Saan nga ba ito patungo? Habang-buhay na lang ba tayo magtatago? Magtatago sa katotohanang siya na at hindi ako? Hanggang dito na nga lang ba ako.. tayo? Hanggang dito na nga lang siguro ako Dahil alam ko, na siya na ang mahal mo Magpapaubaya na lang ako Wala eh, kung saan ka masaya, dun ako Pero wag kang magalala Dahil sa oras na ika'y paiyakin niya Sa oras na ika'y saktan niya Ako kaagad ang makikita Wag na wag mong kalilimutan na nandito lang ako Naghihintay na lapitan mo Naghihintay na yakapin mo At naghihintay na sabihin mo sakin na "Sorry mahal, nagkamali ako."