.

86 2 1
                                    

Meron naman talagang tayo, pinaglaruan lamang tayo ng oras kaya nabuwag ang pangakong hinawakan ko.

Ilan taon na akong narito sa lugar na hinding hindi niya makikita kahit kailan. Andito lamang ako sa sulok nanunood habang nagpeperform siya. Andito lamang ako para sa kanya. Pero hindi ko magawang magpakita kasi natatakot ako. Natatakot akong itaboy niya ako, isumbat ang pagkakamali ko. Ilang taon na rin ang nakakaraan simula ng mga panahong iniwan ko siya dahil pinagpatuloy ko ang pangarap ko sa ibang bansa.

Akala ko noon magwowork ang LDR pero nawala na rin ako kami ng connection ng isa’t isa ng lumipat kami bigla ni Mama kasi namatay si Papa. Binawalan na rin niya muna akong makipag-usap sa mga taong nasa Pinas. Kailangan ko munang makapagtapos para pagbalik ko, hindi na ako aapihin ng mga tita ko dito sa Pinas na siyang sumisisi kay mama na dahil daw sa kanya namatay ito.

Nagsumikap ako. Nagtiis. Hanggang sa ilang taon akong pinupuri, pinapasalamatan, hinahanggaan dito sa London. Lahat ng iyon, masaya kong tinanggap. Pero hindi pa rin ako masaya.


May isa akong babaeng iniwan mula sa kawalan. Babaeng kinahon ko sa mundo ko at hindi man lang sinabihang kalimutan na lamang ako dahil sa ginawa ko. Dahil binali ko ang pangakong babalik ako.


Ilang taon iyon. Sabi ko, babalik ako. Pero antagal. Kaya nahihiya na akong humarap sa kanya. Nahihiya na akong kausapin siya. At kahit nasa harapan ko na siya, ayaw kong kumilos para mapalapit sa kanya dahil natatakot ako.

The guitar started to make a sounds. And now I am now standing from nowhere. Watching him peacefully.

She started to sing her signatured song. “Promise”.

Wala pa rin siyang pinagbago. Nagbago man ang kanyang porma at lasa ng pananamit, siya pa rin iyong Yanelle na kilala ko. Siya pa rin iyong babaeng mahal na mahal ko.

“Ang galing talaga niya no.” Napatingin ako sa lalaking isa rin sa mga nakatingin sa kanya. Napakunot noo ako. Nakita ko sa lalaking iyon ang saya, hindi lamang sa pinapakinggan niya si Yanelle na kumakanta kundi iba iyong ngiti niya. Ngiting parang walang mapapalitan nino man.

“Oo,” Mahina ko lamang na sagot.


“Avid fan ka ba?” Sabay tingin ng lalaki sa akin.

“Ako? Medyo.” Sagot ko. Naghihintay ako na hindi na lamang niya ako kausapin kasi hindi naman talaga ako interesado sa kanya pero nadistract talaga ako sa kanya kasi iba iyong tingin niya kay Yanelle.

Nagpatuloy pa rin ang rythm ng boses ni Yanelle sa buong paligid. Habang nag-uusap kami ng lalaking ito.

“Ikaw? Avid fan ka ba niya?”  Hindi ko mapigilang hindi magtanong.

“Oo, sa sobrang fan ko sa kanya. Hindi lamang ang pagkanta niya ang bumihag sa akin. Kundi pati din ang pagmamahal niya nabihag ako.” Napakunot ako. Bukod sa ang corny niya, nakakaasar pa siya anong ibig nitong sabihin?

“I’m officially engaged to her. Kaya nga ang saya eh. Kasi sa libong babaeng narito sa mundo, at daang taong nakilala ko siya ang babaeng masasabi kong sasamahan ko habang buhay.” Parang yumanig ang kinakatayuhan ko ng mga panahon na iyon. Anong sinasabi niya? Anong engaged ang sinasabi niya?

“Kayo ni Yanelle?” Napakunot noo siya. At hindi ko rin mapigilang umiba ng tono.

“You know her real name? Eh hindi naman niya sinasabi ang true name niya sa publiko.” Napahinto ako. Pero hindi ko rin mapigilan. Bakit ganito kalupit si Universe sa akin? Anong nagawa kong kasalanan sa kanya? Dahil lang ba sa naputol kong pangako eh ganito na ang pinalit niya sa akin? Bakit hindi man lang niya ako binigyan ng chance? Ang lupit ng universe.

What about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon