"Please din, Echo. Huwag mo nang saktan ang Ate ko."

Mabilis akong lumayo sa kanya habang dahan dahang tumulo ang luha sa mata ko. Nang makalayo ako ng husto, huminto ako at sinapo ang dibdib ko. I cried hard while punching my chest.

Did I really deserve to feel this pain over and over again?

KALMADO na ako pero sigurado naman akong paga ang mata ko dahil sa ginawa kong pag iyak. I sighed and stared at no where.

Dito ako nakaupo ngayon sa isang waiting shed matapos kong umiyak. Papalipas lang akong oras para pag uwi hindi mahalata ni Ate ang paga kong mata.

I felt my phone vibrated on my bag. Walang gana na kinuha ko iyon at bago ko palang makita kung sino ang tumatawag ay may tumawag sa akin.

"Kate?"

I looked up and saw Hercules. He's holding his phone while standing a few blocks away from me.

"What are you doing here? Vesta's been looking for you and your not answering your phone."

Binagsak ko ang tingin ko sa cellphone at nakitang si Ate ang tumatawag sa akin. Afterwards, I heard a phone rang again.

"I found her, don't worry." Ani Hercules na titig na titig sa akin ngayon. "Okay."

Binaba nya ang tawag na malamang ay galing kay Vesta.

"Come on, I'll take you home."

"Commute nalang ako." Medyo paos pa ang boses ko.

Hercules sighed. Then he sat down beside me.

"Are you okay?" He carefully asked.

"Pwede ko bang sabihing oo pero hindi naman?"

Pinitik nya ang noo ko at kapagkuwan ay inabutan ako ng panyo.

"Ang sakit."

"Noong pitik ko?"

Umiling ako at ngumuso. Ilang saglit pa ay natahimik ako, maging si Hercules ay tahimik lang din.

Natanaw ko na ang bus kaya tumayo na ako. Hercules looked at me.

"I'll go. Thank you,"

"If you need someone to talk to, just call me." Pinakita nya pa ang cellphone nya.

I quickly nodded at him. Huminto na ang bus kaya marahan akong tinulak ni Hercules doon.

"Kate," lumingon ako. "Hindi sya worth it. Ingat."

---

"Architect Madrid." Iyong receptionist nang floor namin.

"Yes po?" Binitawan ko ang ballpen ko.

"May parcel po na dumating sa lobby. Kayo po pina-rerecieve."

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa narinig pero tumango din ako kalaunan.

Habang pababa sa lobby, iniisip ko kung sino iyong nagpadala ng parcel sa akin. Nagtitipid ako kaya bakit naman may parcel na darating at dito pa talaga sa Cinco pinadeliver.

I recieved the parcel. Inalog ko pa uli iyon at pinakatitigan. Then my phone rang.

I declined it. Sumunod ang isang text galing pa din doon sa tumawag.

Echo:
I'm outside. Can we talk again?

Ang bilis kong inangat ang tingin ko sa labas. Lumakad ako at hinanap ang pwesto ni Echo. It's been a week since our last talk, ngayon lang uli sya nag-attempt makipag usap.

Never Be The Sameजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें