8th world wonder by angelayumi09

14.2K 263 106
                                    

Introduction

Today is Makerine Kristell Villanueva's Death day.

Okay, masyado naman yatang exaggerated yang line yan. First, hindi ako patay. Buhay na buhay ako okay? Haller, kaya nga kausap ko kayo eh.

Secondly, I‟m just THIS CLOSE to dying. Why you may ask? Ganito lang yun. It all started with a daydream. No scratch that. Day-nightmare would be the best word to describe it.

Flashback

Last day na yun ng enrollment kaya nagmamadali ako. Nung oras lang kasi na yun ako nabigyan ng parents ko para makapag-enroll kaya no choice ako kung di magmadali.

Marami akong taong natamaan nun, teachers, students, elders at kung sinu sino pa. hindi na nga ako nakapagsorry kasi talagang malapit na yung deadline.

Kaso biglang tumigil yung mundo ko nun. Nakita ko kasi yung all time crush ko ever since 1st year ako. Si Mr. Matt Cruz, yung alumni ng school namin. Syempre, ano pa nga bang magagawa ko kung di tumingin at maglaway. Siguro nga sa sobrang pagdadaydream ko eh hindi ko na napansin na I was running towards the worst person I could ever bump into. Eastern High‟s very own, mr. arrogant.

Ano pa nga bang nangyari? *BAM!*

Natauhan kaagad ako nun at naalala kong nagmamadali ako. Wrong move, hindi kasi ako nakapagsorry kay Mr. Arrogant.

In the end, nakapagbayad ako ng tuiton ko on time. Yun nga lang...

“Ikaw, lumapit ka dito.”

Hindi ko narealize kaagad kasi kanina na siya yung nakabangga ko kaya nagtaka pa muna ako kung bakit niya ako kinakausap. After all, bihira lang to kumausap sa kahit na sino, maliban nalang dun sa mga kaclose niya.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo?”

“Hindi. Ano bang nagawa ko?”

Nagsmirk siya nun tapos ni-roll niya yung mata niya at may tinuro dun sa shirt niya. Bigla akong napahawak sa may bibig ko kasi ang laki nung stain dun.

“Do you know kung gaano ka importante itong shirt na ito sa akin?”

Syempre, hindi naman ako nagmagaling kasi hindi ko talaga alam. Umiling ako nun tapos yumuko.

“So anong plano mong gawin?”

“Pwede bang ipadry clean ko nalang yan?”

“Hindi ganoon kadali yun.”

May kung anu ano pang pakikiusap yung ginawa ko para lang hayaan na niya akong mamuhay ng normal sa school namin kaso hindi ako sinuwerte. Hay, sana ibang tao nalang yung nakabunggo ko. Oh why?! Sa lahat ng pwedeng makabangga, bakit siya pa?!

End of Flashback

So kung itatanong niyo kung anong napagkasunduan namin? Eto lang naman:

I‟m going to be his slave!

At ang worst part pa noon, hindi niya sinabi kung hanggang kelanI‟m doomed.

Chapter 1

“Wake up slave! Wake up slave! Your master is calling!”

Huwaw, ang ganda naman ng morning greeting ko. Not. Nagtanggal na ako nun ng morning glory tapos nag-inat inat narin ng kaunti. Hay, today is my first day sa pagiging slave ni Mr. Yohanne Kristoffer Veloso a.k.a. EH‟s MR. Arrogant.

8th world wonder by angelayumi09Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon