About me?
Sadistang pusa
Mahilig gumawa ng tula
Mahilig ding magdrawing
Katawan ko'y sing nipis lang ng tingting

Ang pangalan ko'y Mia
Labing limang taon na
Mayroon akong kaibigan
Sila'y dalawa lamang

Heto't aking ipapakilala
Lapis at papel ang tawag ko sa kanila
Ako nama'y may kasintahan
Ngunit ako lang nakakaalam

Tapos na akong magpakilala
Maraming salamat sa inyong pagbabasa
Sana'y nagustuhan ninyo
Itong tulang ginawa ko
  • Milky Way Galaxy
  • JoinedFebruary 13, 2013



1 Reading List

RL1