CHAPTER 21: To Keep

Start from the beginning
                                    

"Mom, Dad. He's my boyfriend, Albert."

"Are you also out of your mind, Francine? What are you talking about?"

"Mom, we've been together for almost 3 years now. And I really love him. I cannot marry someone that I don't love at all. If I would marry, that would be with Albert."

Nagsimula ulit mag-ingay ang mga tao. Panay ang bulungan nila tungkol sa mga kaganapan sa loob. Hindi na kinayanan pa ng parents ni George ang mga rebelasyon dahilan para mag-walk out sila sa event, ganoon din ang parents ni Francine.

"Everyone, please enjoy the party!" isang maganda at eleganteng babae ang bumaba sa hagdan mula sa second floor. "It is my brother's birthday, above all. Don't be bothered by what happened earlier. Right, George?"

"Enjoy the night, everyone!" George faked a smile.

Tumugtog ang malakas na party music, at nagsimula nang magsikainan ang mga bisita. Ang ilan ay umiinom na ng wine at iba pang alcoholic beverages.

"Let's talk outside." sabi ng ate niya. Humarap siya sa akin. "Go with us. Alvira, right?"

Ngumiti siya, kaya tumango naman ako nang nakangiti rin. Naglakad kami papunta sa labas kung saan walang ibang tao bukod sa amin. Sila Erica ay kumakain na sa loob. Si Francine naman at ang boyfriend niya ay nag-eenjoy na rin sa loob kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Happy birthday, my little brother," sabay yakap kay George. "You are so brave. I am proud of you."

"Thank you, ate," kumalas na sila sa pagkakayakap. "You think I did the right thing?"

"Of course, yes. Alam ko naman na hindi ka pa handa sa mga ganoong bagay. Marami ka pang gustong maranasan, at hindi ka pa ready sa malaking responsibilidad kasi bata ka pa," mahinahon na sabi ng ate niya.

Natutuwa ako sa koneksyon nilang dalawa. Mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. Kung sanang may kapatid lang din ako kagaya nila.

"Hindi naman sa hindi pa ako handa sa big responsibility. Hindi ko lang siguro kayang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal, ate," malungkot na turan ni George. "Hindi naman kasi ganoon kadali ang ipinapagawa nila sa akin. Kung iyong ibang gusto nilang gawin ko ay nagagawa ko pa, itong pagpapakasal sa taong hindi ko pa nga lubusang kilala ay ibang usapan na."

"Naiintindihan kita, George. At masasabi ko lang na proud ako sa'yo dahil naging matapang ka na ipaglaban ang gusto mo," nakangiting wika ng ate niya. "By the way, hindi mo man lang ba ako pormal na ipapakilala sa nobya mo?"

"Alvira, si ate Grace, ang nag-iisa kong kapatid," ngumiti naman ako sa ate niya. Nahihiya ako. "Ate Grace, si Alvira, girlfriend ko."

Nabigla ako nang yakapin ako ng ate niya.

"Masaya ako na makilala ang kauna-unahang girlfriend ng kapatid ko," biro niya. "Napaka-busy kasi nito sa mga gawain sa academy kaya wala nang time para manligaw."

"Alam mo naman ate na kung sino ang magiging girlfriend ko, siya na talaga diba?"

"Oo naman. Iyan ba naman lagi ang bukambibig mo kila mommy kapag tinatanong ka. Kaya ayan, sila na ang naghanap ng mapapangasawa mo," biro pa ng ate niya.

"Ate, iniisip lang talaga nila ang kayamanan nila kaysa nararamdaman ko."

"I know," medyo natahimik ang ate niya. "Anyway, kailan ang kasal niyong dalawa? Dapat makasal kayo sa lalong madaling panahon."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Ahm-," magsasalita na sana ako pero nagsalita na rin si George.

"Ang totoo niyan, ate, fake relationship lang ang mayroon kami ni Alvira. Ginawa ko ito para itigil na nila pagpapakasal ko kay Francine."

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now