Oo, tama. Kung isa ka sa nakakakilala ng "EL FANTASIA", ako nga ang may pakana nito. At dahil hinahayaan ako ng pagkakataon na tawiran lahat ng mga kaya kong gawin sa mundong ito, eto at nagbabalik ako para tumapos (Sana nga, pero pipilitin) ng bagong mga kwento. Bagama't malaki ang kasalanan ko sa inyo sa hindi ko pagtapos ng Epic na kwento ng "EL FANTASIA", pwede niyo ba ulit akong pagbigyan sa panibagong pagkakataon?

Para naman sa hindi nakakakilala, Ako po si George N. Stone. Actually, Pen Name ko lang ito sa pagsusulat. At kung dinala ka man dito ng ibang plataporma para kausapin o basahin yung mga laman ng utak ko, bukod sa Marites ka. Hahayaan kitang basahin ako.

Subalit sa panibagong pagkakataon, sa pagpasok muli sa larangang ito. Nais kong bumawi sa mga adik sa pagbabasa. Isa talaga sa mga pangarap ko ang magkaroon ng libro, at basahin ng mga taong nangangailangan ng kakampi sa mundong madaya. Sa pamamagitan ng platapormang ito, ay magbabahagi ako ng mga kwentong binuo ng utak ko upang ibahagi sa inyo ng mabawasan yung mga kalat ng utak ko.

Wala mang makabasa ng "About" na ito, ako ay naniniwalang, balang araw ay magbubunga rin kung susubukan kong muli na magbahagi ng mga akda sa platapormang ito. Enjoy, I'm back with stronger version.


-----
Pwede mo rin pakielaman ang mga buhay ko sa
Youtube: https://youtube.com/@sir.GeorgeStone
Facebook: facebook.com/sir.GeorgeStone
Tiktok: https://www.tiktok.com/@sir.georgestone
  • San Mateo, Rizal
  • JoinedApril 18, 2021


Following

Last Message
B1ankZer0 B1ankZer0 May 06, 2024 03:26PM
Di ko sure kung may nabitin kasi parang normal lang naman 'yung mga pinagsasabi ko sa Dalawang Tip. Pero dahil nasimulan na natin ito, at ibibida ko lang, itutuloy natin ito. Every Sunday ang releas...
View all Conversations

Stories by George N. Stone
Mga Sikreto Kung Paano Maging Ta* by B1ankZer0
Mga Sikreto Kung Paano Maging Ta*
Rogelio: Aalis muna ako Minda: Bakit? Sa'n ka pupunta? Rogelio: Hahanapin ko muna sarili ko. (Malungkot na bi...
The Three and One (Revised Edition 2024) by B1ankZer0
The Three and One (Revised Edition...
a story of the lost and misunderstandings
ranking #58 in fable See all rankings
3 Reading Lists