Matagal na silang magkakaibigaan apat. Si Dylan, Mond, ito at siya. Nasa kolehiyo sila pare-pareho ng maging magkakabarkada sila. Kahit sabihin pa na ito lang ang tanging babae sa kanila ay hindi naging hadlang iyon para sa matatag nilang pagkakaibigang apat.

Personal secretary ito ni Dylan sa kompanya nito sa Zalasar empire nun maging ito na ang C.E.O. ng kompanya nito. Sampung taon na ito na sekretarya ni Dylan at talagang gamay na rin nito ang pasikot-sikot ng kompanya ng empire, kulang na nga lang ay maging isa na ito sa stock holder ng kompanya ni Dylan.

Ipinatong ni Angel ang dalawang kamay sa balikat ni Aidem kasabay ng pagindayog nito sa harapan nito kaya hinapit naman ni Aidem ang mga beywang nito para magdikit sila ng husto. Hindi naman sweet ang tugtog pero animo sila nagsasayaw sa isang malamyos na tugtugin.

Normal sa kanila ang ganitong tagpo pero sa totoo lang, mas madalas ang pagiging parang aso at pusa nila kung nagkikita dahil gustong-gusto niya itong inaasar dahil mas madalas na pikon ito kaysa sa hindi.

Mga pagkakataon na hinahanap- hanap niya. Kaya nga dahil sa alam niya na mahilig pumunta ang dalaga sa nigth club bago ito umuwi ng bahay, ay club ang ginagawa nitong palipasan ng oras.

Nakakatawa man isipin pero napakahabang taon na niya itong ganoon lang ang ginagawa niya para mas makasama ito ng kahit saglit na oras.

May nararamdaman siya dito pero hindi niya magawang magtapat dahil namamagitan ang pagiging magkaibigan nila sa mahabang panahon. Natatakot din siya na kung susubok siyang  magtapat ay iyon na rin ang maging simula ng pagkakaroon ng lamat ng kanilang pagkakaibigan na inalagaan niya ng napaka habang panahon para dito.

Bukas din ang dalaga na ayaw nito ng relasyon kaya nga kapag may nagtatangka manligaw dito ay agad nitong ibinibigay ang katawan, dahil ito ang paraan na ginagawa nito sa pagtaboy na sobrang tinututulan niya.

Napakaraming beses na niya iyon sinabi kay angel pero tinatawanan lang siya nito at kapag ipinilit niya ay nagwawalk out ito bigla, tanda na ayaw nito na pinapakialaman ito.

Kaya naman ang kanyang nararamdaman dito ay tinago na lamang niya at inaalagaan sa kanyang puso, hindi pa siguro ito ang panahon para magtapat siya dito kaya sa ngayon ay makukuntento na muna siya sa ganito munang sitwasyon nila ni Angel, kahit sobrang hirap sa kanya. Kaya pa naman niyang itago at iyon ang mahalaga sa ngayon.

"Baka kailangan mo ng umuwi?" Aniya kay Angel sa mga tainga nito ng pabulong. "May pasok ka pa bukas, uwi na tayo lumalalim na rin ang gabi oh." Sumang ayon naman ito kaya binagtas na nila pareho ang daan papauntang exit ng club na iyon. Inihatid niya ito kung saan nakapark ang sasakyan nito.

"Kaya mo bang magmaneho?" Tanong nito kay Angel.

"Oo naman, dont worry hindi naman madami ang nainom ko ano ka ba? Halos kadarating ko lang din ng nilapitan mo ako doon. So, ikaw uuwi ka na rin ba o mag-stay ka pa dyan sa loob para makakuha ng maikakama mo ngayon gabi?"

Natawa siya sa tanong nito, heto talaga si Angel ganito katabil ang dila nito prangka ika nga. "Oo." sagot naman niya dito.

"Magcomdom ka buds ha mahirap na baka makatapat ka ng babaeng ipaaako sa iyo na buntis siya at sabihin na ikaw ang ama. Ikaw rin, bye-bye bachelor." Sabay halakhak nito.

"It will never happen kasi maingat ako. Kaya ikaw mag-ingat ka rin sa ginagawa mo?"

"I will buds, okay na iyon nadapa ako ng isang beses and it will never happen again, never." Binuksan na nito ang pinto ng kotse niya para sumakay na. "Bye palaka." Nakasanayan na siya nitong tawagin ng ganoon, hindi dahil sa mukha talaga siyang palaka, kungdi naging expression na lng ito ng dalaga na tawagin siya ng ganoon lalo na kung iniinis niya ito.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho Uling bye." Uling naman ang tinawag niya dito dahil nga morena ito pero hindi naman sobrang itim. Nakatuwaan na lang niya na tawagin ito ng ganoon kapag gusto niya itong asarin or pikunin.

Hinintay niya munang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito bago niya napag-pasyahan na tunguhin na rin ang kanyang sariling sasakyan. Wala naman na siyang plano pa na bumalik sa loob para mag-stay pa dahil si Angel lang naman talaga ang pakay niya kung bakit siya nagpunta sa club na ito.

Isa siya sa may ari din ng club na ito at kasosyo niya ang isang kamag-anak niya dito. Ito rin ang tumawag sa kanya para ipaalam sa kanya na nandito nga si Angel.

Mga club ang ang negosyo niya. Ilang branch na ng heavens gate club ang mayroon siya na nagkalat saan man lupalop ng Maynila. Mayroon din sa bandang Makati at Pasay. Mayroon din sa bandang Rizal at ilang bahagi ng probinsya.

Ang mga ginamit niyang  pang invest sa ilan sa mga club niya ay ang pera na nagmula lang sa pustahan nilang magkakaibigan para sa kakaibang niyang deal sa mga ito. Na noong una ay biruan lang pero sineryoso ng mga ito. Kaya naman nawili na siya na gawin na iyon rule sa bawat pag-iinum ng mga ito sa kanyang club. Mas madalas na talo ang mga ito.

Nagtayo din siya ng heavens gate club na pang-masa sa bandang San Juan Batangas at nasasakop iyon ng pag-aari nilang Isla doon na pinangalanan nilang isla villacorta. Maraming nakatira sa Isla na iyon. At Natutuwa siya sa klase ng pamumuhay na mayroon ang mga taga Isla Villacorta. Sapagkat ang Islang iyon ay pag-aari ng kanyang pamilya na ipinamana na nga sa kanya na talaga naman dinadayo ng mga turista, mapa lokal man o banyaga. Lalo na ang sitio gwapito na sikat na lugar doon.

Pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan para umuwi na din sa kanyang bahay at inaantok na rin kasi siya.
       
       ***** rhaime22 *****

Authors note: Ayie...na miss  nyo ba ako, este si Angelzy pala and Aidem. I feel so sorry sa sobrang tagal ng update ko dito. But I will do my best naman po para mai-update ito ng paunti-unti habang still on going pa rin si Sansky at Richmond. Naisip ko kasi na mag update na rin ako dito para lumakad na ang storya ng dalawang ito.

So again, thank you for spending a little minute to read this chapter and thanks for voting too.



                        

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum