Chapter 1

26 6 2
                                    

Locked

"Faith, is it possible na magkatutuo ang isang panaginip?" I asked my cousin habang naglalakad kami patungong eskwelahan.

"Naku! Malabo 'yan, Nikki!" She keeps on shaking her head. "Sabi kasi nila na kabaliktaran daw ang resulta ng mga napapanaginipan natin," she continued.

Natahimik ako ng marinig ko ang sinabi ng pinsan ko..
Sino ba kasi 'yung lalaking 'yun? Bakit parang sobrang komportable ako sa mga bisig niya? Hindi ko rin maalis sa isip ko ang halimuyak niya. Siguro nga dapat ko na siyang kalimutan.. Baka bunga lang 'yun ng kababasa ko ng Wattpad!

As usual, late na naman kaming dumating sa school ni Faith. Nagstart na ang unang klase namin which is Chemistry 9.

"Nikki, ikaw na m-mauna.. Mukhang wala sa mood si Cher Genesa," nauutal na bulong ni Faith sa'kin.

"Oh, ba't ako?" Angal ko naman dahil takot rin ako sa Chemistry teacher namin.

"Ikaw kaya dahilan kaya na-late tayo! Kaya ikaw na mauna! Sige naaa!" Sabay tulak niya sa'kin. Napatingin tuloy sa amin si Cher Genesa.

"What are you two still doing outside? Get in. You're distracting your classmates," kalmado ngunit nakakapanindig balahibong usal ni Cher Genesa.

Dali-dali kaming pumasok sa classroom. Papunta na sana ako sa aking upuan ng natanaw 'kong may nakaupo doon. Kunot noo akong nagpatuloy..

Sino naman 'tu? Transferee?

"Hey!" I greeted. "That's my chair," I continued while plastering a fake smile on my face.

"And so?" He replied with eyebrows crossed.

Sungit naman ng isang 'tu.. 'kala mo naman 'di baguhan.

"And so? Edi chupi! Upuan ko 'yan eh!" Nakakainis naman 'tung lalaking ito. Akala mo naman kung sinong gwapo!

"I don't f*ckin' care. I sit here first so it's mine now," he said while looking straight to my eyes with a smirk on my face.

"How gentleman! Tsk.." I replied while rolling my eyes. Kainisss! Saan naman kaya ako uupo nito?!

"Yes, Miss Diaz? Do you need anything?" Cher Genesa asked.

"Ahm-- Cher Gen.. 'yung upuan ko po k-kasi.." I paused while pointing at the rude guy sitting in my chair.

"Oh, I get it! Miss Diaz, dahil ikaw naman ang nakakaalam where the Faculty Room is, ikaw na kumuha ng isa pang chair, tsaka late ka rin so go.." Striktong sambit ni Cher Genesa kaya hindi na ako umangal pa.

Pairap akong lumabas ng room para sundin ang inutos ni Cher Genesa. Duh?! Babae here! 'Yun sanang masungit na lalaking 'yun ang inutusan niya. Kainisss!

"Good morning talaga to me!" Note the sarcasm.

"Hey, Miss Diaz! Wait up!" Lumingon ako upang makita kung sinong englisherong nilalang ang tumawag sa napakaganda kong apelyido.

"Oh? Anong kailangan mo? Tsaka don't english-english me, huh?! Naiirita ako sa'yo!" Kulang na lang ay sumigaw ako sa iritasyon ko sa lalaking 'to.

"Easy, Missy! I'm just here to help you out. I'll carry the chair," may kunting ngiti sa labing sambit niya.

May kabaitan din naman pala 'tong masungit na 'to. Pero syempre kahit na natuwa ako ng kunti sa tinuran niya ay inirapan ko pa rin siya. Baka akala ng lalaking 'to nakalimutan ko na ang pagsusungit niya kanina!

Walang imik na nagpatuloy ako sa paglalakad matungong Faculty Room.

Nang makarating ay isa-isa kong binati ang mga gurong naroroon.

"Good morning, Ma'am and Sir!" I greet them with a smile plastered on my pretty face. Di joke lang! Nevermind the word 'pretty. Ba't ambilis nagbago ng mood ko? Err..

"Good morning, Nikkhola!" Mr. Fernandez replied.

"Good morning! What are you doing here, Miss Diaz?" My previous adviser asked.

"Cher Ruth, kukuha po sana kami ng isang upuan. May new transferee po kasi sa section namin."

Napabaling siya ng tingin sa kasama ko. "You must be the transferee? What's your name?" Tanong ni Cher Ruth sa masungit na lalaking kasama ko.

"Rayven Forester po, Miss Ruth." He replied.

"Mabuti naman at sumama ka, mabigat ang upuan. For sure, 'di mabubuhat mag-isa 'to ni Nikkhola." Sabi ni Mr. Fernandez.

"Nandoon sa Storage Room ang mga upuan. Pasok lang kayo doon." Ani naman ni Cher Ruth.

Nginitian ko muna sila bago tumungo sa Storage Room.

"Malayo pa ba?" Rayven asked.

"Nagtatagalog ka pala? Nakakagulat naman!" Exaggerated kong sambit, maypa-takip pa ako ng bibig para inisin siya.

"Of course, my mother is a Filipina after all!" Parang hindi man lang siya nainis.

"So half-American ka lang?" I asked with curiosity.

"Sort of. But I also have a Spanish blood." Sagot niya.

"Talaga? Same pala tayo! Ang mother ng mother ko, siya talaga 'yong Spanish. Napadpad siya dito sa Pilipinas para magtayo sana ng negosyo. Pero malas din niya kasi nasalisihan siya ng mga magnanakaw. Buti na lang, noong panahong walang wala siya ay nakita siya ni Lolo ko. Tinulungan siya at dinala sa sariling bahay na naipundar ni Lolo. Sa sobrang kabaitan na ipinakita ni Lolo, nabihag nga niya ang puso ni Lola. Hanggang sa ipinanganak si Mama ko. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Papa mo at nabuo ang napakagandang si ako!" Proud na sabi ko sa kanya. Paglingon ko sa kanya'y nakatitig lang siya sa akin.

"Hoy, lalaki! Ba't wala kang imik d'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"You're so talkative, Nikkhola!" He tsked.

"Hoy! Sinong may sabi sa'yong pwede mo akong tawagin sa first name ko, huh?!"

"Why not? Nikkhola sounds sexy.. thou, the owner isn't." He smirked while looking straight to my eyes.

Doon ko napansing kulay abo pala ang kulay ng mga mata niya.

"Anong the owner isn't?! Ang sexy ko kaya.. maganda pa! Tsaka, look at you! Kung makapagsalita ka akala mo kung sinong gwapo, che!"

Tinalikuran ko siya sabay bukas sa pinto ng Storage Room. Akmang bubuhatin ko na ang upuang nasa harapan ko ng kinuha ito ni Rayven.

"Ako na.." I just rolled my eyes.

"Bilisan mo d'yan. Baka patapos na yung klase." Suplada kong sabi sa kanya before grabbing the door knob.

"Uy, bakit ayaw mabuksan?" Worry is now visible on my face.

"Lemme handle this." Sabi ni Reyven sabay pihit sa door knob pero walang nangyari.

He looked at me with the same worried face.

"I think w-we're.. locked.."

|Moonlight|



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JUST A DREAMWhere stories live. Discover now