Chapter 47: Memory Haunts

8 1 0
                                    

-THIRD PERSON'S POV-

"DAWN WAKE UP!!" Biglang minulat ng dalaga ang mga mata nung marinig ang sigaw ng ina. Naiinis na tumalikod ito habang kamot ang ulo dahil sa ina niyang kanina pa siya ginigising.

"Dawn sinasabi ko sayo, pag malate tayo ikaw talaga pepektosan ko." Banta ng mommy niya kaya agad namang bumangon si Dawn ng marinig ang sinabi ng ina.

"Heto na nga.."

"Ano bang ginawa niyo kagabi ni Calvin na late na kayong nakapunta rito." Sambit ng kanyang ina habang busy mag makeup habang ang ama naman ay kausap si Andrea sa telepono.

Bigla namang napahinto si Dawn sa paglakad papasok ng CR nung marinig ang tanong ng ina.

Their conversation flashed back in her mind.

Ano kaya gustong ipahiwatig ni Calvin??

But she then shook her head and started running the shower. She has some things to do and will not bother guessing because they're done.

Done, done.

Or

Done. Done?

Matapos magprepara at lahat lahat ay nagsilabasan na ang lahat sa kani-kanilang hotel room upang bumaba na dahil di raw magtatagal ay nasa lobby na rin ng hotel ang kanilang hinihintay, si Aadesh.

Na kaibigan din pala ni Dawn.

"He's near na raw." Biglang sabi ng ama ni Khalil na si Cooper.

Nung biglang isang taong ang lumabas sa nakaparadang sasakyan, rason para mapalingon ang lahat ng tao sa lobby di dahil kakapasok lang niya kundi dahil sa nakaka agaw atensyon ang kanyang pisikal na katangian.

Halos lahat yatang babaeng makakakita sa kanya ang magkakagusto dahil tila bang nasa kanya na lahat.

Katangkaran, magandang mukha, moreno, may magandang katawan, mga mata, matangos na ilong, at marami pang iba. Kung kaya't nang makita siya ni Dawn ay di maitatangging nabighani ito kay Aadesh.

"Oh my goodness! Aadesh!" Sigaw ng ina ni Dawn kaya napalingon talaga lahat ng tao sa lobby.

"How are you!?" Dagdag pa ni Agnes nung matapos ang kanilang pagyakapan.

"I'm great tita!" Magiliw nitong ani.

"You're just like your father na!" Singit ni Chloe, ina ni Calvin.

"Hello tita Chloe, it's been a while." Sagot pabalik ni Aadesh.

"Aadesh, good to see you."

"Last time I saw you, you were still in highschool ah!" Bati ng mga tito ni Dawn, habang nagtatawanan sila.

"Everyone, this is Aadesh, son of Mr. and Mrs. Raj." Pagpapakilala ni David kay Aadesh sa mga employee at assistant nilang kasama sa trip.

"Oh! Aadesh, have you met my son?" Pagpakilala ni Chloe at giniya si Aadesh palapit sa kinatatayuan ni Calvin.

"This is my son, Calvin." Aniya.

Tumango naman si Adi at nagsalita. "Yes po, as far as I remember, we worked together sa isang undergarment shoot." Nahihiyang wika ni Aadesh nung huli na niyang mapagtanto ang sinambit.

"Oh nice! Mag usap usap muna kayo dyan!" Aniya bago tumalikod.

"Sup' man, Calvin." Ani Calvin sabay lahad ng kamay na agad namang tinaggap ng binata. "Aadesh, but you all can call me Adi."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now