Malikot ang  isip sa tuwi-tuwina.

Hindi ako mapalagay kapag nag-umpisang sumipa ang pedal ng aking isip. Kailangan kong magsulat. Kailangan kong isulat ang mga talatang paroo't parito sa isip ko. Hindi na naman ako makakatulog ng maaga.

Kahit noon pa man, kahit wala akong papel at panulat, madalas akong makalikha ng kuwento sa pamamagitan ng bukang-bibig lamang. Nag-uumpisa ako lagi sa mga salitang inilalabas ng bibig ko. Hindi ko alam pero natural na siya. Natural na kapag nagsimulang pumasok ang mga salita sa isip ko, inilalabas naman ng bibig ko.

Parating magulo ang isip ko pero hindi naman ako sira, magulo lang talaga. At para naman mapahi ang bigat, kailangan ko silang pakawalan sa pamamagitan ng pagsusulat.

Dati kahit anu-ano lang, walang direksyon, walang patutunguhan ang mga istorya ko. Gayon pa man, hindi ko kinakalimutan ang simula, kasukdulan at ang wakas ng kuwento.

Pagkatapos kong paglaanan ng oras ang wala kong direksyon na kuwento, pinapabasa ko ito sa kapwa ko kamag-aral, kaibigan, mga malapit sa'kin at sa iba pa kapag may oras pa ako na hikayatin sila na magbasa.

Mahiyain ako noon, tahimik lang sa tabi, nagsasalita naman ako pero talaga nga lang na sarili ko ang mundo. Ginagawa ko kung ano mang itinatakbo ng isip ko. Kahit anong talata, linya, salita, pamagat o uri.

Noong nasa elementarya pa ako, mahilig na akong magbasa ng mga lumang aklat. Hindi nga lang ako magaling sa pagtanda ng mga pamagat at manunulat. Noong tumuntong na ako ng sekundarya, naging tungkulin naming magbasa ng mga aklat, siguro naman kilala ninyo ang Ibong Adarna, Si Florante at Laura, Noli Me Tangere, at ang El Filibusterismo.

Ilan lamang yan sa mga bagay na maganda kong nagawa noon na nadala ko hanggang ngayon, sa isip.

Hindi ko rin alam kung bakit kaunti na lang ang oras ko para magsulat. Dahil ba abala na ako sa buhay may trabaho? Hay naku.

Sa tuwing nagsusulat ako, doon ko nagagawa ang mga hindi ko kayang gawin sa reyalidad. Pwede akong maging makapangyarihan.
  • JoinedOctober 4, 2013



Last Message
MorningCafe MorningCafe Jun 22, 2020 01:27PM
Hello guys! Magandang gabi! May sinusulat nga pala akong bagong istorya na tinatapos ko at ang ilan ay na-ipload ko na at gusto ko ishare sa inyo... Magcomment po kayo kung sakaling mababasa ninyo...
View all Conversations

Stories by MorningCafe
ALL ABOUT MIGGY by MorningCafe
ALL ABOUT MIGGY
"Wasted. That's it. Minsan ang sakit na ring maging manhid. Ang hirap kasing labanan ng feelings. Ang hi...
FIRST LOVE NEVER DIES by MorningCafe
FIRST LOVE NEVER DIES
Iba ang epekto ng pag-ibig kapag tinamaan ka nito lalo na sa unang pagkakataong tumibok ang iyong puso sa is...
ILIANOR: JOURNEY BEGINS by MorningCafe
ILIANOR: JOURNEY BEGINS
Paano kung magising ka isang-araw na ang reyalidad mo na ay ang iyong panaginip? Nabubuhay ka na sa imahin...
1 Reading List