Prologue

112 14 0
                                    

I am tired, really really really tired. Halos gabi-gabi akong nagb-breakdown dahil sa dami ng gagawin at iniisip. Iniisip ko yung sinabi ni mom sa akin, yung mga paperworks, my friends' problems at higit sa lahat, si Liam. Hindi ko alam. It's been a year since he left, since he bid his goodbye, pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya malimot-limot.

Inaamin kong medyo immature ako noon, at sa hindi malamang dahilan ay nahulog ako sa kanya.

Ring nang ring ang phone ko pero hindi ko 'yun sinsasagot. Gusto ko mapag-isa kahit ngayon lang. I want to have time for myself, time to think about my problems. Sinasarili ko na lang ang mga problema ko dahil ayokong makaabala sa mga kaibigan ko dahil alam kong may prinoproblema din sila.

Nagsisimula na akong nahilo at masuka dahil sa kakainom ko kanina, hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon. Ang alam ko lang ay naglalakad ako sa gilid ng tulay, gabi na at tanging mga ilaw sa poste na lang ang nagsisilbing liwanag.

I want to wake up without my problems bothering me again, pero parang mali ang ginawa ko dahil pabagal na nang pabagal ang lakad ko dahil sa hilo. I tried to walk again but somebody grabbed my arm and pulled me away from the sidewalk.

"Hey, are you okay?" pagtatanong ng humila sa akin.



"Obvious ba? Sa tingin mo okay ako sa lagay kong 'to?" pagkatapos kong sabihin 'yun ay hindi na siya nagsalita.


"Hinila kita dahil malapit kang mabangga ng nagba-bike kanina. Tsaka, pagewang-gewang ka na maglakad, mamaya mahulog ka pa sa ilalim ng tulay."


"Hala, nakakapagsalita ka pa pala? Hindi ka nawalan ng boses?" kung anu-ano na lang ang sinasabi ko ngayon.


"Of course, miss, hindi nawala boses ko."


"Ow? Talaga? Edi wow, congrats." sinamahan ko pa ng palakpak bago ako naglakad papalayo.


"Miss!"


"Oh?! Bakit?! Bakit mo 'ko sinisigawan?! Gusto mo magsigawan tayo dito, edi sige! Challenge accepted!"


"Miss, could you please lower down your voice? It's literally 12 midnight right now."


"Eh, ikaw nagsimula, eh."



"Wow, tinawag lang naman kita." I laughed at his reply, thinking of something that I could use to tease him.



"Bakit? Type mo ba ako? Kaya mo 'ko tinawag? Uy, share ko lang ah, hindi pa ako nakakamove-on sa dati kong crush kaya wala kang pag-asa." kung anu-ano pa ang mga sinabi ko at hindi ko na alam kung nakikinig pa ba siya o ano dahil nakapikit na ako at hindi ko na kaya buksan ang mga mata ko dahil sa antok.


"Grabe naman imagination mo, miss. Type agad? Hindi ba pwedeng tutulungan lang kita?"

"Tutulungan? Mukha ba akong batang hindi marunong maglakad?"

365 Days Without YouWhere stories live. Discover now