Chapter 6

16 2 0
                                    

DUSTIN'S POV

Nung tumakbo si Kath palayo sakin nung sinorpresa ko sya, hindi ko alam yung dapat kong maramdaman. Rejection ba yun? Kasi naman parang ang sakit sa pride ko yun. Gusto ko sya. At gusto ko din syang mapasaya.

'Dustin baka naman kinilig kaya nagtatakbo'

'Oh baka nagmamadali bumalik sa classroom kasi bell na'

Pilit kong kinakausap yung sarili ko. Pinipilit ko ding maging positive.

Umakyat na ko para pumasok ng room. Bitbit ko pa din yung flowers na binitawan nya. Namamag asang makikita ko si Kath dun.. pero wala.

Unti unting natutunaw yung pag asa ko at pinanghihinaan na din ako ng loob. Wala din si Cheska kaya wala talaga akong ideya kung nasan si Kath.

*****
CHESKA'S POV

I saw Kathrina hiding on the wall.

I looked at her. And then look away. Ayoko pa syang kausapin. Hindi ako galit. Wala naman akong magagawa kung sya ang gusto ni Dustin at hindi ako. Nahurt lang siguro ako ng konti. Kasi bakit si Kathrina pa? *sigh*

Pumasok na din ako sa next subject ko. Kasi naman tong si Lorenz pinilit din akong pumasok kasi magkaklase kami. Ayaw daw nya kong iwan mag isa dito kasi baka umiyak lang ako ulit. Sweet? Duhh. Kaya lang naman nya ko pinapasok kasi wala daw syang mapagtitripan pag boring ang prof. Tshh.

" CHESKAAAAAAAAA!" Ano ba naman to. Kalaki laking tao sumisigaw?

"Bakit ba? Kailangan nakasigaw?!" Bwisit na bwisit kong tanong kay Lorenz.

"Wala lang" oh kita mo yan! Lakas mang asar!

Hindi ko na sya pinansin. Dinukduk ko nalang yung mukha ko sa table ko. Nakakaantok pala talaga pag bagong iyak no? Inaantok kasi ak---- ZzZzzzzzZzzz

*poke^poke* *sundut^sundut*

"Hmmmm. Tuloggg"

*poke.poke.poke*

WTF! Antok na antok akong inangat yung ulo ko. Babatukan ko na sana yung gumigising sakin kaso prof ko pala! Hahaha

"Iha, skwelahan ito hindi bahay mo" sabi nung prof kong lalaki. Bago lang ata to. Hindi ko kilala e.

"School is my second home" plain kong sabi.

"But you are here to study not to sleep" mahinahon nya pa ding sabi.

"Fine! Teach what you want to teach!" Nginitian nya lang ako. Ang bait naman nito. Binastos na nakangiti pa din

"Pati ba naman si Sir RudyRick sinusungitan mo" pabulong na sabi ni Lorenz saakin.

What??? Rudirik? Hahahahahaha punyeta bisaya pala tong Lorenz na to eh. I like him na. Hahaha ---to be my friend.

"Hahahahhaha! Bisaya ka pala Lorenz? Ugh! Hahaha"

"What is it this time Ms. Carbonel?!" Uh-oh pikon na si Rudirik

Huminga sya ng malalim tapos ngumiti ulit. Huh? May sayad ba to? Galit tapos biglang ngingiti? Creepy!

"Ms. Carbonel and Mr. Laurente. Go out." Mahinahon pa din sya habang sinasabi nya yun.

"Aishh" sabi ni Lorenz saka kinuha yung bag nya at lumabas.

Sumunod na din naman ako.

"Ingay mo kasi e. Tawa ka ng tawa wala namang nakakatawa. Pati tuloy ako napalabas" Reklamo ni Lorenz. Ang arte -_-

"Bisaya ka kasi. Hahaha. Natawa lang ako. Rudirik kamo e. Diba Roderick dapat. Hahaha" natatawa pa din talaga ko nung sinasabi ko yun

"-_____- tanga ka din e. RudyRick nga. Rudy - Rick." Inispell pa nya. Haha pahiya pala ko! Nakakatawa kasi :D

"Saka pano ko magiging bisaya e Chinese ako -_-" Oh halata nga kaya sya singkit. Tumango tango nalang ako hanggang nakarating kami sa cafeteria.

Umorder lang ako ng carbonara at saka tropicana. Sya hindi ko alam kung anong ulam yun. Nagkanin sya e. Meryenda? Kanin? Iba din trip neto e. Lakas kumain hindi naman tumataba.

"Pero bakit pala mukhang hindi galit si Sir RudyRick kanina?" Sabi ko bago sumubo ng pasta.

