Chapter 22: Rest

Mulai dari awal
                                    

"Plano mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa anak mo? Amari, Ayah is not his child." Natigilan ako sa sinabi ng ina. "Don't do this to him."

"You really like him, mom, huh?" Naiiling na sambit ko at wala sa sariling napatingala na lamang. "I will tell him the truth, mom. Sasabihin ko ang buong katotohanan, kasama na ang8 totoong pagkatao ni Ayah."

"At kung malaman na niya ang totoo? Anong sunod na gagawin mo?"

"Magsisimula akong muli mula sa umpisa, mom. A total reset," mahinang sambit ko at tiningnan muli ang screen ng cellphone. "At para magawa ko iyon, kailangan magkalinawan na kami ni Von Sirius tungkol sa nakaraan namin."

"Anak-"

"My heart keeps on beating so fast. And it hurts, mom. Akala ko ay handa na akong makita itong ulit. Akala ko ayos na ako. Akala ko wala iyong nararamdaman ko sa kanya."

"Amari, calm down, okay? Don't push yourself. Baka kung mapaano ka pa riyan! Stop it!"

"I... I can't stop it, mommy. Kahit pigilan ko ang sarili ko, nasasaktan pa rin ako. I... I miss him. I... I still want him, mom." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na.

Reality hits me really hard this time.

Bago ako sumakay sa eroplanong magdadala sa akin pabalik dito sa Pilipinas, itinatak ko na sa isip ko ang dapat kong gawin kung sakaling mag-kru-krus ang landas namin ni Von Sirius. Lalayo ako sa kanya at kung may pagkakataon man ako, hindi ko ito kakausapin o titingnan man lang.

I was mentally prepared for this day but not my heart.

Not my freaking heart!

"Amari, darling, listen to me," sambit ni mommy na siyang ikinatingin ko muli dito. "Don't do this to yourself, Amari. You know yourself more than anyone else. Kung nahihirapan ka, then, ipahinga mo ang sarili mo. Stop crying, Amari. You already shed a thousand of tears for the past six years. Tama na, anak. Stop beating yourself."

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, mommy." Naiiling na sambit ko dito at inalis ang mga luha sa mata.

"Umalis ka ngayon din sa lugar na iyan. Dumistansiya ka muna kay Von. Umuwi ka sa mansiyon at hintayin mo kami ni Ayah doon."

Wala sa sarili akong napatango na lamang kay mommy at sinunod ang nais niya. Nagpaalam na ako sa kanya at mabilis na nagbihis muli para sa pag-alis sa resort.

Dahil wala naman ako masyadong dalang gamit, mabilis akong natapos sa pag-aayos. Nagsuot ako ng itim na jacket at mabilis na lumabas na sa silid na kinaroonan. Tinawagan ko ang personal driver naming kasama ngayon dito sa Zambales at mabilis na sinabihang kailangan ko nang makabalik sa Manila.

Dere-deretso ang lakad hanggang sa tuluyang makalabas na ako sa hotel. Agad kong nakita ang sasakyan namin at bago pa man ako tuluyang makasakay doon ay natigilan ako sa pagkilos noong makita si Von 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ito sa akin at hindi gumagalaw sa puwesto nito.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at mabilis na nag-iwas nang tingin dito. Sumakay na ako sa sasakyan namin at mabilis na sinabihan ang driver namin na umalis na.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.

Pagka-uwi ko sa mansiyon ng mga Asuncion, biglang nanghina ang katawan ko. Ang akala ko'y dahil lang ito sa ilang oras na biyahe galing sa Zambales ngunit hindi nagtagal, nilagnat na ako at halos hindi na makagalaw sa kinahihigaan ko.

"Amari. Can you hear me? Amari."

Adliana?

Maingat kong iminulat ang mga mata ko at namataan ko si Adliana sa tabi ko.

"Bumangon ka muna, Amari. You need to take some medicine," maingat na sambit nito at inalalayan ako sa pag-upo. Nanghihina kong ibunuka ang bibig ko at si Adliana na mismo ang naglagay sa gamot sa bibig ko at nagpa-inom ng tubig sa akin. Noong matapos na ako sa pag-inom, maingat niya akong pinahiga muli at kinumutan nang maayos.

"Mataas pa rin ang lagnat mo," sambit ng kapatid ko pagkatapos niyang kunin ang temperatura ng katawan ko. "Dad is panicking. Binulabog niya ang lahat dahil sa lagnat mo."

"He's always like that," nanghihinang wika ko at muling ipinikit ang mga mata. "Thanks, Adliana."

"Magpahinga ka na lang muna. Kailangan magaling ka na bago dumating sila mommy at Ayah dito."

Tumango na lang ako sa kapatid at hinayaang makapagpahinga ang katawan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lamang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Agad kong imunulat ang mga mata ko at nagmamadaling tumayo. Kahit nahihilo, pinilit kong tumayo nang maayos at maglakad patungo sa banyo ng silid ko. At noong makapasok na ako roon, mabilis akong lumapit sa lababo at agad na sumuka roon.

Mas lalong sumakit ang ulo ko kaya naman ay napasigaw na ako. Muli akong nasuka at mariing napahawak sa gilid ng lababo.

"Damn!" bulalas ko at mabilis na binuksan ang gripo sa harapan. Nagmumog ako at agad na naghilamos para naman ay mahimasmasan ako.

Wala na ang lagnat ko pero tila binibiyak naman ngayon ang ulo ko!

I now this pain. Kilalang-kilala ito ng katawan ko kaya naman ay alam ko na ang dapat kong gawin. Lumabas na ako sa banyo at noong maglalakad na sana ako pabalik sa kama ko, mabilis akong natigilan noong mamataan si Von Sirius sa loob ng silid ko.

What the hell? Anong ginagawa ng isang ito dito? Hindi ba nasa Zambales ito?

"You okay?" Nag-aalalang tanong nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "Ang sabi ni Adliana ay may lagnat ka raw."

"I'm fine now," malamig na turan ko dito at nagpatuloy na sa paglalakad. Maingat akong lumapit sa bag kong nakapatong sa may mesa at hinanap ang gamot ko. "Anong ginagawa mo dito? At talagang hinayaan ka nilang makapasok sa silid ko?" Pagpapatuloy ko sa pagsasalita habang hinahanap pa rin ang gamot ko. At noong nakita ko ito, mabilis na akong umayos nang pagkakatayo. Ngunit bago pa man ako makakilos muli, biglang nagdilim ang paningin ko. Napapikit ako at mabilis na nawalan ng balanse.

"Destiny," sambit ni Von at mabilis na nilapitan ako. Naramdaman ko ang paghawak nito sa siko ko kaya naman ay napamulat ako. Binalingan ko ito at hindi na naka-alma pa noong alalayan niya akong makaupo sa gilid ng kama ko.

Hindi nagsalita si Von at kinuha ang tubig na iniwan ni Adliana kagabi. Pinagmasdan ko lang ito at noong lumapit itong muli sa akin, tahimik kong tinanggap ang baso ng tubig na inalahad nito sa harapan ko.

Mabilis akong nag-iwas nang tingin kay Von at binuksan na ang boteng kinalalagyan ng gamot ko. Tahimik ko itong ininom at ipinikit ang mga mata. Ikinalma ko ang sarili at nagpasalamat kay Von.

"Lumabas ka na lang muna, Von. Gusto ko pang magpahinga," walang emosyong sambit ko dito at maingat na kumilos. Hinawi ko ang kumot sa kama ko at maayos na nang pagkakaupo.

"Destiny-"

"Please, let me rest. Ayaw kong mag-collapse ang katawan ko. Kailangang maging maayos ang pakiramdam ko bago dumating si mommy at ang anak ko dito sa Pilipinas."

"A-anak mo?"

"Oo, Von. Anak ko. So please... leave, Von."

Hindi na nagsalitang muli si Von Sirius. Nag-iwas na ako nang tingin dito at umayos na sa pagkakahiga. Walang emosyon lang akong nakatingin sa kisame ng silid ko at pinakiramdaman ang pagkilos ni Von. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito sa akin at tuluyan nang lumabas sa silid ko.

I sighed.

"Rest, Amari. Marami kang dapat kausapin at kaharapin sa mga susunod na araw kaya naman kailangan mong magpahinga," mahinang sambit ko at ipinikit na ang mga mata.

IAH2: Remembering The First BeatTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang