KABANATA 11

39.7K 948 7
                                    

 CHAPTER 11: GETTING CLOSER TOGETHER

NAGISING siyang mag-isa sa kama. Nakailang unat pa siya bago tuluyang bumangon. Alam niyang gabi na dahil naka-on na ang ilaw sa loob ng silid. Isa lamang iyong maliit na bombilya na kulay dilaw ang liwanag at hindi din gaano kalakas ang binibigay na liwanang nito. Mang Dencio told them na generator ang gamit ng buong purok dahil hindi pa natapos ang pagkabit ng linya ng kuryent sa kanilang lugar maliban sa baryo na medyo malayo pa ang lakaran mula dito.

Tinatamad man ay sinubukan niyang igalaw ang mga kasu-kasuhan. Para siyang binugbog sa bigat at sakit ng kanyang katawan dahil sa ilang oras na lakaran kahapon. Lumabas siya at naririnig niya ang boses nila Mang Dencio sa kusina, kasama si Callix.

"Nagluluto pa ang dalawa ng hapunan pagkatapos nilang mamili ng isda sa Barrio. Maupo ka muna." Lumitaw mula sa labas si Aling Ame dala ang hiniwang mga prutas.

"Ganoon po ba. Tulungan ko na po kayo."

Inalalayan niya si Aling Ame papunta sa kusina. Kinuha niya ang iba pang hawak nitong plato.

"Oh, Callix, gising na si Gia. Luto na ba ang hapunan natin?" Tanong ni Aling Ame.

"Ito malapit na." Sagot ni Mang Dencio sa asawa.

Pagkatapos niyang ilapag ang plato na naglalaman ng hiwang hinog ng mangga sa mesa ay saka niya ibinaling ang atensyon sa masayang nag-uusap. Pinaupo siya ni Callix sa tabi nito at hinimas ang kanyang pisngi, he was trying to be intimate, she could sense that. Alam niyang kasama iyon sa kanilang pagpapanggap. She smiled lightly, avoiding his stares at kunwari ay masaya siya.

"How's your sleep?" Callix asked her sweetly. At the back of her mind, alam niyang pinapanindigan lang nito ang kanilang pagpapanggap as a couple.

"Nakapagpahinga din sa wakas." She responded. Naaamoy na niya ang pritong isda at ang sabaw na gawa nito at mas lalo siyang nagugutom sa amoy ng pagkain.

"Naku, Gia, buti at hindi ka hinika. Nasabi sa akin ni Callix na hikain ka at mahigit anim na oras kayong naglakad sa kabukiran bago makarating dito sa Sitio Dalasigan." Si Mang Dencio.

"Hindi naman po. Binuhat naman po ako ni Callix sa kanyang likuran kaya kahit papa'no po ay nakaraos ako at hindi inatake ng hika." Napatingin siya kay Callix at biglang sumikdo ng kaba ang kanyang dibdib nang magtagpo ang kanilang mga mata. He has those intense dark brown eyes na nangungusap at nagbibigay ng kakaibang feeling sa kanyang tiyan na wari hinahalukay.

She couldn't explain the exact feeling.

Ito na siguro ang sinasabi ng mga fictional books na nababasa niya tungkold sa 'love' or 'attraction'na parang may paru-paro sa loob ng tiyan dahil feeling niya hinahalukay ito kasabay ang malakas na pintig ng puso.

"Ayan ang tunay na lalaki! Hindi pinababayaan ang minamahal." Proud na puna ni Mang Dencio sabay tapik sa balikat ni Callix. He chuckled, agreeing of the compliment. She bit her lip silently.

Kung alam lamang ng mga ito ang totoo.

Nag-uumpisa na silang kumain. Mas lalong sumasaya ang hapag kainan dahil sa mga biro ni Mang Dencio at mga pangyayari sa buhay na may kapulutan ng aral. Sumasabay din naman si Callix, kahit hindi ito nakaka-relate sa antas ng pamumuhay ng mga tao dito. Marunong ito makibagay.

"Bakit hindi niyo naisipang magpakasal? Nasa tamang edad naman kayo at tapos na sa pag-aaral." Tanong ni Aling Ame. "Mahirap ang pagsasama walang blessing." Dugtong nito. She maybe thought that they were living together without the benefit of marriage.

She understands it. People here are traditional. Kaya natural lamang sabihin nito ang bagay na iyon. Saglit silang nagkatinginan ni Callix.

"I was going to proposed her to marry me, right in front of her family, kaya lang nastranded po kami sa byahe pauwi." Callix answered na animo'y sincere. Gusto niyang sipain ito sa galing gumawa ng senaryo.

Love and MemoriesWhere stories live. Discover now