Tulad ng ibang typical love story, Isang taong nagmahal, ibinigay ang buong tiwala at oras, ginawa ang lahat para sa kanyang minamahal pero sa huli Naiwang luhaan at may pusong sugatan. Pero makakatagpo ng isang tao na muling magiging dahilan ng pagkabuhay ng kanyang pusong namatay sanhi ng kanyang nakaraan. Isang taong magpaparamdam ng tunay n'yang halaga at tunay na pagmamahal. Ngunit hindi maiiwasan ang pagsubok sa buhay. Itutuloy mo ba ang mag-iibigan nyo sa kabila ng maraming tutol sa inyo? At paano kung ang mahalagang tao sa paligid ng taong nagparamdam sayo ng tunay na pagmamahal ay s'yang dahilan ng pagkawala ng iyong magulang?