Chapter 1

13 9 3
                                    

Cresent pov

Kinabukasan ay pinayagan na akong makauwi ng Doktor. Hinihintay ko ang Ginang na ayusin ang mga gamit ng may-ari ng katawang ito. Habang naghihintay ay pumasok ang isang Nurse na may tulak-tulak na wheelchair.

Inalalayan ako ng Ginang at ng nurse na makasakay sa Wheelchair at saka niya ito tinulak palabas ng kwartong ito.

Pagkalabas namin ng Ospital ay pumara ito ng tricycle, maya-maya lang ay may tumigil na trysicle sa harapan namin. Inalalayan ako ng Ginang at ng drayber na makasakay, ilang minuto lang ang biyahe bigla lang ay tumigil ito sa isang simpleng Bahay.

Nag masid-masid ako sa paligid pero puro magkakatabing bahay at may iilang puno lamang akong nakita.

Nakakamiss ang sariwang hangin na lagi kong nalalanghap tuwing ako ay gigising sa umaga.

Nakakamiss ang gumising at sumabay sa mga magulang ko na kumain na may naka-handang sinangag, itlog, hotdog at tocino sa lamesa.

"Anak?" Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng Ginang.

"Po?"

"Nagugutom kaba?" tanong nito, tumango nalang ako saka ko itinulak ang wheelchair na aking inuupuan papuntang lamesa.

Nung nasa lamesa nako ay ang Ginang ang nag-alalay na kumuha ng aking mga kakainin.

"Salamat po"

"Kain lang ng kain, para bumalik ang lakas mo" sabi nito

Ilang minuto nanatili ang katahimikan sa pagitan namin ng ginang ng magsalita ako, "Inay? yun po ba ang tawag ko po sa inyo dati?" tanong ko

"Oo anak, Mabuti naman kahit ang tawag mo sakin ay naaalala mo" malumanay na sabi nito saka pumeke ng ngiti

"Patawad po"

"Ayos lamang iyon anak, Hindi mo naman kasalanan na nawalan ka ng malay at na comatose ng sobrang Habang araw" sabi nito

Napaka-bait naman ng magulang ng katawang may-ari nito.

Di pa nagtagal ang ilang minuto ay may kumatok sa pinto ng bahay na ito.

"Ako na, kumain ka lang dyan" sabi ng Ginang at siya ang nagbukas sa pintuan.

"Chan! Omygosh! Gising kana!" Sulpot ng isang di ko kilalang babae pagka-pasok nito at nasa likod niya ay may isang lalaki

"Excuse me po, kilala ko po ba kayo?" Tanong ko

"Ay oo nga pala, nagka-amnesia ka. Okay , I'm Sky and this is my brother slash your crush, Seb" pagpapakilala nito

Ow wait this body's crush is here. Sabagay may itsura siya, pero loyal ako kay Luke.

"Hello"

"Sila ang mga kaibigan mo, anak. Simula bata ay kayo na lagi ang magkaka-laro" kwento ni inay

"Talaga po?"

"Oo, lagi mo ngang bukang-bibig itong si Sebastian e" sabi pa ng Ginang

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng lalaki, pero nag-iwas ito ng tingin.

"Uyy, si kuya, kinikilig ka pa rin doon?" Pang-aasar sakanya ni Sky

"Shut up, sis" sagot sakanya ni Sebastian

"Oh, kumain naba kayo?" Tanong ng Ginang sa kanila

"Ay saktong-sakto po Tita, may dala po kaming pagkain para sa inyo!" Tuwang-tuwa ani ni Sky

"Salamat dito Sky, oh siya maiiwan ko na muna kayo dito at kukuhanin ko pang ang kapatid nito sa Nanay ko" sabi ni Inay

"Sige po Tita, kami napong bahala dito kay Chan" sabi pa ni Sky

Everything At LastUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum