Chapter 8

140 3 0
                                    

Heaven  Pearl Suarez's POV

Maaga akong nagising dahil sa mga katok sa pinto. Agad akong naghilamos saka napatingin sa sulat sa may lamp shade.

'Ey I have to go so you can prepare for our photoshoot' yan ang nakalagay sa sticky note. Nilukot ko na ito at binasura.

Tumungo ako sa kwarto at bumungad sakin si Gia at karen.

"H! Kami na ang magaayos sayo for today's photoshoot" salita ni Gia. Tumango ako at pinapasok sila. Since noon pa ay silang dalawa naman talaga ang nagaayos sakin tuwing may occasion dahil passion nila yun. Si gia sa mukha at hairstyle at si karen naman sa manicure and pedicure.

May naghila naman ng mga equipments na mga maids at umalis na rin. Sinara ko na ang pinto.

"Maliligo muna ako" paalam ko at tumungo sa cr at doon naglinis ng katawan. Nagbabad ako sa tubig na may gatas at rosas bago umahon.

Lumabas na ako sa cr nang naka bathrobe at may underwear sa loob.

Umupo ako sa hinandang set nila gia na magiging komportable ako. Nakaharap ako sa malaking salamin na may ilaw at sa baba nito ay maraming mga cosmetics, para namang magagamit ko lahat yan eh hindi rin naman.

Nakaupo naman si karen sa baba habang inaayos ang mga kamay ko. Nag simula narin si gia sa mukha ko bago ang buhok.

"H" tawag ni gia habang inaayusan ako.

"Hmmh?" Tanong ko dahil nakapikit ako.

"Alam mo namang malalapitan mo kami lagi diba?" Tanong nya.

"Yeah of course" sagot ko.

"Pwede mo kaming sabihan H kung may problema ka" paalala ni karen. Ngumiti ako ng tipid.

"H, live daw ang wedding bukas okay lang ba?" Tanong ni gia. Live? Ba't ngayon lang nila sinabi? Well, hindi na dapat ako magtaka dahil minsan narin kaming naglive tuwing may occasion.

"Okay lang, ano pa bang bago? Except sa 'Suarez and Villarosa are now ally after decades of being rivals in business industry' " sagot ko. Natawa naman silang dalawa.

"Oh dilat na. Maglalagay ako ng contact lense ha" utos ni gia kaya dumilat na ako at kinuha na nya ang contact lense. First time ko tong magsuot ng ganito since hindi pa uso ito noon na pwede na pala sa mga malabo ang mata.

Napatitig ako sa salamin at namangha sa resulta ng contact lense. Golden brown na sya ngayon gaya ng kay seb. Nakalight make up na ako at inaayusan na ni gia ang buhok ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Kai na may dalang damit.

"Ito suotin mo H para sa unang shoot" salita ni Kai at nilapag sa kama ang damit. Tumingin sya sakin at namangha sa mukha ko.

"Luhhh ang unfair! Maganda ka na nga, mas gumanda ka pa H!" Sambit nya at lumapit pa sakin at tinignan ang mukha ko. Sumimangot ako sa sinabi nya.

"Binubola nyo naman ako eh" sagot ko. Tumawa naman sya saka tinapiktapik ako sa balikat.

"Ikaw ha. Hanggang ngayon di ka parin naniniwala samin" nagtatampo nyang sagot pero may ngiti parin sa labi.

"Hindi naman kasi kapanipaniwala" sagot ko. Umiling iling sya.

"Bahala ka, kapag nainlove sayo si seb. Maniniwala ka na ba?" Usisa nya. Kumibit balikat ako.

"Ewan. Hindi rin mangyayare yan" sagot ko. Nginiwian nya ako.

"Aysstt bahala ka. Sige alis na ako sasamahan ko silang ayusan si sarah" sagot nya at umalis na ng kwarto.

My Lethal Wife ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon