CHAPTER 20: Happy Ending

495 22 9
                                    

"Hey! Huwag kang bastos! I'm talking to you." Hinila ng lalaki si Arylle at isinandal sa pader. Nahihilo siya at walang lakas para itulak ang lalaking hawak ang magkabilang kamay niya.

"I like you. Would you want to do it in my place? I promise, I will be gentle to you baby. Hindi ka magsisisi." Bulong ng lalaki sa kanya na nagtangkang halikan ang leeg niya kung hindi nito nakagat ang tenga niya.

"Aagh! Pakipot ka ah! Akala mo kaya mo ako? Kahit sumigaw ka dito, no one will hear you. They will not bother to help you baby! Huwag ka na magmatigas kung ayaw mong masaktan! Don't worry, I'm gonna make sure that you will enjoy it. I will bring you to heaven." Mas hinigpitan ng lalaki ang hawak sa kamay ni Arylle. Diniinan din nito ang pagkakadikit ng katawan niya sa dalaga para hindi siya makagalaw.

"Bitawan mo ako!" Paulit-ulit niyang sigaw pero walang man lang nakarinig sa kanya. Lahat ay abala sa pag-inom, pagsayaw sa malakas at dumagundong na musika sa loob ng bar. Lasing na lasing na din si Arylle at wala na siyang lakas para manlaban pa sa bastos na lalaking gusto siyang pagsamantalahan.

"I like your scent...anong pabango mo?" Sabi ng lalaking inaamoy ang leeg ni Arylle.

"I will do-" Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang bigla na lang may taong humawak sa leeg niya.

"What will you do?" The guy turned pale with that baritone voice. Drake is holding his neck tightly.

"Drake... Let me...aagh!" His grip tightened more to his neck.

"If you want a longer life, piliin mo yung babaeng babastusin mo! Don't appear infront of me ever again kung gusto mo pa mabuhay! Try to mess with her again..." Nanganagalit ang mga mata niyang nakatingin sa lalaking nambastos kay Arylle.

"Aa-agh! Drake! Aa-aagh!" Namumula na ang lalaki sa pagkakasakal ni Drake sa kanya.

"Makita pa kitang lumapit sa kanya..."  Nginig na nginig ang lalaki sa takot nang bumulong si Drake sa kanya.

"You will be meeting Satan in hell! Do you understand?" Muli niyang sinakal ang lalaki paitaas saka pabagsak na binitawan.

"Are you okay?" Binalingan niya si Arylle na umaatras at muntik ng mahulog sa hagdan kung hindi siya nahawakan ni Drake sa bewang.

"Dok Drake? Ikaw ba talaga yan?" Nakangiting sabi ni Arylle habang marahan niyang hinahaplos ang mukha ng binata.

"I'll take you home." Sinubukan niyang bitawan si Arylle para tignan kung makakapaglakad ba ito ng maayos.

"Nagha-hallucinate ba ako kakaisip sayo? Miss na miss na kita! Kelan ka ba magju-duty? Ang tagal naman ng leave mo. Miss na miss na kita Dok!" Hindi na siya nagulat sa pagyakap ni Arylle sa kanya. Pero nabigla ito nang humagulgol siya na animoy batang nawalan ng kendi.

"Arylle, tigilan mo yan. Stop crying. Pinagtitinginan tayo ng mga tao." Naasiwa siya sa mga matang tumitingin sa kanilang dalawa.

"Grabe pre! Cry baby pala yang syota mo. Iuwi mo na pre. Miss na miss ka pala eh. Lakas ng tama sayo Drake, na-miss ka lang, naglasing na ng tatlong araw? Matindi pre! Inlababo sayo." Tapik ni Uno sa kanya.

"Paano ba yan? Ikaw na muna bahala sa kanya. Magpa-party party muna ako. Pakasalan mo na kasi pre! Napaka-clingy ng syota mo Drake. Patay na patay sayo." Bulong ni Uno bago iwan si Drake na di makagalaw dahil sa mahigpit na yakap ni Arylle.

Arylle...what will I do to you? Magkaka-ganito ka na lang ba ng dahil sa akin? Bakit hindi mo ako maintindihan? Why do you need to punish me like this?

Drake hate seeing Arylle so wasted and drunk. He will not stop worrying if Arylle will be like this for the next days to come.

"Damn! Arylle! Ano ba? Tumigil ka na nga sa pag-iyak!" Tinanggal niya ang pagkakayakap ni Arylle sa kanya at mabilis itong binuhat palabas ng bar.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now