Chapter 3

298 26 9
                                    

Flashback...

Nagmamadali ako ngayon. Mukhang late ako sa unang klase. Dapat talaga hindi ako lumabas kagabi eh. Ugh! Inaantok pa nga ako.

Chineck ko watch ko, its already 7:46am, 8am 1st class ko. Haynako Julie Anne!

Nagmadali nalang ako, third floor pa naman tong room CA3 ng tourism department.

"Shit!" hindi ko namalayan na may nabangga na ako sa kakamadali ko.

"What the!" natapon yung iniinom nya. Buti nalang di ako natapunan.

"Uhm.. Sorry. Nagmamadali kasi ako." hingi ko ng pasensya sa lalakeng nasa harap ko ngayon.

"Tss. Stupid!" galit nyang sabi at pinulot yung bote ng pepsi na natapon. "Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo tss fuck it!" cold nyang sabi at umalis na.

Aba gago! Gwapo sana pero antipatiko! Kainis! Tapos ano daw? Stupid? Ako? Kasalanan ko bang paharang harang sya. Bwesit!

Nagmamadali akong maglakad na inis na inis sa lalakeng yun. Ang aga aga tapos naiinis ako. Haynako Julie Anne, wag ka na mainis. Bawal bad vibes ngayon.

Pagkarating ko sa room, naghanap agad ako ng bakanteng upuan. Buti nalang wala pang professor. Wew! Di pa ako late.

"Jules! Classmates pala tayo sa Rizal! Ayos!" masayang sabi ni Jess, classmate ko sa isang subject last year.

"May dean's list pala tayo dito!" tuwang tuwang sabi naman ni Jerome, kasama sa varsity ng tourism dept.

Napailing nalang ako sa kanila. Well, kilala ako sa department namin because since 1st year 1st sem, ako na pambato ng tourism sa intrams and even sa mga events ng school. Nasanay na din ako sa atensyon na binibigay ng schoolmates ko. Wala din naman kasi akong pake. Basta ang importante sakin makapagtapos.

"Good morning CA3 class!" Miss De Campo greeted.

"Good morning miss!" bati naman naming lahat sa kanya.

"Okay, let's start our class with a prayer." sabi nya and she leaded the prayer.

After ng prayer, pinaupo nya kami and nagstart magcheck ng attendance.

"Uhm, good morning." narinig kong sabi ng boses na galing sa entrance door ng room.

"Mr. Magalona, you have Rizal?" Miss De Campo asked.

"Yes." tamad na sagot naman nung lalake.

"Okay, get in. Next time, don't be late in my class." sabi ni Ms. De Campo sa kanya.

Pumasok naman yung lalake sa room. Napatingin ako sa kanya. What the heck?! Yung bwesit na lalake kanina?!?!

"Seat beside Ms. San Jose, Mr. Magalona. 2nd column, 3rd row." I heard Ms. De Campo said to him.

Ano daw? Sa tabi ko? Kung minamalas ka nga naman oh! Arrghh!

Deretso lang ang tingin ko sa harap. Ayoko mainis ulit.

"Nice, we're classmates." sabi ng bwesit na lalakeng katabi ko ngayon.

Di ko nalang sya pinansin. Walang ka nice nice dun noh!

"Magalona, Elmo Moses A." Ms. De Campo called.

"Tss. Present!" masungit nyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya. So, Elmo Moses pangalan nya? Pfff. Di bagay sa kanya pangalan nya.

"Stop staring at me, Miss." mahina nya puna sakin.

This TimeWhere stories live. Discover now