Chapter 1

8K 194 7
                                    


"Alright, Da. Nandito na ako school at hinahanap ko pa yung room ko." Luminga-linga ako sa paligid habang kausap si Daddy sa cellphone. Kinakamusta niya ako ngayon sa bago kong School.


"Okay hija. Kapag may problema, just text or call me. I have to go. I love you."


"I love you too."


Inayos ko yung bagpack ko saka naglakad ulit. Ngumuso ako ng maalala yung school ko dati. Nakakamiss doon pero dahil kailangan naming lumipat ng bahay, kailangan ko ring magtransfer sa ibang School. Tapos naman na ang first sem at Regular Student pa rin pala ako ngayong Second sem dito.


Ayos na rin 'yun. Wala naman akong naiwan na kaibigan doon pero nakakamiss pa rin. Nakaramdam ako ng pagod sa paglalakad at palinga-linga kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magtanong na lang sa iilang mga estudyanteng nakaupo sa bench.


"Hi! Saan dito yung building ng Engineering?" Malambing na tanong ko sa kanila saka ngumiti.


"Doon lang 'yun sa may green na building. Diretsyo ka lang, makikita mo na." Ngiting sagot nila sa akin. Nagpasalamat lang ako sa kanila saka naglakad ulit.


Hindi rin naman malayo ang nilakad ko kasi nakita ko na agad 'to. May iba pa palang gate sa building na 'to? Pinakita ko sa Guard yung COR ko dahil wala pa naman akong ID.


Pinagmasdan ko yung kabuuan nito, may limang palapag din pala 'tong sa Engineering. Hindi na ako nahirapang hanapin kung saan nabibilang ang COE, nasa second floor lang pala ito.


Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang may matigas na kung ano man ang tumama sa ulo ko.


"Shit!" Napahawak ako dito at napapikit.


Geez! Umikot ng bahagya yung paningin ko. Dahan-dahan akong lumingon sa lalaking tumatakbong palapit sa akin.


"Miss? Okay ka lang? Sorry." Hinawakan niya ako sa balikat at yumuko siya ng bahagya para tignan ang mukha ko.


Tama ba ako ng nakita? Yung pagtakbo niya, yung gesture niya at maging yung pagsasalita niya parang may mali? O baka naman epekto lang 'yun ng pagkakaalog ng utak ko?


Pinilit kong ngumiti sa kanya at napahinga naman siya ng malalim na parang bang gumaan ang loob niya.


Ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya.


Ang mata niyang kung tumitig ay parang inaakit ka.


Yung ilong niyang perpektong sa tangos.


Yung labi niyang may perpektong hugis at mapupula.


Yung hugis ng mukha niyang napakaperpekto para sa kanya.


At ang adams apple niya!

OMG (Oh My Gay!)Onde histórias criam vida. Descubra agora