Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 12 : Gayuma

29.2K 1K 166
                                    

***

Pagbalik ni Anne sa sariling opisina ay sumubsob siya habang ipinupukpok ang kamao sa mesa.

"Hindi ko na keri ang kashungahan ko! Help!" sigaw niya. "Gayuma? Nilalagyan ko ng gayuma? Syuta! Wala na 'kong ka-pride-pride! Push pa kasi nang push!"

Katok sa pinto ang nagpaangat sa mukha niya. Nagbuntonghininga siya at tabingi ang ngiti nang humarap kay Ashley. "Bakit?"

"Okay ka lang?" tanong nito na may pag-aalala sa mukha.

"Hindi," ungot niya rito.

Naupo ito sa harap ng mesa niya bitbit ang patas ng folders.

"Bakit? Anong problema?"

"Nakaka-shunga at nakakanganga ma-in love e. Bakit ganito?" gusot ang mukha na tanong niya sa babae.

Mahina naman itong natawa.

"Inaway ka ba ni Hunter?"

Muntik malaglag ang lahat ng ipin niya sa tanong ng babae.

"Bakit si Hunter agad ang tanong?"

"In love ka sa kanya, 'di ba?" Inosente pa rin ang mukha nito.

May sumabog na dinamita. Nakasulat ba sa mukha niya na in love siya sa halimaw? Guhit puso na ba ang mata niya na parang sa emoticon sa tuwing babanggitin ang pangalan nito? O nagtutulo na nang bongga ang laway niya kapag tumitingin dito? Oh no!

"Halata?" kabadong tanong niya.

Ngumiti ito nang nakauunawa. "Halata ko. In love din ako, e. Kaya alam ko kung anong itsura ng taong in love."

"Matagal na ba 'kong halata? Kasi ako... hindi ko napansin," nag-aalalang tanong niya. Kailan lang siya nasaktan. Kailan lang din siya tinablan ng mga kalokohang pinagsasasabi niya sa lalaki.

"Well..." Nagkibit-balikat ito. "I thought you're in love with him the first day I worked here."

Napanganga siya. Gano'n na katagal? In love na ba siya no'n? Hindi niya alam. Basta ang naaalala na lang niya sa mga pangungulit niya ay uma-umaga siyang nanunungkit ng ngiti ng halimaw. Rare kasi.

"Grabe! Mula pa noon?"

Tumango ito. Sumubsob naman uli siya sa mesa niya.

"Ayoko ng ganito! Masakit. Nakakasira ng poise. Nakakalurkey!" dabog niya. "Nakakasira ng self-confident!"

Tinapik naman ng babae ang balikat niya.

"You need to think of a strategy. Para makuha mo ang atensyon niya at hindi ka naloloka."

Nag-angat siya ng mukha. "Paano? Alam mo ba, ang sabi no'ng halimaw, hindi niya 'ko magugustuhan. Nagbigay pa nga ng tatlong dahilan."

"Really? Anong mga dahilan?"

Ni-recite niya ang tatlong sablay niya kay Hunter. Tawa naman nang tawa si Ashley.

"He told you that? Then, I think you're good. 'Wag kang masyadong mag-alala," sabi nito sa kanya.

"Ano? Anong 'you're good'? Waley na waley ako sa beauty mo, 'no!"

Mahina naman itong tumawa.

"You're good. Kasi... ni hindi napagsasalita nang ganyan kahaba si Hunter. Hindi ko pa nga nakikitang ngumiti. O tumawa. O... I don't know what else. E, sa'yo, mukhang komportable naman siya."

"E, natatawa siya sa 'kin, e! Iba naman 'yon. Kinukulit-kulit ko kasi."

"What else do you want to do, then?"

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon