Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at napako ang tingin ko sa dalawang taong pumasok ng canteen.

"Aesthe? Okay ka lang? Sinong tinitingnan mo?"

Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita basta nakatuon lang ang paningin ko sa bawat galaw nila. Pinaghila niya Pa ng upuan si Athaliah at siya pa ang umorder ng pagkain nito. Pasimple pang kinuhanan niya ng picture si Khirro.

"Don't mind them. Tapusin na natin 'tong kinakain natin para makaalis na tayo. Stop looking at them, Aesthe. " Anne

Walang ganang nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko. Parang bigla na lang hinila ang energy ko at parang gusto ko na lang sumobsob sa kinaroroonan ko.

Nag-bell na para sa 1St afternoon subject namin na hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko. Nag-di-discuss ang teacher namin sa T. L. E pero lumilipad ang isip ko.




Lumipas ang mga araw na parang nagkaroon na ng pader sa pagitan namin ni Khirro. Palagi na silang magkasama kahit sa mga group at pair activities.

Mas masakit kasi 'di niya alam na nasasaktan ako. Ganito pala kasakit magmahal ng tao ng patago? Patago rin ang paghihirap mo at tanging ikaw lang ang nakakarinig sa paulit-ulit na pagkabasag ng puso mo kada mulat ng mata mo sa katotohanang mahirap na siyang abutin sa una pero ngayon hinding-hindi na talaga siya maaabot.


Walang pasok at nandito lang ako sa bahay. Alam kong napapansin na ng mga tao sa bahay ang pagiging matamlay ko pero hindi sila nagtanong na siyang ikinapagpasalamat ko. Gusto ko munang solohin ang nararamdaman ko.

"MOMMY!!! "

Nagising ang diwa ko dahil sa lakas ng sigaw ni Healle. Ow! Dumating na pala si Tita Ellie!

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"I missed you my beautiful niece! How are you?"

Nakayakap pa rin ako sa kaniya kaya nag-angat lang ako ng ulo.

"I missed you too tita. I'm good."

Ilang segundong tahimik na pinagmasdan niya ako bago hinila papuntang sofa at tinabihan.

"You can't fool me, Aesthe. You're not fine. Sinong umaway sa'yo? Kailangan mo ba ng resbak? No one messes with my niece and get away easily. Walang sinumang makakapanakit sa mga Caled. So sinong umaway sa'yo?"

I bit my lower lip hard until I can taste rust-like flavor which I'm sure is my blood just to prevent myself from crying.

Alam niya sigurong ayaw kong magsalita kaya inipit niya sa likod ng tainga ko ang mga kumawalang buhok sa mukha ko at hinawakan ako sa pisngi. This is what I love when I'm with tita Ellie. She'd always been my second mom and she treats me as her true daughter.

"You know you can tell your problem to me, Aesthe. How can we solve that problem? "

Niyakap ko siya ng mahigpit at sumobsob sa dibdib niya nang hindi ko na napigilan ang mga luha ko. I felt her caressing my back.

"Cry all you want dear. "

This is the me. I'm really emotional when it comes to my love ones.

"Tita, I love someone that I can't have. "

I heard her sigh and cupped my face.

"Malaki ka na nga, Aesthe. You know how to love a guy now aside from your dad and now you're experiencing heartbreak. Ikwento mo nga sa'kin itong lucky guy ng makagawa tayo ng paraan. What Caled wants, Caled gets. "

Tinabihan ako ni Healle at patagilid na niyakap ako sa bewang habang nakikinig sa kwento ko. Focus lang si tita sa kinukwento ko at minsan napapatango-tango siya.

"Well based on your story, may sagabal sa daan niyong dalawa. Anong gusto mong gawin natin sa girl?
A. Utusang mag-push up gamit ang pilikmata.
B. Bunutan ng ngipin gamit nail cutter.
C. Balatan gamit ang nipper.
D. All of the above? "

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni tita. Tita ko nga talaga siya. Ang brutal.

"Mommy! All of the above po. Hanggang D lang po ba talaga ang choices? "

Fudge! Full support naman 'tong anak niya.

"Makukulong naman tayo non tita."

"Huwag kang mag-alala. Mayaman asawa ko kaya may pang-piyansa tayo."

Hindi ko na napigilang tumawa sa sinabi niya.

"Now you're smiling. Hindi ako sanay na nakikita kang malungkot. Kung sagabal pa rin si gurl then what if you'll make your move too? Let her see na baguhan lang siya kaya wala siyang karapatang magtapang-tapangan. Naiistress ako sa gurl na 'yan ah? Padalhan ko 'yan ng bodyguard para 'di maligaw sa school niyo eh! O di kaya nanny. "

Now alam niyo na kung kanino nagmana ng kapilyahan at kakulitan si Healle?

Dumating si mommy galing sa mall ang nagkamustahan sila ni tita. Nagdinner kami ng sabay at wala pala si daddy dahil na-assign siya sa Mindanao doon sa pinapatayong paaralan.

Tama nga naman si Tita Ellie. Matatapang ang mga Caleds at hindi nagpapatalo.








[A/ N :
Annyeong Zingerssss! Pasensya now lang ako naka-update kasi masyadong naging busy sa mga deadlines ko. Babawi po ako hehe, stay tuned po may dalawang chaps pa po na update 😉🥀❤️.]

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now