunan nung prinesent namin nun eh saktong graduation namin un, nakakatuwa lang isipin. Masaya naman din talaga sumayaw kung marunong ka, saka kung nais mo naman talaga matuto eh walang imposible ;)

Hindi naman ako kagalingan talaga sa drawing pero sabi ng mommy ko, mahilig daw ako magkutingting nga kung anu-ano. Hindi naman ako ganun kagaling magdesign pero nakakatuwa kapag nananalo ako sa mga art contests tulad nung grade 2 ako, naging 1st place pa ako nung pinagdrawing kami ng isang view sa park na nasa city namin tapos nung grade 4 yata ako nun, nanalo ako sa camp ng Girl Scout sa pagdedesign ng card na nilagyan at dinesignan ng yarn na ginagawa bang ribbon o flower tapos ang premyo ko pa nun eh headband at mas nakakatuwa kasi may design syang ladybug na pwedeng tanggalin at ibalik sa headband na yun, ang cute nga kaya lang muntik ko nang maipagpalit dun sa isa kong schoolmate na nanalo din kasi naman pagpalitin ba naman yung prize namin nung teacher namin. Tss. Hindi lang naman ako dun masyadong magaling, sa swimming din. Grabe ang hirap ko nun, as in umaayaw na talaga ako, di ko kasi talaga kaya eh syempre kailangan ko pa ring matapos yun. Waah. So ayun, nagkandalate na ako sa mga kabatch ko nun ng isang routine, sorry naman kung ganito di ba? Tss. Nangitim ako ng sobra nun eh, mula above the knee ng konti hanggang paa kasi nakashorts naman ako at hindi nakabathing suit talaga, syempre pati yung dalawa kong braso eh nangitim din. Naalala ko din kung gaano kagagaling yung mga kasabay ko nun, eh di sila na. Pero sorry din sila, kasi nga marunong na ako ngayon, yes, oo, marunong na nga ako, marunong na lang ang gagamitin kong term at hindi magaling, masyado kasing late tong kamarunungan ko sa paglangoy, napakalate dumating. Tss. Oo na, late bloomer na nga, may sasabihin pa? :P

At ito na nga po, ang larangan na kailanman ay di ko mapapagtagumpayan, kahit ipilit ko pa ang sarili ko, kahit ang nanay ko, kahit sino pa, oo, frustrated ako pagdating sa pagkanta, hindi naman ako ganung sintonado, kaya ko naman eh pero hindi ako magaling eh, nakakahinayang lang, ang saya sana kung magaling kang kumanta, ang taas ng boses mo at abot na abot mo kahit anong nota ng mga kantang kinakanta nina Regine Velasquez o Sarah Geronimo. Aminin naman natin di ba, na kahit di tayo nabiyayaan ng kagandahang boses eh di tayo mapipigilang maghumming at kumanta. Nakakatawa ding isipin kasi nung 2nd year highschool ako eh sumali ba naman ako sa Glee Club ng school namin eh sobrang proud pa ako nun, taas noo talaga at feel na feel ko kumanta. Kasi dahil kelangan ko din syempre maengaged sa mga non academic clubs at extra curricular activities kaya sumali din ako dito. Uy! Hindi ako Bass, Tenor o Alto (joke lang yung Bass at Tenor), Soprano pa ako kaya sobrang nakakatuwa pero saka ko lang narealize na grabe, walang bilib sa akin yung nanay ko pero ayos lang, alam ko namang may iba pang mas magaling sa akin eh pero di ko naman talaga pinupush yung sarili ko na magpakasinger pero if destined talaga di ba, wala akong magagawa. Hehehe.

A/N: Self intro ni Meg. Let's see kung paano nga ba talaga magsisimula ang story nina Meg at Raffy :D

Statue? (Is That You?)Where stories live. Discover now