CHAPTER 4

3 1 0
                                    

LANCE POINT OF VIEW

Lance Adrian Lee, 19 years old

Nagtransfer kaming dalawa ni Patrick dito sa Kingdom High University, for the better daw sabi ng parents ko tas sumama naman sila Pat sakin. Andito rin kasi yung iba naming barkada kaya ayos lang.

"Ayos pala dito Lance para tayong artista"malokong saad niya sakin

Pano ba naman kasi halos lahat ng mga babaeng nadadaanan bumubulong na ang gwapo raw namin, di sa pagmamayabang pero gwapo naman talaga kami eh HAHAHAHA

Hinanap namin yung classroom namin Grade 11 pa kaming dalawa ni Patrick habang yung iba naming barkada Grade 12 na. Pinapakilala na namin yung sarili namin, grabeng tilian nung mga kaklase naming babae maliban pala sa tatlo, kasi yung dalawa nag uusap na parang may sariling mundo habang yung isang babae naman nakakunot ang noong nakatingin sa harap. Hanggang sa magsalita na sya,

"Sir, ano di pa ba tayo magsisimula mag klase?" Sabi niya,

"A-Ah y-yes Ms Melendez, okey boys just sit at the vacant chairs. Everyone get your mathematics books and open it on page 56" sagot ni sir na parang natatakot. Teka? Natatakot? Bakit? Sino ba siya? At bakit  natatakot sa kanya si sir?

Umupo na kami sa bakanteng upoan sa likod at lagi ko siyang sinusulyapan pero ganun parin yung reaksyo niya nakakunot parin ang noo at parang inis na inis siya.

After our class. Dretso kami sa cafeteria para kumain. As usual pinag uusapan parin kami kasi nga gwapo kami HAHAHAHA matagal natapos ang tilian kaya pati ako nagsisimula naring mainis kasi ang ingay eh. Nagulat nalng kaming lahat ng may biglang sumigaw.

"Ano ba! Kanina pa kayo, kainan tuh dito hindi bar putangina ang lalandi nyu kita nyung may kumakain tas sigaw pa kayo ng sigaw. Bwesit!" Sigaw ni ms sungit, oo miss sungit kasi d ko naman alam pangalan nya eh mendez? Oo mendez ata yung sinabi ni sir kanina ayss ewan basta pagkatapoa nyang sumigaw ay nag walkout siya.

Tapos na ang lunch break at Andito na kami sa room kasi nagbell na hudyat na magsisimula na yung klase. Pumasok yung dalawang kasama nung masungit pero siya wala parin. Hanggang sa dumating si sir ay wala parin siya, baka d na yun papasok kaya  nagfocus nalang ako sa klase. Tsaka bat ko ba pinoproblema yun tss.

*
Kinabukasan ibang teacher ang pumasok na dapat at si sir ang papasok pero Hindi si ma'am Math, Math nalang d ko kasi alam pangalan niya eh HAHAHAHA

"Kung nagtataka kayo kung bat ako ang nandito ngayon at di sir Michael ang nandito. Well, absent kasi so sir ngayon dahil may sakit yung asawa nya at hiningi ko sa kanya yung time nya natu kaya dalawang oras ang ihahandle ko ngayon dito. Like what I've said last meeting we will be having our summative test so I'll be giving you 30 minutes to study all your notes and to those new here you can borrow the notes or books of your classmates" mahabang paliwanag ni Ma'am.

Maraming nagkusang pahiramin kami ng notes pero tinanggihan namin. Alam na namin yan eh matalino kaya tuh HAAHAHAH nakita ko si Miss sungit na natutulog ata, di ba sya mag aaral? Di ba sya takot pagalitan?

Kaya ang ginawa ko nilapitan ko siya. Tinitigan lng d nagtagal ay minulat niya ang kanyang mata at sinungitan pa ako kahit nagkakandautal siya HAHAHAH ang cute niya. Binigay nya naman sakin yung notes niya at bumalik sa upuan ko. Binuklat ko yun grabe ang ganda ng penmanship niya. Nag exam na si Ma'am grabe nauna pa siyang natapos sakin eh Hindi nga sya nag aral eh. Ganun ba siya katalino? Ang ginawa ko binilisan ko yung pagsagot nung akin para makalabas ako at para makausap siya, pero sinungitan lang niya ako. Inaya ko siyang pumunta sa Cafeteria pero tinangihan niya lang ako kaya ang ginawa ko hinila ko siya patungo dun. Kahit nagpupumiglas sya ay d ko parin hinahayaan na makawala siya, Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukuti ko at bigla² ko nlng syang inayaang kumain.

When Our Fate Plays (On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