"May sakit kasi sya sa puso kaya hanggang kaya nya magpigil ginagawa nya." Owww. Kaya pala. Ayoko naman ng dahil sakin atakihin sya. Tss!

"Kaya wag mo ng uulitin yun ha?" Para syang tatay maglecture sakin. Haha di nga ko ginaganyan ng tatay ko e. Tshh

Kumain nalang kami. Nung paglabas namin ng cafeteria nandun si Kath. Hinihintay ako. Dumiretso lang ako ng lakad.

"Faith.. Can we talk?" Ganyan yan kapag seryoso at magkagalit kami. Faith ang tawag sakin..

"Not now Kath. Sa bahay nalang" tapos umalis na ko.

"Oy kawawa naman yung bestfriend mo. Ayaw mo kausapin. Kala ko ba di ka galit?" Eh?? Andito pa pala tong asungot nato? Sino pa edi si Lorenz

"Hindi nga. Diba pwedeng tinatamad lang ako? Kakausapin ko yun. Bestfriend ko yun eh." Natahimik sya. Haha buti naman

**FASTFORWARD**

Pagkauwi ng bahay dumiretso nako ng kwarto ko. Tapos nagbihis at tumalon sa kama ko. Nakakapagooooddd ~

*tok.tok*

Eh? Si Kath to. Malamang sya lang kasama ko sa bahay.

"Tuloy.." kunwari nagbabasa ko. Haha

"Busy kaba? Pwede ba tayong mag usap?" Sabi ni Kath.

"Oo busy ako. May quiz kami bukas pero sige ano ba yang sasabihin mo?" Kunwari lang yun. Hawak ko lang naman yung libro e. Props haha

"Sorry best :(" napangiti naman ako. Si Kath talaga to e. Wala naman syang kasalanan pero nagsosorry pa din sya. O meron? Ewan..

"Hindi ko naman kasi talaga alam yun. Alam mo namang hindi kita kayang trydurin noh. Kung papipiliin ako between you and other guys. Kahit gano pa sila kagwapo ikaw pa din pipiliin ko. At kahit naman makita ko ang tatay ko at papiliin ako ikaw pa din. Magkapatid nga tayo diba." Yeah unbiological sister. :) Di man kami magkapatid na tunay, pero tinuring ko sya na prang kapatid ko na din.

"Tapos ka na?" Hehe pagtitripan ko lang to. Hindi naman talaga ko galit e. Nakakatawa kasi inuuhug uhug na sya haha. Ang bad ko =_= pero promise saglit lang

"Halaaaaa. Kasi naman Cheska eh. Wag na magalit. Huhuhuhu" diko sya pinansin hahaha

Lalabas na sana sya ng kwarto pero bumalik sya para yakapin ako. Sinong makakatiis sa ganto kasweet na nilalang?

"Joke lang Kath! Di ako galit. Hahahahaha hindi naman kita matitiis e. Saka yung sinabi mo na ako ang pipiliin mo over your dad? Mali yun. Kahit dimo pa sya nakikita. Kahit dimo alam kung nasaan sya. Tatay mo pa din yun. Di ka mabubuo kung wala ang sperms nya. Hahaha" niyakap ko na din sya

"Bastos! Hahahaha"

"Natawa ka naman e. Hahaha"

"Sige na. Basta okay na tayo ha?" Tumango naman ako. Tapos nung nasa pinto na sya

"Best, fail ka talaga magsinungaling. Wala kang quiz bukas at hindi ka nagrereview. Libro ko yan e. Recipe? Srsly? Hahahaha Loveyou Che!" Tunginuuuuu oo nga no diko napansin. Ako ata ang napagtripan =_= hahahaha

Ganyan lang kami ni Kath magkatampuhan. Sa pagkakaalala ko ang pinakamatinding pinag awayan namin eh yung inuwi ko yung favorite nyang skirt nung maliit pa kami. Tapos ginawa kong basahan. Luma na kasi. Hahaha. Eh di nya ko pinansin ng 1 week kahit sorry ako ng sorry sakanya nun. 9 year old kami parehas nung time na yun. Tapos nga yun bigay pala ng dad nya yun nung bago sila iniwan. Kaya ingat na ingat sya.

****^****
(A/N: ITO MUNA POOOOOO! BUSY KASI TALAGA KO. LAPIT NA GRADUATION. HUHUHU THIS IS IT! HAHAHAHA. VOTE AND COMMENT NAMAN DYAN PARA GANAHAN MAG UPDATE. PURO SILENT READERS EH. BTW YUNG LAST CHAPTER SUPER HABA NUN SWEAR. NUNG PINUBLISH KO NAGING GANON :( NAPUTOL. HUHU. SIGE. SUPPORT HA? SALAMATS :*)

Not just your ordinary storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon