“What are we doing here?” tanong niya habang nakatingala sa’kin. Ngumiti ulit ako saka ko hinawakan ‘yung pisngi niya.

“I love you..” malambing na sabi ko, magsasalita pa sana siya pero agad kong siniil ng halik ang labi niya.

<>END OF FLASHBACK<>

 Matapos nun ay bumalik na kami at saktong magsisimula na ‘yung Graduation.

“Our This batch’ Valedictorian,” tinapik ako ni Kyle at Paolo, muli akong sumulyap kay Allaine. Pinapalakas niya kasi ang loob ko sa tuwing nginingitian niya ako. “Aichee Park..” masigabong palakpakan ang sumalubong sa’kin ng tumayo ako at naglakad patungo sa Stage, nakipag kamay muna ako kay Dean bago ako humarap sa students para magbigay ng kaunting speech.

“Good afternoon,My dear Co-Seniors!” muli na naman silang nagpalakpakan. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy. “4 years ago,halos lahat tayo ay sabay-sabay ng tumuntong sa University na ito.Nakakilala tayo ng mga bagong kaibigan, bagong guro at bagong kaaway.” Natatawang saad ko. “Habang tumatagal,mas nakikilala natin kung sino ang totoo sa hindi,kung sino ang dapat at hindi dapat katakutan. Naranasan din nating maghirap dahil sa mga terror nating guro na talaga namang manginginig ka sa takot kapag nasa loob ka ng klase niya,pero kapag nasa labas ay para nalang natin silang barkada.It’s our for own good,anyway.See? Graduate na tayo!” muli silang nagpalakpakan.

“lumipas ang ilan pang taon, mas nakikilala natin ang bawat isa,sabi nila,Third year ang pinaka masayang Year sa Highschool dahil dun mo unang mararanasan ang Junior Prom kung saan maaari mong makilala ang dapat ay para sa’yo at Fourth year naman ang pinaka malungkot kasi mararamdaman daw natin na ito na ang huling taon natin para masabi mong ‘bata’ pa tayo dahil kahit anong pilit natin, darating at darating tayo sa puntong mahihiwalay tayo sa mga taong naging totoo sa’tin,mahihiwalay tayo sa mga taong natutunan na nating mahalin,mahihiwalay tayo sa mga taong nagsilbing pangalawang magulang natin..” sumulyap ako sa mga Guro, nakangiti sila pero halata sa mata nila ang kalungkutan. “..At mahihiwalay tayo sa isang samahan,samahan na nag-umpisa sa asaran,kulitan at damayan..Ang Nabuo nating ‘Barkada.’” Sumulyap ako kay Paolo at Kyle, alam ko naman na hindi kami maghihiwa-hiwalay pero nakakalungkot pa din isipin na hindi na kami isang Highschool student na pwedeng gawin ang gusto naming gawin dahil hindi ganun kadali ang College. Muli akong huminga ng malalim saka sumulyap kay Allaine. Alam kong proud din siya sa’kin, nginitian ko siya.Ngumiti din siya na lalong nagpalakas ng loob ko.

“At syempre, mawawala ba naman ‘yung ‘Love’ na una mong mararanasan sa High school? Pero hindi maiiwasan ang masaktan at makasakit ka, pero para sa’kin. Hindi naman tatatag ang isang relasyon kung walang pagsubok na darating. Gawin nating inspirasyon ang mga taong nagpaparamdam ng pagmamahal sa atin.” Napakagat ako sa labi ko, “I would like to thank my Parents..” tumingin ako sa pwesto ni Mommy at Daddy, nakangiti sila sa’kin. “Thank you,Mom,Dad. For giving me this beautiful life, for supporting in my any decisions, Thank you for the Love, thank you guys, for everything. Kung wala po kayo,wala din ako dito ngayon. Kung hindi po dahil sa inyo,hindi ko po makakamit ‘to. Sobrang thankful ako at kayo ang ibinigay na magulang sa’kin ni God. I really love you Both,Mommy,Daddy.” Nakita kong nagpupunas ng luha si Mommy. Si Daddy ay proud na nakatingin sa’kin. “At siyempre, Sa ating mga Guro. Ma’am,Sir. Maraming salamat po bilang tumayong pangalawa naming magulang,maraming salamat po sa pag-intindi sa kakulitan naming students,salamat po sa pag tuturo ng mabuti. Maraming salamat po sa apat na taong pagtuturo. Habambuhay po naming dadalhin ang utang na loob namin sa inyo. Salamat po sa disiplina, Salamat po,Dean, sa pangalawang tahanan na ibinigay niyo sa’min. Thank you.” Nagtanguan naman sila, muli akong ngumiti at tumingin sa huling taong pasasalamatan ko.

“And lastly..” lumunok pa ako ng ilang beses bago muling magsalita. “I would like to thank this beautiful lady—“

“Kyaaaahhh!”

That Nerd (Completed)Where stories live. Discover now