CHAPTER 7: ARE WE NEW?

11 1 0
                                    

CHAPTER 7: ARE WE NEW?

Ancastophie's POV

Papasok kami ng simbahan nang bigla nalang hinubad ni Bianca ang kaniyang tsinelas bago pumasok

"Ano ba Bianca! Isoot mo nga 'yan!" Hindi mapakaling ani ni Ishie

Habang si Bianca naman ay hindi sumasagot.

Kaya ang ginawa ni Ishie ay kinuha niya ang tsinelas na iniwan ni Bianca, nakakahiya man ay pinag titinginan kami ng mga tao ngayon dahil bitbit ni Ishie ang tsinelas ni Bianca. Hindi lang 'yon, ang bunganga ni Ishie ay hindi niya matakpan dahil gusto niyang sootin ito ni Bianca

Hanggang sa maupo kami sa gitna ay pinag titinginan kami ng mga tao

"Bianca sootin mo na to!"

Wala namang kibo si Bianca. Kahit na nagpatuloy ang mesa ay hindi mapatigil ang bunganga ni Ishie hanggang sa nagpataas ito ng kamay na para bang na sa loob siya ng klase!

Hindi matigil sa pag taas ang kamay ni Ishie na para bang inaantay niya si father na mapansin siya

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa ginagawa niya. Nakakahiya.

At dahil nga hindi ito mapakali..

Nakataas ang kamay na sinabi ni Ishie "FATHER SI BIANCA AYAW NIYA SOOTIN ANG TSINELAS!"

Napamulagat ako habang hinihingal 'panag inip lang pala'

Humiga ako ulit at ipinatong ang kamay sa noo ko "bangungot na ayaw kong mangyari"

Naghanda agad ako papuntang eskwela dahil sa takot na baka maka panaginip ulit ako ng masama. Sino ba namang tanga ang magpapa taas ng kamay sa gitna ng misa?!

~~~

Lunch ngayon at tinatapos ko ang minor pt na ipapasa mamayang tapos nang klase. Hindi pa ako nakakain kaya nagpadala nalang ako sa mga kaibigan kong tapos na sa kanilang gawain.

Nasa kalagitnaan ako ng pag gawa nang biglang lumapit ang kaklase kong lalake

"Cas! Si Bianca at Cielo nakakita ng away sa hallway, puntahan mo dali! Tulungan mo!"

"weh?" Umurong pa ang ulo ko sa sabi niya

"Oo nga! Tulungan mo!" Hingal na hingal niyang ani

Hinila ko ang kamay niya "samahan mo ko bilis"

Mabilis pa sa taeng tae ang pag takbo namin. Umakyat pa kami ng hagdan!

Humawak ako sa tuhod ko "ha!" Hingal na hingal kong ani. "Asan?"

"Ayon oh!"

Mabilis naman akong napalingon sa kaniyang tinuturo at nakita kong may nagkukumpulan na mga estudyante

Lumapit ako do'n at nakita ko si Cielo na pulang pula sa galit habang si Bianca at Toni naman ay inaawat ito

"Cielo, wag ka na pumatol" bulong ni Bianca dito

"Hindi ko naman pinapatulan, tinuturuan ko lang paano sumaya sa buhay" pinaikot nito ang mga mata at halos magkasikit na ang kilay nito

Hinila ko si Cielo sa kamay "ano bang nangyari?!"

"Aba Cas! Tanungin mo yang buang na yan!" May tinuro na babae si Bianca. Kinuha naman ni Cielo ang kamay na hawak ko

*buang means crazy*

The School of Crows (On Going)Where stories live. Discover now