After death

9 0 0
                                    

Ano tong nararamdaman ko? Parang may malaking batong nakadagan sakin. Arghhhh. Tatayo na sana ako para bumangon ngunit di pa pala kaya ng katawan ko.

May mga ingay akong naririnig sa paligid . Nasaan ako?

"Erynis!"

"Ery? Okay ka lang?"

Dahan dahan kong iminulat yung mata ko para malaman kung sino yung tumatawag saakin.

"Huy anong nangyari sayo?"

Si emma pala. Matalik kong kaibigan at Kababata ko. Tinitigan ko lang sya. inilahad naman nya yung kamay nya para tulungan akong makatayo.

Kasunod ng pag bangon ko, tumingin naman ako sa paligid.
Madami palang taong nakatingin saamin. Nasa labas ako ng room?

"Bakit ako napunta dito?" Tanong ko kay emma.

"Ayun nga din gusto kong itanong sayo eh.Okay ka lang ba? Umuwi ka na kung masama pakiramdam mo"

"Erynis, Mag pahinga ka muna sa bahay nyo. Ipapahatid kita kung di mo kaya. Namumutla ka eh" saad ng prof namin na isa sa mga nakapaligid saakin.

Wala akong maalala, pero mabuti pa nga na umuwi na muna ako saamin. Baka pagod lang ako ngayong araw.
Pinili kong umuwi mag isa pero nag pumilit si emma na ihatid ako para makasiguradong okay ako.

Habang nag lalakad kami palabas ng campus, nakita ko si evan at kail na nag tatalo. Tumigil sila sandali sa pag uusap at tumingin saamin. Agad na umiwas ng tingin si kail at Lumapit si evan.

"Ery? Okay ka lang?"
Matagal ng manliligaw ni Emma si Evan. Matangkad at katamtaman ang kulay nito. Medyo kulot ang buhok at bilugan ang mga mata. Gwapo naman si evan, pero kaibigan lang daw talaga ang kayang ituring ni emma sakanya.

Si kail naman, isa sa mga matatalino sa klase. Pareparehas kaming law student.

"Oo . Okay lang" maikling sagot ko sakanya . Tumingin sya kay emma saglit at pagkatapos tumango saakin.
"Ingat kayo"

Pag dating ko sa bahay, nakita ko si kuya sa kusina na nakasubsob ang mukha sa lamesa.

"Kuya? Di ka pumasok?"
Napabalikwas si kuya nung narinig nya boses ko. Gulat na gulat sya at ilang segundo nya din akong tinitigan.

"E-Ery? M-Magaling ka na? Pinalabas ka ng hospital ng walang kasama?"

"Hospital?" Nag tatakang tanong ko sakanya.
Di ko maintindihan. Bakit ako mapupunta sa hospital.
Siguro nag sumbong sakanya si emma sa nangyari saakin sa campus.

"Wala kang maalala?"

"Galing akong campus kuya, nahimatay ata ako. Di ako pumunta ng hospital. Ipapahinga ko lang to, baka pag gising ko okay na ulet pakiramdam ko"

"Huh?? Ah- eh sige. Tama. mag pahinga ka muna" Ngumiti si kuya

Umakyat na ako sa kwarto ko at agad agad na humiga.
Ang sarap sa pakiramdam! parang ang bigat kasi ng katawan ko ngayon. Naramdaman ko ang antok at mayamaya nga ay bumibigat na ang mata ko at tuluyan ng napapikit.

Pag kapikit na pag kapikit ko, naramdaman ko naman yung katawan kong nahuhulog . Di ko na iminulat ang mata ko at hinayaan balutin ng dilim . Sobrang pamilyar saakin ang pangyayaring to.

*Thud*

Natigil ako sa pag iisip ng bumagsak ako. itinayo ko ang sarili ko at nakita ko ang isang malaking tao di kalayuan. Sinubukan kong aninagin kung sino sya pero wala pa din akong makita dahil sa sobrang dilim.

"Kailangan mong gumising at Alamin ang totoo" isang malamig na hangin ang bumulong sa tenga ko at isang iglap lang biglang nag laho yung malaking tao sa dilim.

Anong totoo?

"Sino ka? Magpakita ka saakin!" Sigaw ko sa kawalan.

May mga mahihinang boses na nag tatawanan pero di ko malaman kung saan nag mumula.

"Ako ay ikaw"

Muli hinanap ko kung saan nanggagaling ang salita.
Nanlamig ang buong katawan ko sa pangalawang beses na pag kakataon na narinig ko ang boses nya.

"Argggggghhhhhhh!!!!" Sobrang lakas na sigaw ang ilinabas ko ng maramdaman kong Unti-unting sumakit ang ulo ko at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

The Resurrection of The WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon