Prologue

90 2 1
                                    

"Yisha, please makinig ka naman. Wala lang yun. P-pakana lang ni Zandra lahat ng nakita mo... Nilasing n'ya ako ." Pagmamakaawa ni Brix.

Siya ang first boyfriend ko naging kami since 4th year high school. Nung una laru laro lang naman itong relasyon na ito. Puppy love, kumbaga insipirasyon lang. Hanggang sa tumatagal napapamahal na rin talaga s'ya sa akin.

Lagi s'yang nasa tabi ko at sinusuportahan n'ya ako sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko ako na yung pinaka maswerteng babae sa buong mundo sa kabila ng masamang nakaraan ko. Yung dating akala ko ako lang mag-isa sa mundong ito pero nabago ang lahat ng iyon dahil kay Brix. Mahalaga s'ya sa akin dahil bukod sa sarili ko ay siya lang ang meron ako.

Ulilang lubos na ako dahil sa isang aksidente ay nawala ang pamilya ko. Pasalamat na lang talaga ako dahil nakapag-apply ako bilang scholar ng aming alkalde nung panahon na walang wala na ako talaga. Buwan buwan ay nakakatanggap ako ng pera, hindi man kalakihan pero sapat na para sa sarili ko. At isa pa hindi naman ako pinababayaan ni Brix.

Hanggang sa magkolehiyop kami. Tuloy tuloy pa rin ang aming relasyon ngunit habag tumatagal, yung dating matamis naming pagsasama ay nagiging matabang. Nandyan yung once a week na lang kami magkita biglaan pa. Wala na yung makulit sa text at tawag at ang worst pa dun marami akong nadidinig sa mga kaklase ko na may kasama s'ya laging babae. Hindi ko sila pinakinggan sa halip ay hinintay kong si Brix na mismo ang magsabi pero wala naman s'yang nababanggit na may bago s'yang nakilala. At lagi na lang kaming nagtatalo sa di nalamang dahilan.

Hanggang sa eto na nga 2nd year anniversary namin susorpresahin ko sana sya pero baligtad ata nangyari dahil ako ang nagulat. Mata ko na mismo ang nakasaksi sa condo unit pa nya mismo. Nakahubad sila sa iisang kama at alam na.

Sa sobrang sakit hindi na kinaya pang bumagsak ng mga luha ko. Maraming tanong sa isip ko na halos puro BAKIT?? Bakit Brix? Bakit mo ginawa ito? Dahil sa hanggang ngayon hindi ko pa binibigay ang sarili ko sayo? Bullshit!

Sa pagkalabas ko ng building ay alam kong hinahabol n'ya ako. At eto na nga ano pa bang ineexpect ko, dedepensahan n'ya ang sarili nya.

"Tama na. Tama na. Pagod na ako at sobrang sakit na. Gulong gulo na ang utak ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na yung nag-iisang mayroon ako ay ginago lang ako. Bakit mo nagawa ito? Buong buhay ko umikot lang sayo dahil importante ka sa akin. Nandyan yung nagpakatanga ako kakahintay sayo, kakaintindi sa mga excuses mong baluktot." Patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko habang sinasabi ko lahat ng hinanaing ko.

Pilit na hinahawakan ni Brix ang kamay ko ngunit hinihila ko rin. Dahil sa mga oras na ito gusto ko siyang sampalin.

"Look, wala lang yung nakita mo. It's just a simple sex. Come on Yish be open minded naman. Sex lang yon! At ikaw ang mahal ko.......

PAK!!!

Bago pa nya sabihin ang linya nya ay di ma naiwasan ng nangangati kong palad na sampalin sya ng napaka lakas.

"SERIOUSLY BRIX?! SIMPLE SEX?! SOBRANG TAAS NG LIBIDO MO PARA HINDI MO MAPIGILAN ANG LIBOG MO SA KATAWAN KAYA HINDI MO NAALALA NA MAYROONG KANG GIRL FRIEND NA DAPAT NIRESPETO MO MAN LANG?! TAPOS ANO SASABIHIN MO NA AKO ANG MAHAL MO? BULLSHIT LANG BRIX! ANG LAKI NA NGA NG PINAGBAGO MO!" Nanginginig sa galit kong sabi. Wala na akong pakielam kahit may mga taong nakakadinig sa akin ang gusto ko lang malabas ko lahat ng sama ng loob ko.

"Hindi ko naman magagawa ito kung pinagbigyan mo na ako sa kahilingan ko. 2 years na Yisha pero hanggang ngayon kahit kiss hindi mo man lang ako mapagbigyan ganyan ka ba kamanang? Akala ko mababago kita pero hindi pala." Sabi nya na may halong pang-iinsulto.

Sa pagkakataong ito gusto kong maglaho na lang. Yung akala kong totoong ginagalawan ko puro pagpapanggap lang pala. Hindi n'ya ako minahal sa kung ano ako. Dahil may pakay pala s'ya sa akin.

"Oo two years na nga. Two years mo lang pala akong ginago. Hindi ako manika para bihisan at baguhin mo para sa sarili mong kagustuhan. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil hindi kita pinagbigyan sa gusto mo. Kung sex lang pala ang habol mo EDE SANA SA ASONG KALYE KA LUMAPIT!" Ayon lang at tuluyan na kong umalis.

Daladala ang puso kong durog. Sobrang sakit! Napaniwala n'ya ako ng ganun ganun lang. Ang tanga ko dahil masyado akong nadala. Siguro kung buhay pa sina mama at kuya hindi ko mararanasan itong sakit na nararamdaman ko.

That's my Bae: mr. antipatiko Kenneth MedranoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon