Ika Sampung Kabanata

3K 147 6
                                    

"Hindi ako makapaniwala bumalik na ang totoo kong itsura nawala na ang mga kaliskis ko" masaya niyang sambit sa akin.

Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Paano nga kung dahil iyon sa pagsi sex natin kanina?" Tanong ko.

Bigla niya akong niyakap.

"Kung sex nga ang dahilan maraming salamat dahil sayo bumalik ang totoo kong itsura" sabi niya.

"Masaya ako para sayo.. ang gwapo mo pala mas gwapo ka pa sakin tsk" sambit ko.

Bigla siyang tumawa, nagulat pa ako dahil first time ko siyang nakita na tumawa.Napatitig naman siya sakin.

"Pareho lang tayong gwapo pero para sakin maganda ka"

Siniko ko naman siya, kita kong nasaktan siya sa ginawa ko.Mukhang nakakaramdam na nga siya ng pananakit sa katawan dahil sa normal na niyang itsura.

"Ay sorry.. ikaw kasi ginawa mo pa akong babae sira ka" sabi ko.

Pero pinamulahan ako sa sinabi niya, nababakla na ata ako.

"Nag sex na tayo pero di ko alam ang pangalan mo" sabi ko.

"Ang pangalan ko ay He-- Thor.. Tawagin mo akong Thor.." sabay ngiti nito.Ang layo ng itsura niya sa pagiging taong ahas.At doon ako naguguluhan kong taong ahas ba talaga itong kasama ko ngayon.

"May gusto lang akong malaman Thor, kung iyan nga ang totoo mong itsura paano ka nagkaroon ng kaliskis ng ahas sa katawan mo pati yung mata mo iba din" curious kong tanong.Nakita kong natigilan siya at parang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang ba Thor? Wag mo na sagutin ang tanong ko pasensya na kung nabigla kita."

"Pasensya na pero hindi pa ako handa magsabi ng nakaraan ko.." sagot niya.

"Naintindihan kita basta nandito lang ako kung handa kana mag sabi"

"Salamat.."

Mas niyakap niya ako ng mahigpit at ipinikit nito ang mga mata niya.

Mukhang napagod ata siya sa ginawa namin.Pinagmasdan ko pa ang mukha niya.

Sa ngayon napuno ng mga tanong ang aking isipan.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Lalo na ngayon masyadong komplikado ang lahat.Bahala na..gusto ko muna siyang makasama ngayon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Kinabukasan pagkagising ko ay mag isa na lang ako sa kama ko.Hindi ko alam kung panaginip lang ba yung nangyari kagabi.Tiningnan ko ang sarili ko may suot akong boxer short at sando.Mukhang nanaginip lang talaga ako. Pag galaw ko ay masakit ang pang upo ko lalo na ang butas ko sa pwet, pagtayo ko ay hindi ako makalakad ng maayos.Shit! Hindi panaginip ang nangyari kagabi totoong nag s*x kami ni Thor?

Pagkatingin ko sa higaan para ligpigin ang kumot ay nakita ko ang mantsa ng dugo sa cover ng kama ko.Natulala na lang ako at naalala ko ang mga nangyari kagabi.Napangiti na lang ako.

"Thor?" Tawag ko hinanap ko siya buong bahay pero hindi ko siya nakita mukhang umalis na siya.

Kahit masakit ang pang ibaba ko ay hindi ko ito ininda sa halip ay nag asikaso na ako ng pang almusal ko.Pagkaluto ko ay kumain muna ako bago pumasok sa banyo para maligo.

Excited akong pumasok ngayon sa trabaho pagkatapos kong magbihis at ilagay sa bag ko ang mga kailangan ko ay lumabas na ako ng apartment saka pumara ng taxi.

Pagkapasok ko sa Mall ay nagpalingon lingon pa ako baka sakaling makita ko siya, dahil alam kong dito lang siya babalik.Naalala ko yung cabinet kung saan siya lumabas at nagpakita sakin kahapon mabilis akong naglakad patungo sa Janitor's Room mabuti na lang ako pa lang ang tao ngayon dito.Binuksan ko ang pintuan saka pumasok.

Ang Lalaking Ahas (BxB)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon