Chapter 34 : Missing

Start from the beginning
                                    

Ayokong pati kayo ay madamay gagawin ko ang lahat makuha lang si ace, may baby ace.

JOSHUA DELA VEGA POV
Lahat kami ay nagtataka sa kinilos ni hon ngunit wala kaming nagawa para magtanong pa dahil sa mukha palang niya ay alam na namin na bumalik na sila.

Bumalik na naman ang kalaban! Akala ko tapos na, pero ano 'to? Bagong gulo na naman.

Ace sana ligtas ko kung nasaan ka man. Ako yun lalaki pero wala akong nagawa, anak pasensya na!

Gagawa ng paraan si daddy mahanap ka lang.

Nandito ako ngayon sa kwarto naming mag asawa kasama ang kambal. Bilin sa akin ni hon na wag ihihiwalay ang kambal sa tabi ko kaya ayun ang ginagawa ko.

Nakita kong pumasok si hon sa kwarto ng nakasuot siya ng black na damit pati pants.

"Saan ka pupunta?" Hindi ito nagsalita kundi pumunta lang sa tabi namin ay niyakap ang kambal.

Bakit ganon feeling ko may mangyayaring di maganda.

"Hon, please tell me saan ka pupunta?" Tanong ko ulit na ngayon ay nakayakap na sa akin.

"Hindi pwede mapapahamak si ace pagsinabi ko, may mata siyang nakatingin sa atin. Ayokong ibuwis ang buhay ng anak ko. Hon ingatan mo ang mga bata mamaya aalis ako sa oras na tumunog ang cellphone sagutin mo agad hah? I love you"

"Mahal din kita, ingat ka pakiusap kung saan ka man pupunta" tumango lang ito bago ako hinalikan sa labi na para bang huling kita na namin yun.

Nagsimula na siyang umalis habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Bakit parang ang hina hina ko? Bakit di ko kayang gawin ang bagay na kaya niya?

Nanghihina ako! Ayokong mawala ang asawa ko sa akin.

SOMEONE POV (RM)
Nagsisimula na muli kami, kaya maghanda ka aking reyna makukuha muli kita.

Gagamitin ko ang lahat ng alas na maaari kong magamit para lang makuha ka kahit pa itong ampon mong anak.

Ang gwapong bata, mas maganda pang ako ang maging ama nito kesa kay joshua na yon.

"Boss nandito na po siya" sabi ng isang tauhan ko.

Nandito ka na aking reyna!

"Papasukin niyo" nagpunta na ako sa lugar kung saan nandun ang batang kanina lang ay kinuha ng tauhan ko.

Magaling na bata at matapang, hindi namin basta basta nakuha dahil sa galing nitong lumaban.

Napatumba niya agad ang anim kung tauhan buti na lang nakarating ako kundi nakatakas na ang batang ito.

"Gisingin niyo ang bata dahil nandyan na ang kanyang ina" gagamitin kita para makuha siya! HAHAHAHAHA

"AHH! Let me go jerk!" Ibang klaseng bata. Minsan talaga iisipin ko ng tunay niyang anak 'to dahil sa ugali nito.

"Haha nandyan na ang aking reyna kukunin ko siya sa daddy mo bata" natawa na lang ako ng samaan ako nito ng tingin. Manang mana kay shantal. "Dalhin niyo na yan!" Naglakad na ako palabas kasama ang bata para salubungin ang ina niya.

MAFIA QUEEN: Golden Dragon Mafia (COMPLETED) Where stories live. Discover now