CHAPTER 33

140 10 0
                                    

Yay makakalabas narin ako!! And i feel strong na ulit ako ang unang nagising sa amin napalingon ako sa gawi ni austin tulog pa ito pati sila kuya

Papasok pa sana ako kaso late na ngayon eh ipapahinga ko nalang muna siguro to makakahabol pa naman siguro ako sa gawain

Habang kinakausap ko ang sarili ko sa utak ko biglang may nagsalita sa tabi ko

"Gising ka na pala, may gusto ka bang kainin?" Tanong sa akin ni austin na pupungay pungay pa mata

"Okay lang ako, di ka ba papasok?"

"Ayoko, wala ka eh hahaha."

"Hoy ikaw kagabe ka pa ah hahaha." Tawa kong sagot

"Kinikilig ka lang eh."

"Ha?"

"Halabyu"

Inirapan ko nalang to at bumangon na ako nagising narin sila mama kaya nanahimik na rin kami

"Oh aga niyo mag loving loving dyan ah?" Ani ni kuya

"Oh aga aga nambibwiset ka ah?" Irita kong sagot

Kasi naman nakakahiya amp hindi sa ikinakahiya ko si austin no syempre di ko naman siya jowa at baka mag false hope ito what if di ko siya masalo diba? Edi ang lalabas pinaasa ko lang

Nagligpit na sila mama at ako naman inalalayan ni austin makatayo kahit kaya ko naman na buti nalang dala nila mama kotse kaya mapapadali ang uwi

Sinabe din ng doctor na officially okay naman na ako, sana naman di nako madisgrasya baka naman kalalabas ko lang oh

Nang matapos magligpit ay lumabas na kami papunta sa sasakyan namin nagpaalam na si austin samin dahil magcocommute nalang daw siya ayaw sumabay ewan ko kung bakit

Pagkasakay namin ay pinaandar na agad ang kotse para makauwi agad

Di ako nakakaramdam ng antok kase sobra sobra na ako sa tulog at malapit lang yung bahay

Ilang minuto lang ang byahe nakauwi agad kami sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magsimula ng magsulat ng lectures na isinulat nila drei kahapon

Magrereview narin ako para makahabol pa ko sa mga lessons pero bago pa yon inopen ko muna facebook ko

Aba maraming tag sakin sila yuri patay na ba ko? Amp hahaha

Tinignan ko isa isa ito pagaling daw ako, miss you na daw, tas meron pa squad goals, tas lugar na pupuntahan daw namin etc.

At ang messages ko naman 5 syempre kasama na gc namin nyan

10 messages from yuri
6 messages from drei
8 messages from keighan
12 messages from austin
20 messages kay dummy account na ayaw magpakilala

Akala ko may gc eh si dummy naman pala ewan ko pero una kong tinignan ay yung sa kanya

Ganoon nalang ang gulat ko sa mga nabasa ko sa chat niya alam niya ang nangyare sakin at mapapaoffice daw sila celine siya ang nagsalita about sa nangyare sorry daw kung di niya ko ipinagtanggol dahil ayaw niya pa magpakilala

Di ko alam kung maiinis ako o ano eh kase di ako pinagtanggol charot siya daw boy bestfriend ko ano yan austin 2.0? Hahaha

Nagreply nalang ako ng salamat dito, ie-exit ko na sana nang magreply agad ito

'Magpapakilala na ako bukas' yon ang huling sinabe niya naks lumakas na ang loob sinabe ko lang ay sige

At di na nagseen ito sa sinabe ko ang sunod naman na binuksan ko ay kay yuri

Nagaalala parin ito sa akin aw this girl di ko expect na magiging bestfriend ko to grabe ang solid niya na kaibigan huhu nagreply nalang ako sa kanya na okay nako at gayon din kila drei at keighan dahil pare-parehas lang naman sila nangangamusta

Si austin naman nakauwi na daw siya nag sige nalang ako, pansin ko nagiging madaldal narin ito ha hahaha

Nang mareplyan ko na lahat pinatay ko na ang phone ko at humilata na sa kama

Sino kaya yung nasa likod ng dummy account na yon? Kaklase ko daw eh wala naman akong ideya sino yon. Ang nasa isip ko nung una si austin ay teka di kaya si dummy account din ang tumawag sa akin when my papa cheat? Kaboses pa nga ni austin

Naguguluhan na ako ha he is my boybestfriend daw before, di kaya si austin talaga? Pero bakit hindi naman sasabihin nito sa akin?

At papaano niya nakuha number ko? Eh wala naman akong pinagbibigyan bukod sa fam ko

Pero atleast hindi na ako mangangamba kase magpapakilala ka na speaking of that dummy account biglang may tumatawag sa phone ko

Teka?? Eto yung number nung tumawag sa akin noon na austin ang boses!! Sinagot ko ito pero hindi pa ko nagsasalita same as siya

"Hello? Magkita tayo bukas sa coffee shop magpapakilala ako. Siguro sabay na tayo pumasok ng school dahil tatawid narin lang naman tayo non." Ani nito

Kaboses niya talaga

"Austin?" Tanong ko

Nanahimik naman ang kabilang linya at sumagot uli ito "bukas mo malalaman." Seryoso nitong sagot at pinatay na ang linya

Ang seryoso naman nung tao na yon ewan ko di ko malaan kung si austin nga ito

Bahala na bukas pero kinabahan ako ah ewan ko kung bakit baka dilikado nanaman to madisgrasya nanaman ako wag naman hahaha awat

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now