Tiningnan ko lang ito. Gusto ko sanang sagutin pero alam kong masasaktan ko siya.

"Tama ako 'no? Yieee, inlove siya,"

"Stop that. Hindi bagay," mahinang saway ko rito na ikinasimangot niya pagkatapos.


"Ang KJ mo talaga. Ang sungit-sungit mo pa. Gusto ko lang naman malaman kung sino,"


"May sinabi ba akong tao ang iniisip ko?" naiinis ko siyang muling inirapan. "Malay mo bagay lang, or whatever,"


"Atleast may chance na 50 percent, no," 50? Baka 100 kasi tama ka.

I sighed. "Paano kung tama ka?"



"W-What do you mean?" gulat itong napatigil habang nakatingin saakin.

"I like someone, Kim. But he love someone else," Kita ko ang napakunot ang noo niya. Kahit ako kinakabahan sa bigla niyang pag-iiba habang nakatingin saakin.

"Is that so?" hindi parin siya nagbabago ng ekspresyon. Lalo nang tumango at pekeng tumawa na alam kong nahalata niya. Unti-unti na ring umiingay sa paligid. Mukhang break time na nang ibang estudyante. Hindi ito umimik hanggang sa ngumiti ito saakin saka bahagyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Ang swerte niya kung gano'n," habang nakatingin ako sa mga mata niya ay may kung ano akong kirot na naramdaman.



"H-Hindi ba magbabago ang tingin mo saakin? I like someone pero pagmamay-ari nang iba,"



"Wala ka namang balak agawin siya 'di ba?" Napailing lang ako na ikinahinga niya ng malalim.



"Then, ikaw pa rin si Shira na best friend ko," sa pagkakatong ito binitawan na niya ang kamay ko saka muling nagpatuloy sa pagkain.



Napaiwas ako ng tingin saka umayos ng upo at nagpatuloy rin sa pagkain, "Maybe, I really like him, but nah I respect his feelings for someone though."

"Yeah, you should be. Hindi naman talaga masamang magkagusto, pero mas mabuting alam mo pa rin yung tama. Kaibigan kita, Shira, at ang masaktan ka ay ang isang bagay na ayaw ko makita," pero ikaw ang dahilan kaya ako nasasaktan.



"Hindi ako gagawa nang ikakasira ko, Kim. Masama lang ugali ko pero alam ko kung hanggang saan lang ako—may nakakatawa ba sa sinasabi ko?"

Tumatawa itong bumaling ng tingin saakin, "Sa part na 'masama ang ugali mo' sa tingin ko tama ka," saad niya saka muling tumawa na ikinairap ko.



"Connect?" naiinis kong saad na ikinasimangot nito.

"KJ"

"So?"

"Whatever, ang hirap mong patawanin." Umiling lang ito pagkatapos.

"But wait,, pwede ko ba siyang makilala?"

"H-Huh?"


"Seryoso ka ba? Malamang yung guy na tinutukoy mo,"


Kinakabahan akong napailing, "H-Hindi puwede,"

"Bakit hindi?" ang kulit jusko.

"Basta hindi puwede,"





"Bakit hindi nga? Gusto ko lang naman malaman para makilatis ko ng husto,"


"Wala siya rito," npapikit na lang ako sa sarili. Nakakainis. Ba't ko ba kasi nabuksan ang topic na 'to.





"We?"


"Oo nga,"

"Patingin nga ng mukha,"



"Kim!" iritable ko siyang inirapan na ikinatawa ko.


Natatawa itong umiling saakin, "Ba't ba kasi ayaw mo sabihin. Wala naman akong gagawin. Baka nga pag sinabi ko 'yan kay Aki, maybe mas malala pa ang gawin no'n sabihin mo lang kung sino,"


"You can't do that,"


"Try me, Shira."




"Kim," this time seryoso ko na siyang tinignan. Nagsukatan lang kami ng tingin hanggang sa siya na rin ang sumuko sa huli. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang hindi na ito muling umimik. Hay, buti naman.

Naiiling akong nagpatuloy sa pagkain kagaya niya. Hanggang sa matapos kami at naghiwalay na rin dahil may pasok pa raw siya.  Sa totoo lang, hindi ko alam ang nararamdaman. Naguguluhan ako. Nabi-bwisit ako para sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung tama pa ba na nananatili pa rin ako sa tabi nila. Kasi sa totoo lang, nasasaktan ako sa tuwing bumabalik ako sa realidad na ako si Shira—butihing kaibigan ng taong gusto ko at mapagmahal na ate para sa best friend ko.

Ilang minuto ang inilagi ko sa paaraalan, pagkatapos no'n ay pinauwi na rin ako at ngayon, Nasa balcony ako ng kwarto habang pinagmamasdan yung buong kalangitan.

Sinubukan ko itong abutin na parang nahahawakan ko talaga. Napaka ganda ng gabing to. Tahimik. May peace of mind sa paligid. Malamig din ang simoy ng hangin. Ganitong gabi rin ang sumira sa buhay namin noon.

I just taking a deep breath ng maalala ko yung nangyari ang gabing 'yon. Malapit narin ang birthday niya katulad ni Aki. You don't blame me, kahit mga bata pa lang kami noon parang kahapon lang nangyari. Simula din kasi nung araw na mangyari ang insidente, nawala na lang bigla ang mga magulang nya. . .

Hindi na ito bumibisita sa puntod ni Chase. Wala na rin kaming balita sa kanila.

"K-Kung hindi ka nawala siya pa rin ba ang mamahalin mo?" at sa pag-ihip ng hangin ay wala sa sarili akong mapait na nakangiti, pero hindi ei. Dahil sigurado ako na kung nabubuhay siya, baka magpaubaya na lang din 'yon katulad ng ginagawa ko ngayon.








-----
PS: WAHAHHA, ang sakit pala nang story na 'to 😭.

The Reincarnation [Under Revision]Kde žijí příběhy. Začni objevovat