Chapter Two

218 15 0
                                    


Shit! Alertong kinuha ni Jendra ang sariling baril sa holster at inalis ang lock niyon. Mahigpit ang hawak doon na unti-unti siyang dumirecho uli ng tayo, at napakurap dahil napupuno na ng usok ang paligid at nangingibabaw ang amoy ng pulbura at dugo.

Nagtayuan na ang mga customer, na ang iba ay nagsiksikan sa gilid o di kaya ay nasa ilalim ng mesa.   

Nakita niya sina Marco at Manolo na itinutulak palabas ang mga alagad ni Melloni, habang dinaluhan naman ni Stefan ang mga lalaking nakayukyok na sa mesa  at agaw-buhay.

Somebody already called 911, so she quickly locked and reholstered her gun before she checked on the other customers. Nilapitan niya ang grupo ng mga babaeng nasa ilalim ng mesa at nag-iiyakan.

“It will be okay now. They're gone.” inabot niya ang mga braso ng tatlong babaeng nanginginig pa. “Is any of you hurt? We just called an ambulance.” marahang hinila niya ang isang babae, na mahigpit na hinawakan siya. “And the police.” dagdag niya kahit alam na dumating man ang mga iyon ay wala ring magagawa.

They will only get the statements from witnesses. Maybe jail those Melloni men for a night or two but won't have enough evidence for charges. Malamang sa mga sandaling ito ay nadispatsa na ang mga ginamit na baril. Tiyak na may suot ding gloves ang mga nagpaputok niyon.

“Let's get you something to drink first. Tea? Something to eat? It's on the house.” iginiya niya ang tatlo sa second floor kung saan naroon ang isa pang dining area.

Walang kibong sumunod sa kanya ang tatlo. Nagtama ang mga mata nila ng night shift manager na si Ken, na tila apologetic na tumango at tinawag ang ilang waiting staff.

Everybody who worked for King's Lair knew exactly what to do whenever somebody gets killed. They stay quiet, confidently settle things and then move on as if nothing happened.

Pinanood niya habang inihahatid din paakyat ng ibang empleyado ng bar ang ibang mga customers. Maingat ang mga ito na huwag guluhin ang crime scene para sa pagdating ng mga pulis at local UIN forensic team.

Narinig niya ang pagdating ng ambulansya at ang pagsugod sa loob ng mga EMT na agad dinaluhan ang mga nabaril.

Dumako ang tingin niya kay Stefan na kausap na ang ilang miyembro ng pulisya. He looked convincingly shaken, but still managed to give the necessary details the police asked for.

Ilang komprontasyon, basagan at siraan ng gamit, bugbugan at dalawang beses na barilan na ang nasaksihan niya simula nang magtrabaho siya dito sa King's Lair. Pero ngayon lang niya nasaksihan na may namatay talaga. Base sa ekspresyon ni Stefan, kilala nito ang mga nasawi.

“They were all regular patrons here, office. Buit I am more familiar with the victims. One of them works at my bank while the other is a colleague at McNelson.” he was referring to the security agency. “He was our head accountant. I'm not sure if he had enemies but there might have been disgruntled former employees or clients.”

So he knew them. Napasandal siya sa bar counter at umabot ng isang disposable paper cup at itinapat iyon sa water dispenser. Apat na buwan na niyang kilala si Stefan pero bihira itong magkuwento tungkol sa trabaho, kahit iisang grupo lang ang mga boss jila.

Parang sa kabila ng sitwasyon nila ngayon ay ginagawan pa rin nito ng paraan na maging mas normal ang buhay nila.

I'm sorry, Stefan. But nothing about our situation will ever be normal. Ni hindi mo alam ang tunay kong pangalan. Lahat ng ibinigay kong impormasyon sa iyo ay kasinungalingan. At hindi ko alam kung magkakaroon pa ng pagkakataon na totoo mo akong makikilala.

“You can't say No now if I tell you we're going home, JC.” hinawakan ni Stefan ang braso niya.

Napaigtad siya at muntik mabitawan ang paper cup. Inilapag niya iyon sa counter. “I'm fine, Paul.” huminga siya ng malalim. “Bibisitahin ko muna yung mga nasa itaas.” tumingin siya sa hagdan papunta sa second floor.

“Marnie and the others will take care of them. May dumating pang dagdag na taga-UIN para i-debrief sila. May kasama ding mga nurse.” his face was now unreadable as he spoke.

