Chapter 18 (Part 1)

10.8K 262 15
                                    

"Mr.Jhay Calix Alzalde!"

  Nanlamig ako sa kinauupuan ko at nagtaasan ang aking mga balahibo.Napanganga sa narinig.
Kasabay ng malalakas na palakpakan ng mga bisita  ay ang pagkabigla na mababakas sa mukha ng mga tunay na nakakakilala sa lalaking binanggit ng mommy ni Ailee.Malalim na napakunot ako ng noo at hindi mapakali, nanlalaki ang mga mata ko. Sobrang hindi ako makapaniwala.

Paanong nangyaring si Jhay?! Bakit siya?!

  Nagtayuan ang mga tao sa paligid upang magbigay-bati sa celebrant at sa pamilya nito ngunit nananatili kaming naka-upo ng katabi ko. Oh shit si Cassie!

 Mabilis akong pumiling sa katabi ko at katulad nga ng inaasahan ay nakita ko kung paano lumamlam ang kanyang mga mata.Namumutla siya at halatang natigilan, natulala at parang nawala sa sarili.Para siyang namatanda sa itsura. Ramdam ko ang matinding kirot na nararamdaman niya at pinatunayan iyon ng mga namumulang mga mata na indikasyon sa nagbabadyang pagpatak ng mga nagkukusang luha.

Marahang kinuha ko ang isang kamay niya at ikinulong iyon sa dalawang palad ko upang
i-comfort siya.

"Cassie."
   nanunuyo at puno ng nag-aalalang tawag ko sa kanya para pakalmahin siya ngunit sa ginawa kong iyon ay lalo lamang siyang nagdamdam at hindi na napigilan pa ang pagsabog ng emosyon.Naglandas ang masasaganang luha sa magkabilang pisngi niya habang kagat-kagat ang labi upang subukan itong pigilan ngunit nananatili pa ring nakatutok sa harapan ang kanyang mga mata, hinihintay ang susunod na mangyayari, hinihintay ang susunod na gagawin ni Jhay.

Tumingin ako sa harapan kung saan naka-pwesto ang mga magkakaibigang lalaki at katulad namin ay mababakas sa mga reaksyon nila ang pagkalito,pagkagulat at pagkabahala lalo na si Jhay na natulala at mukhang napagdugsung-dugsong na ang mga kakaibang nangyayari kanina pa.Halos maging kulay papel ang kanyang mukha dahil sa pagka-putla. Alam kong kahit sila ay hindi i-enexpect ang bagay na ito.

Sa gitna ng kaguluhan sa mga isip namin ay hindi sinasadyang natuon naman ang paningin ko sa isang lalaking katabi ni Migz, bagaman nakaupo ng tuwid ay mahahalata naman ang bahagyang pagkayuko nito at tulala ring nakatitig sa ibaba.Nagbubukod-tanging tahimik bukod kay Jhay hindi katulad ng mga kasama ng mga ito na panay ang baling ng ulo sa isa't-isa at nagtatanong gamit ang mga mata kung ano bang nangyayari.Halatang pilit na itinatago at pinipigilan ang emosyon.

   Aaah Gad! Si Janus.

Lalo pang nadagdagan ang pagkabahala ko nang wala pang ilang segundo ay bigla siyang tumayo saka walang paalam na naglakad paalis, nagtayuan ang mga katabi nito at nag-aalalang sinundan siya ng tingin. Walang sumubok na pigilan siya.Malalaki ang mga hakbang na ginawa nito at nang napadaan ito sa direksyon namin ay malinaw na nakita ko ang pinaghalong sakit at galit sa kanyang mga mata, nakayukom ang kanyang mga kamao, walang pakialam sa iisipin ng nakakakita.Isang Janus iyon na ngayon ko lang nakitang tumalim ang mga mata dahil sa matinding sama ng loob. Nang mawala ito sa paningin ko ay si Cassie naman ang tumayo pahid-pahid ang luha at kinuha ang bag.Nagmamadali itong naglakad palayo nang walang paalam. Nagpanic na ako.

"Cassie wait!"
    tawag ko sa kaibigan ko para pigilan siya at nang sa ganun ay mabilis kong mahabol.Medyo napalakas nga lang ang sigaw ko kaya't narinig ng ilan kabilang na ang mga nasa harapan.Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling hinabol si Cassie palabas.Sandali pa akong natigilan nang makita kong biglang tumayo si Jhay sa kinauupuan at nanlalaki ang mga mata na sinundan ng tingin ang palayong kasintahan.Akma na sana niya itong susundan nang may lumapit na dalawang hindi kilalang lalaki na parehong nakasuot ng itim na uniform at pinigilan siya sa pag-alis.Hindi ko na hinintay pa ang sumunod na nangyari dahil nagmamadaling naglakad na ako palabas bago pa man tuluyang makaalis ang kaibigan ko.

Kailangan ko siyang pakalmahin, nag-aalala kasi ako na baka magpakalunod na naman iyon sa alak at makita ko na lang na natutulog sa mga eskinita at magkakanta na parang baliw sa lansangan.Kung ano-ano kasing kababalaghan ang nagagawa n'on kapag nakainom ng marami. Kung hindi nanghaharang ng mga sasakyan sa daan, ay nagtatanggal naman siya ng sapatos sa katabing kalsada at uupo na parang nasa bahay at magbibilang ng mga bituin sa itaas.

A Wife's Infinite Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon