I

840 7 1
                                    

—Guidicelli Corporation—

Angeline: Bes, tuloy na ba mamaya yung pag aapply mo sa Guidicelli Corporation? Balita ko bes gwapo raw yung may ari doon ah.

Sarah: oo bes tinawagan na ako kahapon at binigyan ako ng schedule para sa interview mamaya. Diba nag apply ka rin bes?

Angeline: oo pero bukas pa yung interview ko sana matanggap tayo bes noh? Malaki yung sweldo doon eh. Saang department ka?

Sarah: ang sabi sa akin Secretary raw ng may ari kasi nag resign yung secretary niya.

Angeline: swerte mo naman bes. Pakilala mo ako sa may ari ah. Dami nagsasabi ang gwapo raw eh tsaka kasing edad lang natin.

Sarah: bes trabaho yung inapplyan natin hindi paghahanap ng gwapo.

Angeline: grabe ka bes ah. Anong oras ka pupunta doon?

Sarah: mamaya konti bes hinihintay ko lang sa Kuya Eric kasi ihahatid niya ako busy kasi si Tatay.

Angeline: sana all hinahatid ni Eric.

Sarah: ewan ko sayo bes. Ay andyan na pala si Kuya goodluck sa interview mo bukas bes.

Angeline: goodluck din bes.

Guard: good morning mam. May appointment po ba kayo ngayon?

Sarah: good morning kuya guard. Yes po may appointment po ako para sa interview ko ngayon kasama ang HR.

Guard: name niyo po mam?

Sarah: Sarah Asher Geronimo po.

Guard: okay po mam. Akyat po kayo ng third floor then left side andun po naghihintay ang mag iinterview sayo na taga HR.

Sarah: salamat kuya Guard.

Guard: goodluck mam.

Eric: oh Sars hintayin na kita dito sa lobby ah? Kaya mo yan alam kung makukuha mo yang trabaho na yan.

Sarah: salamat sa pagsama kuya Eric.

—interview—

HR: so miss Geronimo how sure you are na kaya mo ang trabaho mo bilang secretary ng boss ng companya na ito?

Sarah: mam masipag po ako at willing po akong matoto sa lahat ng bagay at pag aaralan ko po ng mabuti yung trabaho ko para po magampanan ko ito ng mabuti.

HR: do you have any idea about the owner of this company?

Sarah: honestly mam, no po. Ang alam ko lang po isa din pong engineer ang may ari ng companya na ito.

HR: tama ka naman isa siyang engineer. Alam mo bang ayaw na ayaw ni Engineer ng late? Pumapasok siya ng office exactly 7:30am dapat andito ka na before 7:30.

Sarah: mam kaya po. Gagawin ko po lahat mam makuha ko lang po ang trabaho na ito.

HR: isa sa pinaka ayaw ni Engineer ay ang babaeng flirt at ayaw din niya ng may magjowa sa companya niya dahil para sa kanya sagabal ito sa trabaho sa isa't isa.

Sarah: copy mam. Wala naman po akong balak mag flirt sa may ari dahil po trabaho lang po ang pinunta ko dito.

HR: mabuti naman. Pwede ka ng magsimula bukas at mapag aralan mo na ang mga bagay bagay sa trabaho mo.

Sarah: yes mam. Thank you po. Sobrang laking bagay po nito na nakuha ko ang trabahong ito.

HR: alam mo naman yata ang dress code ng companyang ito?

Sarah: yes mam.

HR: then that's all welcome to the company and goodluck.

Sarah: salamat po ulit mam.

He's the boss, I'm the SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon