Melody 4

1 0 0
                                    

Enjoy Reading(つ≧▽≦)つ

-----

Chapter 4

Rayne's Point Of View

So andito nga kami ni Dale sa sulok ng music room, ewan ko ba dito sa lalaking 'to.

Supposedly, hindi ko dapat siya partner kung hindi dahil sa nakakatakot niyang mukha. Sa sobrang bastos ba naman na hilain ako na parang gamit, buti na lang at madulas yung floor kung hindi natalisod na ako.

Yung iba parang papatayin na ako sa titig tapos yung iba kinikilig.

Nakaharap lang ako sa piano at kunwari tumitipa dahil ayoko talagang tumingin sa lalaking 'to, parang nagangain saka nakakahiya yung ginawa niya...hilahin ka ba nan na parang batang paslit.

Habang siya naman at may kung anu-anong iniikot sa gitara niya, siyempre pasulyap-sulyap ako minsan.

"Why can't you just face here? Hmm? This is activity is by pair, just so you know."

"N-Nagpa-practice lang ako ng ivi-video natin." Shuta bakit ba ako kinakabahan.

"We haven't pick any songs yet." Oo nga naman, psh!

Relax ka lang kasi Rayne, baka puwede namang pakisamahan itong lalaking ito ng maayos. Unti-unti akong lumingon sa direksiyon niya without looking at him.

Napapansin ko naman panaka-nakang tumitingin yung ibang mga member amin. Kinikilig kapag nakatingin kay Dale tapos kapag sa akin parang balak akong i-ambush mamaya.

"Hi!!!" Bati sa akin ni Pia, ang energetic.

"Um hi Pia..."

"Uy, ang suwerte mo naman, partner mo pa si Dale hihihi." saad nito sabay upo sa katabing upuan.

"Kung puwede lang ikaw ipalit ko dito eh, bakit ba patay na patay kayo sa kaniya?"

"Ito naman parang hindi ka naman nagu-guwapuhan sa kaniya."

"Hindi ah...hindi naman pogi eh."

Kita ko naman sa peripheral vision ko na bahagyang napalingon ito sa amin, hahaha pangit.

"Kung sakali mang may spark, automatic ako ang president ng magiging fansvlub niyo kikiki."

Picturing him and me magkahawak kamay sa hallways tapos nagtitigan at nagbabatuhan ng corny na jokes at punchlines, ew.

"Oh siya, puntahan ko na yung partner ko."

Biglang inabot sa akin ni Dale yung black na paper bag, ano naman ito? Close ba kami?

"Ano yan?"

"Yan yung kapalit ng cellphone mong...outdated." Napakabastos pala talaga ng lalaking 'to.

"Nakasira ka na nga, nanlalait ka pa at least i know how to take care of my things kaya nagtatagal talaga...akin na nga!" Kinuha ko naman agad iyon saka tinignan ko sa loob, nanlaki naman agad ng mga mata ko.

Ayt! Iphone 11 Pro Max, nararamdaman ko pang nanginginig kamay ko habang hawak yung box.

Agad kong binaba yung box sa tabi niya, like what? Hindi ako maarte pero ayoko lang talaga na nakakahawak ng mga mamahaling bagay.

"Ano to?! Ha?!"

"Cellphone? I guess?"

"Alam ko, pero bakit ganito? Ang mahal nito oh!"

"Aarte ka pa eh ako na nagbigay sa'yo."

"Ano ibig mong sabihin?"

"Wala...bahala ka kung gusto mo itapon edi go, kaya kong bumili ng maraming ganiyan." Mayaman pala siya tapos bibigyan LANG ako ng ganitong cellphone, parang nagmumukha tuloy akong 'gold digger' dahil na rin sa mga titig nung mga babae sa akin. Siyempre kitang-kita nila ang ginagawa namin kahit na nasa kasuluk-sulukan kami.

Binuksan ko na lang yung box at heto nga ako nakahawak na ng Iphone, grabe! Nakikita ko lang mga hollywood celebrities na may ganitong phone tapos ngayon may hawak na ako.

"Bunganga mo." Agad ko naman naitikom bibig ko at saka inirapan ito, napanguso na lang ako dahil hindi ko maililipat yung mga files ko sa dati kong phone/(⇀‸↼‶)\.

Kahit nangitim ng bahagya yung screen ng phone, puwede ko pang makuha pero yun nga, Iphone ito eh. Di naman compatible IOS sa Android.

"Nginunguso-nguso mo diyan? O eto yung kanta na i vi-video natin, halikan ko yang bibig mo eh."-Dale

"Narinig ko yun."sabi ko

"N-Narinig mo?" Biglang nagkaroon ng kaba yung expression niya, sa wakas nagbago din expression ng mukha niya.

Hindi ko naman talaga narinig ko yung sinabi niya binibiro ko lang haha pero ano ba yung sinabi niya? Hindi ko narinig eh.

"Joke lang, ano ba yung sinabi mo?" tanong ko ulit

"Wala." Inabot niya sa akin yung phone na niya parehas din ng binigay niya sa akin. Psh! Mayaman nga naman, di na lang ipamigay sa mahihirap yung pera nila.

Charot.

Nawawala na ang inis ko dahil sa cellphone, ngayon naman naiinis ako sa inaasta niya.

"Meron na ang kantang iyan sa cellphone mo, nilagyan ko ng ilang kanta yan." Saad nito.

"Paano mo naman alam ba may gagawing ganitong activity? Advance?"

"I've been here in Music Club for years, we always do this activity. Technically, i'm your senior here." Psh! Whatever, senior-senior, ulol! Wala ka sa Thailand, baka senior citizen siya, kinuha ko yung headset sa box niya pero bakit ganun? Walang wire.

"Anong headset 'to? Walang wire? Bibilhan pa ba ng wire to?"

"Bluetooth yan." Sinubukan kong hanapin yung buttons, switch or whatsoev0er nito pero hindi ko alam, ano bang klaseng gadget ito.

Medyo natagalan ako sa pagkukumpuni nito at hindi ko parin naaayos.

"Tss, eto na lang muna sa akin ang gamitin natin, nagsasayang ka ng oras eh." Pagalit na saad nito

"Ba't ba ang sungit mo?" Hindi ito sumagot, kinuha niya yung headset niya na kagaya rin ng sa akin, saka nilagay sa tenga ko. Parang nakuryente pa balat ko ng dumikit sa akin yung kamay niya.

At nagsimula ng mag-play yung music, acoustic version siya ng 'Huling Sayaw' by Kamikazee with the accompaniment of guitar at may piano nga.

Narinig ko naman na sinasabayan ni Dale ng gitara yung kanta, galing niya oh. Yung iniisa-isa niya yung mga string pero 'di ko alam kung ano tawag dun sa ginagawa niys. Para akong ignorante dito, piano lang kasi ang kaya kong gamitin.

Ngunit nahuli kong nakatingin din pala siya sa akin, nailang ako bigla. Tumingin lang ako sa kaniya but he's still looking at me.

"T-Tinitingin-tingin mo diyan, tusukin ko yang mata mo eh." Yumuko na lang ako hanggang sa matapos yung kanta, nakakainis itong lalaking ito. Ilang minuto pa ay tinanong ko siya.

"Bakit ako pa pinili ng mong partner? Kung laser lang yung mga mata nila malamang gutay-gutay at butas na ako ngayon."

"Gusto kita eh..." Nanalaytay ang katahimikan sa aming pagitan nang sabihin niya iyon, wala pa akong makitang anumang reaksiyon sa mukha niya.

Silence

"Lol." Hindi ko alam pero parang may double meaning yun eh or naga-assume lang ako?

-----

Okay so pabebe si Rayne! Haha. So, nagustuhan niyo ba? Leave a comment or suggestions (ノ◕ヮ◕)ノ*.✧

Bilis din magpalit ng mood at personality si Dale haha. Affected na siya ng charm ni Rayne.

-TheSoulSiren_06

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mellow[BXB](Ongoing)Where stories live. Discover now