“It's past one, JC.” he smiled weakly, but his hand on her arm was firm. “We really should go.”
Tumango siya. “Okay. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.” binitawan siya nito at inilang hakbang lang papunta sa DJ's booth kung saan ini-unplug niya ang mga kable at iniligpit ang mga gamit. Kinuha niya ang tote bag at binalikan si Stefan na dala na rin ang backpack nito, naghihintay sa bar.

They quickly said goodbye to the police and their colleagues, then headed out into the quiet night, holding hands.

Holding hands! Napatingin siya sa mga kamay nila, bago sa mukha ng katabi. Stefan looked straight ahead, his jaw clenched as if trying to hold back words and emotions. Hindi siya nagtanong. Hindi rin kasi niya gusto ang pakiramdam ng walang nakukuhang sagot.

Naghintay siya, pero malapit na sila sa kani-kaniyang building ay tahimik pa rin si Stefan. Muli lang niyang narinig ang boses nito nang mapamura dahil sa biglang pag-vibrate marahil ng cellphone sa bulsa nito.

Sinagot nito ang tawag. Nakahinto sila sa tabi ng poste, may limampung hakbang pa siguro ang layo sa magkatapat na apartment buildings nila. He barely said a word, he only listened intently to whoever called. His eyes closed for a few seconds, then opened them again as he let go of her hand.

Marahas ang paghinga nito bago muling nagsalita. “Okay. Okay, just update me. I will tell their families as soon as I get home. It's okay. I'll do it.” muli itong nakinig bago tinapos ang tawag.

Hindi siya nagtanong, pero nagbigay ito ng sagot. “That was Holt. The men...” he swallowed. “Frank and Howard... they're gone.” his voice cracked.

Napabuga siya ng hangin. “Are they your friends?” hinawakan niyang muli ang kamay nito.

Stefan squeezed her hands tightly as he looked at her. “They're good men, JC. They had no idea about the Mellonis and when they both started becoming suspicious and asked around, it was with the wrong person.” he sighed. ”They both tried to quit their jobs. Nobody quits, JC.” Napayuko ito. “Hindi ko alam kung bakit narito ka pa.”

“Puwede pa ba talaga akong mag-quit, Paul? Ito na ang buhay ko ngayon. Wala namang pamilyang iintindi sa akin. At least, if ever, I would die knowing I've done a few things right.” Sinalubong niya ang tingin ni Paul.

He looked stricken. “Damn it, JC. You're not stupid or desperate, I will help you. I will ask Holt to help you. Just please... not this life.”

Umiling siya. “I'm sorry, Paul.”

Nakikiusap pa rin ang mga mata nito. “God...” he almost choked out, then pulled her close and wrapped his strorng arms around her.

She stiffened, not expecting the move. They were in front of a gated property and nobody else was around. The night was eerily quiet, the air was cool and damp which she had always associated with something sinister but as his heat surrounded her, as his breath fanned the side of her face, she felt safe.

Safe, and yet, her heart still raced as if it was being pursued by demons. Her lies. Her easy betrayal of this man who told her, two weeks into their meeting, what he was doing with the Mellonis. Salat sa detalye pero maliban sa pag-amin sa tunay nitong pangalan at dating kaugnayan sa UIN, ay naging tapat si Stefan sa kanya.

“Ss—Paul...” tinapik niya ang likod nito.

“Just let me hold you, please.” pakiusap nito sa mahinang boses. He sounded lost and just a little afraid, and resigned.

One wrong word, one miscalculated move and it could be him anytime.

Kinilabutan siya sa naisip. Parang noon lang nagsi-sink sa kanya ang katotohanang pareho lang sila ni Paul. Dead men walking.

Napapikit siya at mahigpit na niyakap din ito. “We're fine, Paul. And it will all be okay.”

Marahang bumitaw ito sa kanya. “I hope so.” he shook his head. “Hindi uso ang optimistic sa mundo natin, JC.” malungkot na ngumiti ito. “Pero para sa iyo, maniniwala ako. We'll be fine.”

“Huwag para sa akin, Paul. Para sa iyo.” tinapik niya ang dibdib nito bago tuluyang lumayo.

“For you, JC.” sabi nito nang nasa tapat na sila ng building niya. “Because right now, you're probably all I have.”

The Secrets We Keep (Completed)Where stories live. Discover now