Sir, I Love You.

1.1K 6 4
                                    

“Bakit ganito ang stereotype ng Teacher-Student relationship?” Inis na inis kong sabi sabay sarado ng laptop ko.

Porket ba may gusto ka sa Prof mo e puro green na ang naiisip mo? I admit I think about that sometimes, but NOT as OFTEN as these perverted female characters! Arghhh.

Tapos puro may X-Rated na magaganap! Argghhh. Love muna bago SEX!!! SEX agad agad e!

Ok, Cherry stop ranting… ang stereotype ay stereotype lamang. Hindi yun laging totoo!

Napabuntong hininga ako at humiga sa kama ko. “Cherry you stupid! Sa dami ng iibigin professor pa? Tanga ka ba? Arggghhhhhhh” Pangaral ko sa sarili ko.

Kahit alam ko namang ‘di ako makikinig sa mismong pangaral ko.

I was about to continue on thinking random things when my phone rang.

“Oh?” pambungad ko.

[“Hoy luka ano nasaan ka na?”] Sabi ng friend ko na kaklase ko sa isang subject

“Nandito, bakit? Anong meron?”

[“Tange ka talaga! Pumunta ka na dito sa bar! May Farewell dinner tayo diba? Di mo ba naaalala?”]

“Ah Shit!” napatalon ako mula sa pagkakahiga at nagmadaling pumasok sa CR.

[“Shit Shit ka ngayon! Dalian mo naghihintay na sa’yo si Sir! Ikaw nalang ang kulang!]

*toot*toot*

Patapos na ang semester kaya naisipan ng klase namin na mag-farewell dinner. Actually ako nga ang nag-initiate nun e. Hindi ko nga lang alam kung bakit ko nakalimutan. Malaki ang chance na dahil din kay Sir, masyadong nadidistract ang katawang lupa ko sa mga ngiti niya. Kaya sisihin si Sir.

Summa Cum Laude. Representative ng *InsertTheNameOfTheBestUniInPH* bilang Exchange Student sa Harvard. Gwapo. Mabait. Joker. Palatawa. Down-to-earth. Single.

Should I say more?

Or should I summarize those characteristics instead?

PERFECT.

‘nuff said? HELL YEAH.

Sayang nga lang nauna siyang ipinanganak ng 5 years sa akin, pero who cares? Definitely not me.

~*~*~*~

Ingay ng bar at amoy ng alak ang sumalubong sa akin.

“Oh Cherry dito!” Sigaw sa akin ni Sir. SHEEET.

“Hi Sir!!!” Tugon ko.

“Upo ka dito sis!” Turo ng friend ko sa upuan sa tabi niya. Kaharap ni Sir.

Sir, I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon