Ako'y isang baguhang manunulat na naglalayong magbahagi ng istorya na naglalayong magtalakay ng ibat ibang perspektibo ng buhay. 

Kung ito'y pag-ibig, nais kong kayo'y dalhin sa alapaap at doon namnamin ang bawat katagang inyong mababasa. Hindi lahat masaya ngunit tinitiyak kong aantigin ang inyong natutulog na puso at papangaraping magkaroon ng pag-ibig na hindi lamang gawa ng imahinasyon. Kung kayo'y umiibig, ang hangarin ko'y mas lalo pang pagyabungin at pag alabin ang nararamdaman nyo patungkol sa inyong minamahal. Hindi biro ang umibig. Hindi madaling magsakripisyo at sumugal. Subalit, karamihan sa atin ay handang gawin ang lahat upang ito'y mapagtagumpayan. Lakas ng loob, tiwala sa sarili at malinis na hangarin ang susi upang ito'y makamtan. Tiwala lang, siguradong may panahon at tamang taong nakalaan para sa'yo.


Naway subaybayan nyo ang aking mga istorya na aking ilalathala dito sa Wattpad. Naway magustuhan nyo ang aking mga akda at makapulot kayo ng aral na nararapat para sa atin.

Aasahan ko ang inyong pag suporta!

Salamat!
  • JoinedNovember 12, 2014



Story by JC_23_Adan
Sabi ni Nanay bobo ako by JC_23_Adan
Sabi ni Nanay bobo ako
Sabi nila ang nanay daw natin ang numero unong tagahanga nating mga anak. Ang sarap pakinggan. Ang sarap namn...
ranking #4 in arisa See all rankings