PROLOGUE

3K 57 28
                                    

A/N: readers, this is my first story. hihi. Hope you like it. promise po makakarelate kayo. lalo na po sa mga may crushes dyan :) ENJOY!

-------

PROLOGUE

Diba ang sarap sa feeling ng meron kang crush?

Meron kang maiki-kwento sa mga kaklase mo. O kaya meron kang dahilan para hampasin ang kaibigan mong kasalukuyan mong katabi pag nakita mo si crush.

Suddenly, magkakaroon ng thrill ang "boring life" mo. Magkakaroon ka ng dahilan para kiligin. Yung tipong mahagip ka lang ng mata ni crush feeling mo tinignan ka talaga niya. Humingi lang ng paper sayo pero kung makareact akala mo maiihi ka na sa kilig. Mga ganun ba.

Feeling mo inlove ka na sa crush mo to the point na pati balat ng candy na kinain niya tinago mo. Kaya kapag si crush nagka-lovelife, feeling mo pinaasa ka at iniwan ka nalang basta basta. Selos na selos ka, to the point na pinapatay mo na si girl na gusto niya.

CRUSH LIFE nga diba? Hindi LOVE LIFE. It means na may limitations ka since ikaw lang ang umiibig mag-isa.

Funny right? No, it's not, of course. Kasi kahit sabihin man nating "crush" lang, nasasaktan pa din tayo. Na-attached na tayo eh. Lalo na kapag kaclose mo siya. Kaibigan mo. Halos bestfriend mo na nga eh.

Pero sana nag-iingat tayo. Nag-iingat tayo sa mga nagugustuhan natin. Minsan kasi dun tayo nagkakagusto sa mga taong komplikado. Like, magkaibigan kayo - nagustuhan mo siya - nalaman niya - nilayuan ka. Mga ganun ba. Sobrang komplikado.

Think first before you fall inlove. Because friendship might be sacrificed.

Natawa ako. As in sobrang natawa ako. Ganyan pala ako kabitter dati. To the point na naisulat ko pa yan sa notes ko. Haha. I bet umiiyak pa ako nung mga oras na sinusulat ko yan. LOL

Delete note?

DELETED!

Not My CrushWhere stories live. Discover now