Napangiti ako at bahagyang lumayo para kunan sila ng litrato. "Uno, dos, tres. Sonrisa!"

Sabay silang ngumiti. Lumawak ang ngiti ko at tumingin sa kanila. "Muchas gracias," sambit ko sa kanila. Ngumiti sila at kumaway na sa akin.

Sobrang saya ko ngayong araw dahil ang dami kong nagawa at nakasalamuhang tao. Mayroong masaya, mayroong malungkot at mayroong walang emosyon.

Kinabukasan ay sumakay ako ng train. I was wearing a pastel pink square pants, white fitted top and white sandals. Nakatuck-in ang fitted top ko sa square pants na suot ko.

My hair was kinda curly. Hindi naman masyadong siksikan sa loob ng train pero nakatayo ako.

At ang destinasyon ko ay sa Formentera...

Masaya naman ako ngayon... lalo na para sa kanya. Sa buhay na mayroon siya.

"He's gone, Yen... Naaksidente siy—"

"What?! N-nasaan siya? Pupuntahan ko siya! Oh God!" Napasapo ako sa noo ko. Nanghihina ako.

"Kahit puntahan mo siya ay wala ka nang magagawa. He's suffering from amnesia. Kahit akong Mommy niya ay hindi niya na maalala." Napayuko si Mrs. Alexandra.

Hindi ako nakasagot. Para bang may bumato sa akin at bigla akong nanghina.

Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam dahil naaksidente siya?

Kaya ba kahit isang beses ay hindi niya ako nadalaw dahil hindi na niya ako maalala?

Bumagsak ang luha ko.

"Dinala ko siya sa Spain para ipagamot... umaasa akong babalik ang mga alaala niya," naiiyak na sambit ni Mrs. Alexandra.

Pero hindi na ako nag-abalang hanapin siya. Para sa akin, mas mabuti nang walang siyang maalala. Nakalimutan na niya ang lahat. Ang pamilya niya, ako at mga sakit na naranasan niya.

And I will always set him free for his happiness because I love him.

A person who really loves you is a person who is willing to let you go for the sake of your own happiness. And I let him go because I was just causing him pain and I wanted him to be happy.

Napatingin ako sa daliri ko dahil isinuot ko ulit ang singsing na binigay sa akin ni Ice noon. Kahit ito na lang ang matira sa akin ayos na ako.

Sana kapag magaling na ang puso naming dalawa... may pag-asa pa.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako dahil mahal ko siya pero mas nananaig sa puso ko ang desisyon na tama na talaga.

Pinahid ko ang mga luha ko. I didn't know that I was already crying. Nakatayo lang ako at nakahawak sa bakal. Ang sakit ng kapalaran ko. Ang sakit ng buhay ko.

Tumingin ako sa labas nang papahinto na ang train. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakatayo at nag-aantay sa pagbukas ng pintuan. Para akong nanlamig. Natulala ako.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Pumunta ako sa Spain dahil malaking lugar ito at imposibleng magkita kami.

Ngayon, naniniwala na ako na maliit lang talaga ang mundo.

Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

I-Ice...

I want to hug him... but he doesn't recognize me anymore.

Namuo ulit ang mga luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Tumayo siya hindi kalayuan sa akin at dumoble ang tibok ng puso ko nang tumingin siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now