XLI

4 1 0
                                    

-*-

Ang sarap pala sa pakiramdam na magiging vocal ulit sa ‘yo ‘yong dati mong kababata na ngayon ay halos hindi mo na nakakausap—naranasan ko kasi.

Noon, limang taon pa laang siguro ako no’n, may kuya ako na tatlo o apat na taon lang ang agwat ng edad sa akin. Gabi-gabi kaming pumupunta noon sa kanila kasi magkumare ang mga ina namin. Ang dami niyang laruan, sobra. Pero alam n’yo... hindi ako noon nakaramdam ng inggit sa sobrang dami niyang laruan kasi sobrang welcome kami sa kanila. Halos lahat ng laruan niya, kahit iyong pinakamamahalin, pinapahiram niya sa akin. Halos magkapatid na ang turingan na namin sa isa’t isa... at halos sanggang-dikit na rin kami. Dahil do’n, nawili ako sa kanila at halos gabi-gabi ko nang ayain si inay papunta sa kanila.

Pero lumilipas ang oras, e. Sa pagtanda namin ng kuya ko, unti-unting umunti ang pagkakataon na nagkikita at nagkakalaro kami... hanggang ngayong teenager na kami pareho. Halos hindi na kami nag-uusap, halos hindi na namin pansinin ang isa’t isa kapag nagkakasalubong kami kasi magkaibang-magkaiba na kami. Siya, hilig niya ang basketball, samantalang ako, mas pipiliin ko pang matulog kaysa lumabas ng bahay—sobrang magkalayo ng mga bagay na hilig namin gawin, hindi gaya dati na magkasabay kaming naglalaro ng maliliit niyang kotse... ‘yong mga holens niya...

Hanggang sa tuluyan ko na lang din na nakalimutan ‘yong pinagsamahan namin. Kasi sa utak ko, “noon lang ‘yon, hindi ngayon.” Hindi naman naging ganoong kabigat kasi bata pa ako noon.

Tapos nang makainuman ko siya, muli kaming nagkausap—ngayon na magkaiba na kami, na iba na kami—hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi ko inaasahan na hindi niya pa pala ako nakakalimutan... at kung gaano niya pinapahalagahan ang mga alaala namin na hindi na namin muling mauulit.

“A lot of things will change... but the precious memories and the way you make other people happy, those will never be forgotten.” —KER

-*-

xeej saysWhere stories live. Discover now