Chapter 43

117K 3.1K 278
                                    


Chapter 43
Wire.

"Oh.."

Yan nalang ang nasambit ng mga kaibigan ko nang makitang kasama na nga ni Joshua ngayon si Jasmine at mukhang sila na.

"Sorry, Rae." paumanhin ni Fritzie. "Akala ko nagbibiro ka lang at nagtatampo sa kanya." dahilan nya.

Lumingon ako sa kanya't ngumiti saka umiling. "Wala 'yon." sabi ko nalang.

Naging tahimik ang mga kaibigan ko sa mga nangyari ng biglang umalingawngaw ang sigaw ng isang babae at paniguradong si Anne 'yon.

"Lyrae!"

Sigaw nito na halos matanggalan na ata sya ng ngala-ngala habang patakbong papunta sa akin na kasunod naman kaagad si Lawrence na mukhang kanina pa sila naghahabulan.

"Buti nalang at nakapunta ka." masayang sabi nya nang makalapit na sa akin.

"Anne." rinig kong tawag sa kanya ni Lawrence at agad namang nagtago sa likuran ko si Anne.

"No way, Renz." ani Anne at lumapit pa lalo sa akin. "Let's run at the count of three." aniya at napatingin lang ako sa kanya.

Ano nanaman ba ang iniisip nang babeng 'to?

I swear, na maraming nagbago sa kanya. But she changed for the best. Nakakaloka man sya ng sobra ngayon but she's really more fun to be with.

"One.. two.. three!" bilang nya at bigla na nya akong hinatak ng patakbo.

Pumunta kami sa dance floor at sobrang bilis ng takbo nya na halos mapatid na ako dahil sa pagkakahila nya sa akin.

"Ano bang problema nyong dalawa at naghahabulan kayo?" tanong ko sa kanya habang patuloy lang kami sa pagtakbo.

"Gusto nyang burahin sa phone ko yung sinend sa akin ni Tita na picture nya nung baby." mabilis nitong sabi at huminto kami nang makitang naiwala na namin si Lawrence.

"Ano namang meron sa baby picture nya't naghahabulan pa kayo?" kunot noong tanong ko at inayos ang aking buhok na nagulo dahil sa pagtakbo namin.

Sandali syang napatigil nang dahil sa tanong ko at saka tumawa ng napakalakas na halos mawalan na sya ng hininga.

"H-He's naked!" natatawang untag nito. "He's wearing nothing." at muling humagalpak sa kakatawa.

"Normal lang naman sa mga bata ang mga may naked pictures. Ano bang iniinarte nya?" inis na tanong ko.

Mas lalo akong nabwisit dahil dinamay pa nila akong dalawa sa habulan session nila.

"Here." aniya at inilabas ang kanyang phone. "I'll show you." dagdag nya pa habang may pinipindot dito.

Napatawa ulit sya habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone at akmang ipapakita na nya sa akin nang may biglang kumuha nito mula sa kanya.

"Got it!" untag ni Lawrence na parang tuwang-tuwa pa dahil nakuha na nya ang cellphone ni Anne.

"Renz!" singhal naman ni Anne at sumimangot kay Lawrence. "Please.." she pouted.

Huminga naman si Lawrence at unti-unting binaba ang phone ni Anne na kanyang nakuha.

Napailing nalang ako sa dalawa at tumalikod na.

"Rae!" sabay na sigaw nila Lawrence

at Anne.

Biglang may nakabunggo sa aking waiter na nag-iikot-ikot dito sa event upang nagbigay ng drinks na dahilan kung bakit muntik na akong mahulog ngunit may mga makikisig na brasong nakasalo agad sa akin.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon