"I'm one hundred percent sure dahil............." at talagang pinutol pa nito ang sinasabi kasabay nang paglapit nito sa akin, pinigil ko ang sarili kong mapaurong dahil ayokong isipin nito na natatakot ako dito.

"Dahil?" tanong ko dito dahil parang sasabog ang dibdib ko sa pambibitin nito kahit na nga ba nahuhulan ko na ang dahilan pero gusto ko pa din makasigurado.

"Dahil hindi siya ang nagdala sayo sa lugar na ito kung hindi....... kung hindi ako." seryosong seryoso nitong sinabi ni wala itong kakurap kurap habang nakatingin sa magiging reaksyon ko at sa totoo lang hindi ko alam kung anong iisipin ko nang mga oras na iyon.

"Wha......why........?" sa totoo lang hindi ko alam ang iisipin o sasabihin nang mga oras na iyon samantalang ito ay kalmado lang habang nakatingin sa akin.

Jonathan's POV

Kitang-kita kong naguguluhan ito sa mga nangyayari dahil ang taong inaakala niyang tumulong sa kanya at nagligtas sa kanya sa inaakala nitong abductor niya ay ang mismong taong nag-abduct sa kanya.

Sa totoo lang wala talaga sa plano ko ang gawin ito kay Dustin ngunit nang makita kong may kasama itong ibang lalaki at kitang kita ko ang pagkagusto nang lalaking iyon kay Dustin ay napuno ako nang labis na pagseselos at sa una nga ay hindi ko alam kung paano ko iyon ihahandle lalo na't ngayon ko lang naramdaman iyon hanggang makausap ko ang kapatid nito na si Marvin at sabihin sa akin ang plano nito.

Hindi ko maiwasan nang makita ko itong kasama nang lalaking hindi ko kilala at kahit anong pilit kong huwag makaramdam nang pagkaselos ay hindi ko iyon napigilan.

Mahigit isang linggo na din akong nagsusubaybay kay Dustin simula nang malaman ko kung saan ito tumutuloy at pakiramdam ko napakapathetic ko sa ginagawa ko para akong stalker sa mga pinaggagawa ko, well ganoon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, at labis ang pagmamahal ko kay Dustin at sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko sa nagawa kong pananakit sa damdamin nito dahil talagang pinilit kong patayin ang nararamdaman ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi nawala ang damdamin ko dito mas lalo pa nga atang lumalim sa paglipas nang panahon at ngayon nga ay handa na akong ipaglaban ang pag-iibigan namin.

Maaga akong gumising nang araw na iyon para puntahan ang tinutuluyan ni Dustin nakapagdecide na akong makipagkita dito dahil gusto na din magkaayos kaming dalawa, sinigurado kong maayos ang itsura ko kapag nagkaharap na kami ni Dustin at umaasa na lang ako na makikinig ito at bibigyan ako nang isa pang pagkakataon.

Agad akong sumakay sa kotse ko na nakapark sa labas nang bahay at ilang sandali lang ay nasa kahabaan na ako nang EDSA patungo sa Makati kung saan tumutuloy si Dustin.

"You can do this Jonathan." pagpapalakas ko sa sarili habang nakatingin sa salamin sa ibabawa nang kotse ko.

Mga bandang siyete nang umaga nang makarating ako sa building kung saan naroon ang condo unit ni Dustin, sumakay ako nang elevator na buong buo ang loob ngunit nang nasa mismong floor na ako ay bigla na namang binalot nang kaba ang dibdib ko at nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako nang nasa tapat na ako nang pinto ng unit ng binata.

Nasa ganoon akong kaisipan nang marinig ko ang pagtatanggal ng lock sa loob kaya naman dali dali akong nagtago at hinintay ang paglabas nito.

Tuluyan nang nawala ang lakas nang loob ko na lapitan ito kaya naman hinayaan ko na lang na makasakay ito nang elevator sakto naman na may bumaba sa floor na iyon kaya agad akong sumakay, pagkababa sa ground floor ay nakita ko pa ang likuran nang binata at agad itong sinundan.

For some reason ay napapansin kong parang balisa si Dustin at patuloy ito sa pagtingin tingin sa paligid na para bang may hinahanap ito.

"Napapansin na ba niya na may sumusunod sa kanya?" sa loob loob ko kaya kailangan kong maging maingat para hindi ako nito mahuli.

Learn To Love Again (Boyxboy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum