Chapter 16

69 22 82
                                    

"Ano'ng sabi ni Madison sa bigay mo?" Tanong ni Glenn habang binabalatan ang patatas.

Abala ang magkapatid sa pagluluto ng hapunan nila sa kusina, muling napaisip si Glenn kung ano ang nangyari sa usapan ng kapatid niya at ni Madison. He was curious. Tiningnan naman siya ni Blake nang saglit at muling ibinalik ang tingin sa niluluto niyang ulam. A smile was formed across his face when he suddenly thought of what happened earlier.

"Nagpasalamat naman siya—natuwa," simpleng sagot ni Blake, ngunit may gusto pang malaman si Glenn dahil napapansin niyang iba ang ngiti ni Blake.

"Ba't ka nakangiti?" He asked teasingly and playfully punched Blake's left shoulder.

Blake thought for a moment and tried to remember the last thing he told to Madison. Gustong-gusto niya iyon balikan dahil parang nababawasan ang bigat na binubuhat niya nang masabi niya iyon.

"Natutuwa lang ako kasi nasabi ko na 'yung dapat na malaman ni Madison," saad niya.

Glenn raised an eyebrow and gave him a questioning look. He was seeking for more information, he wanted Blake to be more specific.

"Please, be more specific. Ano ba 'yon?" Tanong ni Glenn.

Pagkatapos niyang mabalatan ang mga patatas, kumuha siya ng mangkok at doon inilagay ang mga patatas upang muling mahugasan.

"I just told her..."

"Na ano?" Naguguluhang tanong ni Glenn.

"That I like her," he confessed.

Muntik nang madulas si Glenn nang marinig niya ang lumabas galing sa bibig ni Blake. Napahawak si Glenn sa counter ng lababo upang ibalanse ang katawan niya. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa ni Blake, at hindi rin niya alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob para umamin nang walang kahirap-hirap.

"You just met her," sabi ni Glenn.

"Ano ka? Si Elsa?" pagbibiro ni Blake.

Pinatay ni Blake ang apoy ng kalan at tinakpan ang niluluto niya. His eyes met Glenn's. Sa oras na iyon, alam niya ang ibig sabihin ng kuya niya at naiintindihan niya iyon pero para sa kanya, walang masama sa ginawa niya. He showed bravery which Glenn doesn't consist.

"Alam ko—that's why I said it early," sumbat naman ni Blake.

Naguguluhang mukha ni Glenn ang bumungad kay Blake. Hindi pa rin makuha ni Glenn makuha ang punto ni Blake—kung bakit mabilis at madaling magbitaw ng mga salita si Blake, lalong lalo na kay Madison na ilang linggo pa lang niyang kilala at hindi pa gaanong malapit sa kanya.

"But it doesn't mean that I am ready to court her. I want her to be my friend first and get to know each other."

Glenn was extremely confused, he needed more explanation. Masyadong magulo ang mga pinaparating ni Blake sa kanya and at the same time, naiinggit siya. Knowing na mas malakas ang loob ni Blake kaysa sa kanya.

"Pinaalam ko lang sa kanya para aware siya na gusto ko siya. I don't want to hide my feelings from her."

"Ayokong sasabihin ko lang sa kanya kapag magkaibigan na kami—close na close," dagdag pa ni Blake.

"May possibility na layuan niya ako at mailang siya. Kaya habang maaga pa, sinabi ko na." Bumuntong hininga si Glenn.

"Ikaw ba? Kailan mo balak ipaalam?" Tanong ni Blake habang nakangisi.

Glenn slowly turned his head towards Blake and met his eyes. He sighed and gave him a dull smile. He was clueless, how and when. He was too shy to admit it since he was aiming to have more closure.

When Destiny Plays (Soon to be Published under Grenierielly Publishing)Where stories live. Discover now